CHAPTER 7 “I didn't track down any serious matter in her aside for exhaustion from stress or should I say a hard labor." Dahan-dahan na gumapang ang aking isipan sa tamang ulirat nang may mahimigan akong nag-uusap malapit sa akin. Last thing I remember ay iyong nandoon kami ni Tres sa dagat tapos bago pa kami makaahon doon ay ninakaw na ng dilim ang aking paligid. Ngayon ay nasa guest's room na ulit ako at ibang damit na rin ang aking suot. "Labor? Are you trying to point out that I force her to do some menial tasks in here?" Boses iyon ni Tres. Pinili ko munang magtulug-tulugan dahil bukod sa pagod talaga ako at nanghihina ay ibig ko munang maging dakilang eavesdropper. Nakakatuwa kasi iyong tono ni Tres. Tila ba gusto niyang isisi sa kausap niya ang nangyari sa akin. Hallelujah!