CHAPTER 52: Always by your side!

1256 Words

Panay ang iyak ko habang nasa CR at hinuhugasan ang perlas ko. Mauubos na ang feminine wash ko pero hindi ko pa rin yun tinigilan. Pakiramdam ko napakadumi ng ari ko dahil may ibang lalakeng nakahawak nun. Nakaramdam ako ng kirot dahil sa kanina ko pang paghugas kaya tinigilan ko na. Nagtapis ako ng tuwalya at lumabas na ng CR. Saktong kapapasok lang ni Doc sa kwarto. Kunot noo siyang nakatingin sakin. "What happened?" Tanong niya. Bigla kong pinunasan ang luha sa mga mata ko. "Lab....kasi ...!" Natigilan ako. Gulong gulo ang isip ko kung dapat ko bang sabihin ang nangyari. Kagabi lang nung halos magwala siya dahil nalaman niya yung tungkol kay Andrew. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Nangako akong hindi na sasama sa kanya pero sumama ako at ang masama ay meron nangyari samin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD