CHAPTER 3

1455 Words
Nakabusangot ako sa buong game. I couldn't help feeling angry. Sinong hindi magagalit, ang half-sister ko'y childhood friends ni Gus! Ang daming tao sa mundo para maging kaibigan ni Gus, bakit ang taong 'yon pa?! All of the people, why Kreselle?! "Lumaki silang magkababata niyan ni Gus," tugon pa nang isang kakilala ni Gus sa engineering department. "Mabuting katulong daw ng mga Constancio ang Nanay ni Gus…" dugtong pa nang isa. "kaya kahit na wala na ito sa mansyon, naging mabuti ang dalawang pamilya sa isa't-isa. Nakayukom ang kamao kong nakatingin kay Kreselle na sobrang proud kay Gus habang naglalaro. She was smiling and clapping her hands at mas lalo kong kinagalit dahil close niya lahat ng kaibigan ni Gus. I spent my week hating my half-sister more. Ni hindi ko na rin magawa na manood pa ng practice dahil naiirita talaga ako. I remember what her family did to us. Her father did to my mother! How he manipulated, hurt us and left us after he took a large amount of money. Kaya sila mayaman dahil sa pera ng mga Bennett na ninakaw nila. Plinano nilang pa-ibigin, anakan at pagkatapos saktan si Mommy ay iwan dala ang pera namin. Tears slid from the corner of my eyes as I hugged myself inside my comforter. Nasunod ng pag-iyak ko dahil sa masakit na nakaraan ay ang panginginig ng katawan ko. I calmed myself and took a deep breath. Iniling ko ang ulo para maalis sa utak ko kung paano kami saktan ng sarili kong ama noon. Inhale. Exhale. I did that repeatedly. And when my breath came back to normal. Bumangon ako sa kama at bumaba sa malaking bahay namin para kumuha ng tubig. I went to our kitchen and to my surprise, I saw Nanay Lia. Ang mayordoma ng mga Bennett. Matagal na siyang nagtatrabaho sa mga Bennett kaya alam niya rin lahat ng nangyari. "Narinig kitang umiiyak sa loob Ng kwarto mo," aniya na kinatigil ko sa harap ng kitchen counter. She gave the glass of water that she was holding. "inatake ka na naman ng trauma mo." I weakly smile at her. "I just remembered what happened before all of sudden, 'Nay," malungkot na wika ko at ininom ang tubig. "Bakit mo naalala? Nakita mo ba si Joseph?" Umiling Ako. "Hindi po. Biglaan ko lang naalala." Wala siyang reaksyon pero nang lumapit siya sa'kin at yakapin ako'y, doon ko naramdaman ang pag-aalala niya. "Alam kong wala na 'kong magagawa pa sa galit na nararamdaman mo kay Joseph," alo niya sa'kin. "malaki ang kasalanan niya sa'yo. Sa inyo ng Mommy mo." "Nanay, okay lang po ako," tugon ko dahil okay naman talaga ako. Sadyang naalala ko dahil sa inis kay Kreselle. Nanay still comforted me that night. Lagi namang ganoon ang nangyari tuwing inaatake ako ng trauma ko. Since my mother is not always around, she became my second Mother. Maaliwalas ang araw na pumunta ako sa tindahan nila Gus. Instead na lumayo sa kanya dahil close sila ni Kreselle, mas nagkaroon ako ng lakas na mas makilala siya. Malayo pa lang ako sa pwesto nila sa tapat Parish Office sa UP Diliman. A smile plastered on my lips when I saw him helping his Mother. I continue walking. Napatingin ang mga taong naroon ng makita ako palapit sa tindahan nila Gus. This is their first time seeing me in this place, I think. "Hi," nakangiti na bati ko kay Gus ng makalapit sa kanya. He tilted his head to see me. Natigilan pa siya na parang nagulat at nag-iwas din ng tingin. "Kakain ka?" tanong niya sa tonong hindi makapaniwala. Still smiling, I nodded. "Yep," sagot ko bago ginala ang paningin sa maliit nilang pwesto rito. Actually, I'm not the kind of a person who eats street foods. 'Yon lang kasi ang tinda nila rito. Hindi pa rin ako nakakatikim ng street foods sa tanan ng buhay ko. But here I am, sitting in front of him. I can't believe I'm doing this right now! I mean, mukha namang malinis ang tinda nila pero hindi ko maisip na baka marumi rin? Bahala na. Nagsalubong ang kilay niyang tumingin sa'kin. "Talagang kakain ka nito?" tanong niyang muli. "Oo nga." nakangiti pa rin ako. His face was still in shock and shook his head after. "Anong kakain mo?" pormal na tanong niya. "Hmm…" I glanced again at what he was cooking. Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko alam ang tawag sa niluluto niya. Street food lang ang alam ko. "give me that," aniya ko bago tinuro ang bilog na kulay orange. I heard him chuckling, making me look at him. "Hindi ka kumakain sa mga ganito, kaya bakit ka narito?" ngayon may himig ng panunuya ang boses niya. Tumaas ang gilid ng labi ko. "So, alam mo na hindi ako kumain ng mga ganito?" nanunuyang tanong ko. Natigilan siyang muli bago napayuko na tila ba nahuli ko siya sa isang kasalanan. I raised my brows when I saw him closing his eyes firmly. "Isa kang Bennett," sagot niya na hindi tumitingin sa'kin. "galing ka sa mayaman na pamilya kaya napaka-imposibleng kumain ka ng kwek-kwek." "Kwek-kwek ba ang tawag diyan sa orange na 'yan?" tanong ko. Tumango siya bago naglagay ng tatlong kwek-kwek raw kuno sa maliit na mangkok. "Oo," sagot niyang muli bago nilapag ang mangkok sa harapan ko. "kumain ka na. At alam kong hindi ka sanay kumain ng mga street foods pero masarap 'yan." Nanatili ang ngiti sa labi ko. "I know since you're the one who cooks it." Hindi na siya muling sumagot at inasikaso lang ang mga bumibili. I can't help but stare at every move he made. Simula sa suot niyang puting t-shirt na v-neck na nagdedepina ng muscles niya sa braso. Sobrang brusko niya kung gumalaw. Magulo ang buhok niya at pinagpapawisan na rin pero ang bango pa rin niya. I wonder what type of cologne he used to smell like this. Sobrang bango! "Kumain ka, Chelseah," may banta ang boses niya at muling tumingin sa'kin. "hindi mo ginagalaw ang pagkain mo." "Kakain na." Dahan-dahan akong hinati sa dalawa ang kwek-kwek at nagulat nang makitang itlog bala ang laman ng loob. "oh! It's an egg!" mangha na sambit ko. Narinig ko siyang muling tumawa na kinatingin ko sa kanya. He stopped when he saw me staring at his laugh. His face became serious. "Kumain ka na at tumigil sa kakatingin sa'kin." "I can't help but stare and admire your handsome face," bulgaran sambit ko. He looked away again and continued what he was doing when I heard someone called him. Napairap Ako sa hangin dahil kilala ko ang boses na 'yon. "Gus," Kreselle voiced, echoing, making my eyes roll. "Kreselle, akala ko may pasok ka," rinig kong sabi ng Nanay ni Gus. "Wala po kaming prof sa next subject kaya narito ako para tulungan sana kayo." Muling umikot ang mga mata at tinuon ang mata sa pagkain kahit wala roon ng atensyon ko. "You're here?" Nagtaas ako ng tingin sa kanya. She looked at me, blankly. May galit sa kanyang mga mata. "So what if I'm here?" matara na sabi ko. "So, totoo nga ang sinasabi ng mga tao sa campus?" masama ang mga mata na humarap siya sa'kin. "you're after Gus now?" I rolled my eyes again. "Wala kang pakialam." "May pakialam ako kasi kaibigan ko siya!" "Kreselle, huminahon ka," marahan na sabi ni Gus sa kanya. "No, Gus," galit na sambit niya. "ikaw ang habol ng babaeng 'yan! Gan'yan naman 'yan, eh! After she get bored to her boyfriends, she will get another man to play their heart again! Ayokong pati ikaw madala sa malanding babaeng 'yan!" Mariin ko siyang tiningnan. "You don't know anything," mariin na sambit ko. "Hindi ako mali dahil alam lahat ng tao sa campus na 'to kung gaano ka kahayok sa mga lalaki! Malandi ka! Kung sinu-sinong lalaki ang pinapatulan mo at sasaktan mo pagkatapos mong matikman at makama! I can't let you do that to my best friend, Chelseah!" What she said was like a big knife stabbing me. Nayukom ko ang kamao at hindi napigilan na sampalin siya nang malakas sa pisngi. "Chelseah!" Gus voice echoed. Galit niyang hinawakan ang kamay ko at tinulak palayo. "tama na!" I heard everyone whispering but I don't care. Nakatingin ako kung pano aluin ni Gus si Kreselle. "Wala kang alam!" sigaw ko sa sobrang galit at tinapon sa kanya kinakain ko kanina. "Chelseah, ano ba?!" Galit na tumingin sa'kin si Gus. Nagtaas-baba ang dibdib ko sa sobrang galit. "Ano ba?! Umalis ka na rito at nang gugulo ka lang!" Sa sobrang galit ko, nasabi ko ang mga salitang alam kong pagsisisihan ko. "Pare-pareho kayo! Palibhasa parehas kayong mga basura! Marurumi! Mahihirap!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD