CHAPTER 13 Pigil na pigil ang hininga ko habang pinapanood ko si Cara na maingat na nilapitan ang long-haired na estranghero. Para akong nanonood ng aktwal na thrilling action movie. It was Cara who grabbed me just minutes ago and though naguguluhan ako sa mga nangyayari ay sinikap kong manahimik na lamang muna. Shit! Pero kinakabahan na talaga ako. No, natatakot na nga yata ako. What are those armed men doing in Tres' house? Ano bang hinahanap nila gayung wala naman dito si Tres? At si Cara, ano'ng ginagawa niya rito? Why she's here? I have no idea what's really going on here! Mariin akong napakapit sa kurtina kung saan ako nagtatago nang pinatumba ni Cara ang long-haired na lalaki sa loob lamang ng mahigit tatlong segundo sa pamamagitan ng malakas na pagpalo sa batok nito gamit