chapter 24

2054 Words

Ang akala kong isang simpleng dinner kasama lang ang pamilya ay isa palang maliit na party kung saan ay may mga imbetadong investors at ibang business associates ni Daddy. Naroon din ang pamilya ni Vonn at syempre ang kapatid nitong pagdating pa lang namin ay nangislap agad ang mga matang tumutok kay Calix. Wala talagang delikadesa ang babaeng ito. Kahit pa naman noon ayaw ko na sa kapatid na ito ni Vonn pero mas tumindi ngayon ang disgusto ko rito. "Calix... Airah, how's the honeymoon?" masayang salubong sa'min ni Ate Lirah na siyang unang lumapit pagkarating na pagkarating namin. Pinilit kong pinangatawanan ang kalmadong disposisyon kahit na gustong-gusto nang umikot ng mga mata ko dahil sa irita. Mabuti sana kung sa'kin nakatingin itong magaling kong kapatid habang nagtanong pero

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD