CHAPTER 1: Woke Up from a Coma

2241 Words
Nananatili ang nakakabinging katahimikan sa kuwartong iyon, tanging mga tunog ng aparato na nakakabit sa katawan ng isang walang malay na binata ang maririnig. Mahigit isang linggo na din nang ipasok ang lalaking ito sa ICU, nasagasaan kasi ito habang pauwi ito galing sa pamimili sa palengke, at dahil sa nangyari ay kinailangan itong maoperahan, para maalis ang dugo sa utak nito, ngunit kahit naging successful ang operasyon ay hindi pa din ito nagkakamalay ng mahigit na isang linggo na. Ayon sa doctor na sumuri dito ay nasa state of coma ang binata, kaya naman kinailangan itong ipasok sa ICU ng ospital. Pakiramdam ni Wilson ay nakalutang siya sa tubig, wala siyang nararamdaman na kahit na ano maliban sa banayad na pag-ugoy ng kanyang katawan, sinubukan niyang igalaw ang kanyang mga kamay, ngunit bigo siyang gawin ang bagay na iyon. Makailang beses pa niyang sinubukan igalaw ang iba pang bahagi ng katawan niya, ngunit kagaya kanina ay hindi siya nagtagumpay. “Nasaan ako?” ang nasa isip ni Wilson, kahit ang pagsasalita ay hindi niya magawa. Madilim, sobrang dilim na kahit na anong imahe ay wala siyang makita, pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari, ngunit kahit anong gawin niya ay walang ala ala na bumabalik sa isip niya. “Patay na ba ako?” ang tanging naisip ni Wilson na dahilan kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya. Sa naisip ay tila may nakakasilaw na liwanag siyang nakita hindi kalayuan mula sa kung saan siya nakapuwesto, sobrang init sa pakiramdam na habang lumalapit siya ay mas lalo pa iyong tumitindi, hindi na din niya napansin na saw akas. Hindi na niya namalayan na tuluyan na siyang nakapaglakad palapit  sa liwanag, ngunit bago pa man siya tuluyan makalapit doon, ay may isang tinig siyang narinig sa kabilang bahagi. Sobrang hina ang tinig na iyon, na hindi agad napansin ni Wilson ang pagtawag na iyon sa kanya, ang buong atensyon niya kasi ay nasa liwanag na nasa harapan niya, sobrang sarap sa pakiramdam ng liwanag na iyon na para bang kapag sumama siya doon ay tuluyan nang mawawala ang lahat ng problema niya sa buhay. Ngunit mas lalong lumakas ang tinig na nagmumula sa kabila, hanggang tuluyan na iyong umabot sa pandinig ni Wilson, sandali itong natigilan, dahilan pamilyar sa kanya ang tinig na iyon. “Wilson… please bumalik ka na.” ang narinig niyang malamyos na boses nang isang babae na tila nagmamakaawa. Noong una ay hindi pinansin ni Wilson ang naturang boses, ngunit habang tumatagal ay parang unti-unting tumibok ang puso niya na kanina ay hindi niya nararamdaman. “Please Wilson, huwag mo akong iwan.” Patuloy na pagmamakaawa ng naturang boses. “Celine?” mas lalong kumabog ang dibdib ni Wilson ng tuluyang lumabas sa bibig niya ang pangalan na iyon. Dali dali niyang tinalikuran ang naturang liwanag at tumakbo palapit sa naturang boses, habang tumatagal ay mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ni Wilson at mas lalong lumalakas ang pagtawag na iyon. Hanggang sa makarating si Wilson sa lugar kung saan niya narinig ang naturang boses, ay hindi niya nakita ang babaeng nagmamay-ari noon. Isang maliit na liwanag ang nakita niya, na pilit niyang inaabot, hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam ni Wilson na kapag nahawakan niya