Calix Destriza, 25-year old from Barangay Pinaglaban Kanto Pulang Lupa.
Paismid kong binitiwan ang report na ibinigay ng inutusan ko upang alamin ang lahat sa nakilala kong macho dancer kagabi.
I made an appointment with him today pero bago ako makipagkita sa kanya mamaya ay inalam ko muna ang background niya.
Just like what I've thought, he's one of those Kanto Boys. A nobody with a handsome face and a body of a f*cking demigod! Well, I'm not surprised... he needed those qualities for his job.
Di ko napigilang madismaya dahil sa uri ng trabaho niya. Wala siyang pagkakaiba sa babaeng bayaran. I wonder if he also does extra service aside from private shows and escorting older women.
Umasim ang panlasa ko nang sumagi sa isip ko ang posibilidad na pumapatol din ito sa mga baklang handang magbayad para sa panandaliang aliw.
I'm not against with illicit affairs between men but not on my watch. D*mn! Ano ba ang pakialam ko kung iyon ang trabaho ng lalaking iyon?
Trabaho rin ang offer ko sa kanya kaya di ako naiiba sa mga babae or lalaking lumalapit sa kanya upang bayaran ang serbisyong kaya niyang ibigay.
"Prepare the car," baling ko sa assistant kong kanina pa tahimik na naghihintay ng utos mula sa'kin.
I'm paying for this appointment so I'm expecting a positive result.
Sino ba naman kasi ang mag-aakalang kakailanganin pala magbayad para lang makipagkita sa isang pipitsuging macho dancer.
May gosh! Kung di ko lang talaga kailangan ang serbisyo ng lalaking iyon ay hinding-hindi ako magpakababa nang ganito!
I needed that man for my plans!
I am the youngest daughter of the business tycoon Mikhael Dela Razza and the socialite sister of the famous Lirah Dela Razza who currently manage our business empire side by side with our father.
Bilang panganay ay napunta lahat kay Ate Lirah ang atensiyon ng mga magulang namin dahil hinuhulma siya bilang kapalit ni Daddy sa pagpapatakbo ng aming negosyo.
Masyadong ginalingan ng Ate ko kaya 'di na inaasahan ang maari kong ambag sa negosyo ng pamilya.
Kahit gaano ako kagaling sa pagpapatakbo sa negosyong sinimulan ko mula sa wala ay hindi iyon nakikita ng mga magulang ko dahil nasa achievements ni Ate bilang prodigy ng pamilya ang buong atensyon nila.
Ano nga ba naman ang laban ng pipitsugin kong clothing lines sa billion-dollar company na balang araw ay hahawakan ng kapatid ko?
Kung gaano kaswerte si Ate sa atensyon ng mga magulang namin ay ganoon din siya kaswerte sa pag-ibig.
She will be marrying her childhood sweetheart!
Tunay ngang nasa kanya na ang lahat, ang atensiyon ng mga magulang namin,ang paghanga at respeto ng lahat ng mga taong nakapaligid sa amin at syempre pa ang pagmamahal ni Vonn Alfonzo– the one and only man I love.
Kaya kong magparaya sa lahat pero hindi ko kakayaning wala akong gagawin habang tuluyan nang mapunta sa kanya ang lalaking buong-buhay kong pinapangarap.
Vonn Alfonzo, the man of my dreams. Ang lalaking kayang patibukin nang mabilis ang puso ko at nag-iisang lalaking pinagkainteresan ko simula't sapol.
Kahit noong magkaibigan pa lang sila ni Ate Lirah ay may lihim na akong pagtingin kay Vonn at habang tumatagal ay lalo itong lumalalim hanggang sa napagtanto kong mahal ko na siya. Naghintay ako at lihim na iningatan sa'king puso ang damdamin para sa kanya pero si Ate Lirah lang ang nakikita niya at ang pinakamasaklap ay bigla na lang inanunsiyo ni Ate ang napipinto nilang pagpapakasal.
Lahat ng mga nakapaligid sa amin ay parang inaasahan na ang engagement na ito pero hindi ako!
Gulat na gulat ako nang in-announce nila ang engagement last week dahil alam kong hindi sila magkarelasyon.
Despite the rumors about their romantic relationship, I knew that there's nothing between them because I'm always watching Vonn secretly.
I hate looking at them being sweet with each other but the fact that they're just friends is the only thing that made me endure those tortures until now.
Engagement agad? Di man lang sila dumaan sa girlfriend-boyfriend at bigla-bigla may petsa na para sa nakatakda nilang kasal?
Pakiramdam ko ay para akong naloko! Dapat pala ay naniwala na lang ako sa mga naririnig kong tsismis para di ako nagulat nang ganito.
Punung-puno ako ng ngitngit at hinanakit nitong mga nakaraang araw hanggang sa may ipinasok na ideya sa isip ko si Cassy, my spoiled brat friend.
Tama siya, kung di nga magiging akin si Vonn ay dapat hindi rin ito mapupunta sa kapatid ko.
Kung bigo ako ay nararapat lang na wala ring ibang liligaya!
Inaamin kong hindi ako mabuting tao at lalo nang hindi ako mabuting kapatid pero anong magagawa ko? Nagmahal lang ako at sa kasamaang palad ay 'di iyon kayang suklian ng taong buong buhay kong iniingatan sa'king puso.
Nakakagago lang dahil nagpapakatanga ako sa isang tao at handang patuloy na magpakatanga para lang mapansin nito. Hindi lang hanggang pagpapakatanga ang kaya kong gawin dahil matapos kong isagawa ang planong ito ay siguradong kamumuhian ako ng sarili kong kapatid at ng lalaking mahal ko.
May bigat akong naramdaman sa puso ko pero agad ko rin itong binalewala. Di naman nila malalamang may kinalaman ako sa mangyayari dahil sisiguraduhin ko iyon.
I'm not Airah Dela Razza if this plan will fail.
At para sa planong ito ay kakailanganin ko ang tulong ni Calix Destriza.
"Miss Airah, handa na po ang sasakyan."
Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi ko bago tumayo at dere-deretsong naglakad palabas sa pintuang binuksan ng assistant ko para sa'kin.
Habang binaybay ang pasilyo palabas ay hindi ko binigyang pansin ang mga pagbati ng mga trabahanteng nadadaan ko.
Pag-aari ko ang buong building at dito dinidesinyo at binubusisi ang lahat ng mga damit na inilabas ng Airah Collections, ang clothing line na kalimitang mga artista at sikat na mga personalidad ang tumatangkilik.
Ang kagalingan at kasikatan ko sa larangang pinasok ay hindi sapat upang mapantayan ang ningning ng aking kapatid pero matapos ang plano ko ay siguradong magkakalamat ang perpekto niyang liwanag.
Nang makalabas ako sa sampung palapag na gusali ay nakaabang na ang gagamitin kong sasakyan kasama ang nagmamaneho nito.
"Sa LiquidDoze tayo."
Nakita ko ang saglit na pagtataka sa mukha ng driver pero mabilis din agad kumilos upang sundin ang utos ko.
Kahit naman siguro sino ay magtataka kung bigla-bigla ay may mag-ayang pupunta ng bar nang ganito kaaga.
Wala naman sigurong bar na magbubukas ng alas-nueve ng umaga. Iyong Calix Destriza na iyon ang may gusto na roon kami magkikita at kahit na ayaw ko ay wala akong nagawa kundi ay pumayag.
That man, sa ikli ng oras na pagkakilala namin ay ilang beses na niyang pinangunahan lahat ng gusto ko kaya ilang beses ko rin siyang sinaktan sa isip ko.
Sa ikli ng interaksyon namin kagabi ay pinapakulo niya ang dugo ko to the highest point. Pero kahit gano'n pa man ay napagtanto kong wala nang mas babagay pa sa trabahong ipapagawa ko kundi siya.
I'm paying him so he must do his best!