Kinagabihan ay napagpasyahan naming maglibot-libot sa town proper ng lugar. Una naming pinuntahan ay ang hilera ng mga kainan at bar na dinadayo ng mga turista, mapalokal o mapadayuhan man. Buhay na buhay ang paligid dahil sa dami ng mga tao. Sa isang sikat na restaurant kami naghapunan ni Calix at nagulat ako nang siya ang nagpresentang magbayad. "Alam ko marami kang pera pero ako ang nagyayang kumain dito sa labas kaya ako ang magbabayad," aniya. Napahalukipkip akong napatitig sa mukha niya. Habang tumatagal ay lalo kong napapansin ang prominenteng aristrokatong anggulo nito na nagpapalitaw sa makamandag nitong karisma. Makamandag dahil pati ako ay hindi immune rito. Kahit naman siguro sino dahil pansin ko ang panakaw na sulyap sa kanya ng bawat babaeng mapapadako ang tingin dito