ang maliit na liwanag na iyon ay saka lang niya tuluyang makikita ang may-ari ng malamyos na tinig na iyon. Ilang sandali nga lang ay tuluyan na niyang nahawakan ang liwanag, ngunit ilang sandali lang ay muli na naman siyang binalot ng labis na kadiliman. Sinubukan niyang igalaw ang katawan niya, ngunit katulad kanina ay hindi siya nagtagumpay, sinubukan ni Wilson na imulat ang kanyang mga mata, ngunit parang sobrang bigat ng mga talukap ng mga iyon. Tanging ang kagustuhan na makita ang naturang babae ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob, hanggang sa tuluyan na siyang makadilat. Sandaling nag-adjust ang paningin ni Wilson sa paligid, may kadiliman sa loob, pero mas nakikita na niya ang loob ng kuwarto kung saan siya naroon. Isang babae ang nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata, inisip niya kung ito ba ang babaeng tumawag sa kanya kanina. Nakaputi ito at tila ba may tinitignan sa bandang ulunan niya, sinubukan niyang tawagin ito, ngunit siya ay nabigo. “Celine…” sobrang hinang boses ang sa wakas ay lumabas sa mga labi ni Wilson, matapos niyang ipunin ang natitirang lakas. Kahit mahina ang boses na iyon ni Wilson ay mukhang narinig naman ng babaeng nakaputi ang tawag niyang iyon, kaya naman dali dali itong humarap. Laking gulat ng naturang nurse na sa wakas ay nagising na ang pasyente. Dali dali nitong pinindot ang naturang buzzer sa bandang ulunan ni Wilson, at ilang sandali nga lang ay humahangos na pumasok ang dalawang lalaki, gaya ng babae ay nakaputi din ang mga ito, ngunit ang isang lalaki ay may nakasuot na stethoscope sa leeg. Sinubukang ilayo ni Wilson ang kanyang mukha ng masilaw siya sa hawak na medical pen light nang naturang doctor, ngunit dahil sa kawalang lakas ay hindi niya nagawa. Patuloy na bumubuka ang bibig ng naturang doctor, ngunit parang walang kahit na anong salita ang maririnig mula sa bibig ng naturang doctor.  Ilang sandali lang ay muli siyang nakaramdam ng antok, sinubukan niyang labanan ang hila ng antok, dahil sa kagustuhan na makita si Celine, ngunit ilang sandali lang ay muli na naman siyang binalot ng kadiliman. Hindi alam ni Wilson kung gaano siya katagal muling nawalan ng malay, nagising na lang siya kinabukasan, this time ay mas naging madali na sa kanya ang dumilat. “Tubig…” mahinang pakiusap nito ng mmamulatan nito ang isang nurse na kumukuha ng blood pressure niya. Sandali munang pinindot ng nurse ang buzzer sa ulunan ni Wilson, bago nito kinuha ang isang bote ng tubig na may straw. Hindi naman maiwasang madismaya ni Wilson sa papatak patak na tubig na binigay ng naturang nurse kaya naman kahit mahirap ay pinilit niyang makapagsalita, para humingi pa ng tubig, ngunit umiling lang ito. Ilang sandali lang ay dumating na ang parehong doctor na tumingin sa kanya ng magising siya kagabi, nakangiti ito habang nakatingin kay Wilson. