"Kailan kayo mag uusap ni Jill?" Tanong ko kay Doc habang magkatabi kaming nakaupo sa isang bench sa garden ng bahay nila. Katatapos lang namin maghapunan nang maisipan naming maglakad lakad sa labas. Isang linggo na simula noong mangyari yung pag-uusap nina Doc at magulang niya tungkol sa negosyo nila. "Nag-usap kami ni Kiel about it. I decided na hintayin na muna yung outcome ng meeting niya sa board members ng Leviste. He's scheduled for a meeting with them next week. I know he can do it. Kapag nakuha niya yung account, i don't need to talk to Jill anymore." "Talaga!" Natuwa kong sabi. Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. May feelings si Jill kay Doc kaya iniisip ko na baka mag take advantage siya sa sitwasyon at gamitin yun para makuha sa akin ang mahal ko. At least kahit