Hindi nakatulog si Stefanie nang dahil sa labis na pag-aalala nito para kay Wilson, alam kasi ni Stefanie na hindi basta-basta papalagpasin ni Andrew ang pakikialam ni Wilson. Napakalaki ng utang na loob ng dalaga kay Wilson, dahil kung hindi dahil dito ay baka nagtagumpay na si Andrew sa masama nitong balak. Muling nagkukulo ang dugo ni Stefanie sa tuwing naalala nito ang kapahangasan ni Andrew, mabuti na lang talaga at hindi siya katulad ng ibang babae na nagpapasilaw sa pinapakita ni Andrew. Hanggang sa magising siya ng umangang iyon, hanggang sa magpasya na siyang pumasok ay nagpatuloy ang labis na pag-aalala ni Stefanie para kay Wilson. "Good morning Ma'am Stafanie," ang sunod-sunod na bati sa kanya ng mga nadadaanan niya nang makarating na siya sa trabaho, ngunit hindi masyadong