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” nakangiting tanong ng doctor sa binata. “Nasaan ako?” imbes na sagutin ito ay tinanong ni Wilson ang doctor. Pinaliwanag nito na nasa isang ospital siya sa Maynila kung saan siya dinala ng dahil sa nangyari sa kanyang aksidente. Sa narinig ay muling bumalik sa kanyang ala-ala ang nangyari, nagpunta kasi siya sa palengke para mamili ng lulutuin niya para sa kanyang asawa na si Celine, ngunit habang pauwi ay hindi niya napansin ang humaharurot na sasakyan na nawalan ng preno, at dahil sa bilis nang pangyayari ay hindi niya nagawang makaiwas. “Celine…” bigla naman niyang naalala ang asawa, kaya sinubukan niyang tumayo, ngunit bago pa man siya makatayo ay muli na naman siyang natumba sa kama. “Huwag ka munang kumilos, masyado pang mahina ang katawan mo.” Utos ng doctor kay Wilson, gusto man niyang tumanggi ay wala na siyang nagawa, dahil talaga namang nanghihina pa ang buo niyang katawan. Muli ay nakaramdam na naman siya ng antok at kahit anong laban ang gawin niya ay wala pa din siyang nagawa. Lumipas ang isang buong araw ng sa wakas ay muli siyang nagising, pero kumpara kahapon ay mas may lakas na siya, kahit paano ay nakakakilos na siya, sinubukan niyang bumangon para makasandal sa bandang ulunan ng kama niya. Saka lang tuluyang napagmasdan ni Wilson ang buong kuwartong iyon, nalaman niya na nilipat na pala siya sa recovery room, at base sa itsura at laki ng kuwarto ay siguradong hindi biro ang halaga ng kuwartong iyon. Muli ay pinuntahan na naman si Wilson ng kaparehong doctor, sandali nitong tinignan ang vitals ni Wilson, at nang matapos ay nakangiti na itong humarap sa binata. “Based on your test, I can say, that you are fully recovered, however you still need to stay in this hospital for at least two more weeks.” Nakangiting paliwanag ng doctor. “Doc, hindi ba puwedeng sa bahay na lang ako magpahinga?” tanong naman ni Wilson dito, nag-aalala kasi ito na baka masyado nang malaki ang bayaran ni Celine sa ospital. Tatlong taon na silang mag-asawa ni Celine at sa loob ng tatlong taon na iyon ay labis na minahal ni Wilson ang naturang babae, na kahit ang talikuran ang sariling pangarap ay ginawa niya para dito. Schoolmate ni Wilson si Celine sa isang pribadong paaralan sa Sta. Ynez kung saan una niyang nakatagpo ang babae. Unang beses pa lang na nakita ni Wilson si Celine ay agad ng nahulog ang loob ng binata sa dalaga. Si Celine ang pinakamaganda at pinakasikat na estudyante sa buong school, maliban pa doon ay kabilang ito sa isa sa mayamang pamilya sa probinsiya nilang iyon. Kaya naman hindi kataka taka na lahat ng kalalakihan hindi lang sa school ay nais na mapasagot ang dalaga, ngunit wala ni isa man sa kanila ang nagtagumpay. Nasa third year na si Wilson sa kursong Bachelor of Science Major in Marketing nang mangyari ang kanilang pagtatagpo ni Celine sa campus na nauwi para magpakasal siya dito. At magmula nga ng makasal sila ay tuluyan nang nagbago ang buhay ni Wilson, napilitan siyang tumigil sa pag-aaral dahil na din sa utos ni Señor Alejandro Rivera na siyang tiyuhin ni Celine, tutol kasi ito sa pagpapakasal ng dalawa, dahil pinagkasundo na nito ang pamangkin sa kaibigan nito na kabilang din sa alta sociedad na ginagalawan nito, ang pamilya ng kaibigan nito ang pinakamayaman sa kabilang bayan. Hindi kaila sa kanya na ang dahilan, kung bakit nagpakasal si Celine sa kanya ay dahil sa pagrerebelde nito, tutol kasi si Celine sa kagustuhan ng tiyuhin nito, kaya naman naisipan itong magpakasal sa isang tao na hindi naman nito nobyo, at nagkataon na si Wilson nga iyon.  