Hanggang makapasok si Stefanie sa sariling opisina ay patuloy pa din nagpupuyos ang dibdib ng dalaga, hindi nito matanggap na napunta ang pinaghirapan niya sa isang incompetent na tao. Matatanggap pa nito na hindi napunta sa kanya ang posisyon bilang head ng Finance department, pero sa tamang tao na kayang i-handle ang posisyon, hindi katulad ni Andrew De Leon na napunta lang sa posisyon dahil sa impluwensya ng ama nito na si Vice President De Leon. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Stefanie nang mga oras na iyon. Masama pa din sa loob niya ang nangyari, ngunit wala naman siyang magagawa sa bagay na iyon. Noong una ay akala niyang magiging maayos din ang lahat, ngunit nang makita niya kung gaano ka-happy go luck ang binata na wala man lang responsibility sa katawan ay hindi n