Bumaba ako sa dining para mag lunch. Hindi ako sumabay kanina sa pananghalian kina Tita Estella dahil sa pag aakalang nandoon si Doc pero nalaman kong umalis na din pala siya kaninang nagtatakbo siya. Naabutan ko si Mel at Aling Linda na kumakain kaya sumabay ako sa kanila. "Maayos na ba Pearl ang pakiramdam mo?" Tanong sakin ni Aling Linda pag upo ko sa tabi niya. "Opo!" Sagot ko. Kanina kasi ay dinahilan kong masama ang pakiramdam ko at gusto ko muna magpahinga nung ipatawag ako ni Tita Estella para kumain. "Na-meet mo na ba si Doc?" Tanong ni Mel habang ngumunguya. "Hindi pa eh umalis kasi siya kanina. Siguro mamayang dinner makikita ko na siya." Sabi ko. Decided na talaga ako ngayon na humarap na sa kanya pag bumalik siya. "Yun eh kung uuwi si Doc Alex. Malamang may date siya ka