Kahit iyon ang naging dahilan ni Celine ay hindi ininda iyon ni Wilson, dahil naniniwala ang binata na dadating din ang panahon na matutunan din siyang mahalin ni Celine. Hindi naging madali ang buhay ni Wilson sa pamilya ni Celine, wala nang mga magulang si Celine at tanging ang lolo na lang nito ang maituturing na pamilya nito, magmula ng mastroke ang matanda ay tuluyan na ngang tiyuhin ni Celine na si Señor Alejandro ang namahala ng negosyo ng pamilya, ginawa ni Celine ang lahat para matanggap siya ng pamilya ng tiyuhin, ngunit kahit anong gawin nito ay nanatiling mababa ang tingin ng Señor sa pamangkin, parang ari-arian lang ang tingin nito sa dalaga na gagamitin nito para mas lalong yumaman ang sariling pamilya, kaya naman ganoon na lang ang galit nito ng malaman na nagpakasal ang pamangkin kay Wilson. Dahil hindi tanggap ng buong angkan si Wilson, idagdag pa ang estado ng buhay nito ay naging impyerno ang buhay nito sa angkan ng mga Rivera, pakiramdam ng binata ay hindi pamilya ang turing sa kanya ng mga ito, kung hindi isang tau-tauhan lang. Mabigat sa loob ni Wilson na tumigil sa pag-aaral, ngunit iyon ang naging kundisyon ni Señor Alejandro para hindi nito ihiwalay sa kanya ang babaeng pinakamamahal. Tumigil siya sa pag-aaral at nanatili na lang sa mansion, kung saan para siyang naging tauhan ng matanda, idagdag pa ang iba pang kamag-anak ni Celine. Lahat ng iyon ay tiniis ni Wilson para kay Celine, nilunok niya ang kanyang pride para lang sa minamahal na asawa. “I need you to stay in this hospital for two more weeks, naiintindihan mo ba iyon Kahlen?” saka lang natuhan si Wilson ng muling magsalita ang naturang doctor, ngunit ilang Segundo ang nakalipas ng bigla itong mapakunot ng noo ng marealized nito ang pangalan na binanggit ng doctor. “Doc… ako po si Wilson… Wilson Bonifacio.” Sagot ni Wilson dito, bigla naman natigilan ang doctor at halata ang pangamba sa reaksyon nito. Mahigpit kasing pinaalalahanan ang lahat ng tauhan sa ospital na huwag ipaalam kay Wilson ang totoo, at wala ni isa man sa kanila ang may lakas ng loob na suwayin ang utos na iyon, dahil galing iyon mismo sa may-ari ng ospital. Kaya naman ganoon na lang ang takot ng doctor ng masabi nito ang pangalan na iyon, kapag nalaman kasi ng management ay nangangamba ito na tuluyan itong mawalan ng trabaho, idagdag pa na ang may-ari ng ospital ay isang makapangyarihan na tao, at kung gugustuhin nito ay kaya nitong ipatanggap ang license ng kahit na sinong doctor kung gugustuhin nito. “Wa…wala, naalala ko kasi iyong isa ko pang pasyente.” Kinakabahan na sagot nito, pinilit nitong huwag ipahalata ang nararamdaman, kahit na nga ba basing basa na ang likod nito ng pawis ng dahil sa kaba. “Ahhh… ganoon po ba? After po nang two weeks, puwede na ba akong makalabas?” tanong ni Wilson, hindi na nito masyadong pinagtuunan ng pansin ang pangalan na binanggit ng doctor, maari kasing nagkamali nga lang ito, pero hindi naman nakaligtas sa kanya ang takot na nakita niya sa mga mata ng doctor. “O..oo sigurado iyon.” Sagot naman nito. Wala naman siyang nagawa, kung hindi ang sumang-ayon, hindi lang maiwasang mag-aalala ni Wilson para sa asawang si Celine, dahil siguradong nagmakaawa ito sa tiyuhin nito para sa pagpapaospital sa kanya. Pinangako ni Wilson sa sarili na pipilitin niyang mabilis na magpagaling, para kahit paano ay mabawasan ang dalawang linggo pa niyang pananatili sa ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD