Hindi makapaniwala si Stefanie sa naririnig mula kay Kahlen, hindi nito inaakala na may ibang plano pala ito sa kanya. Ang tanging gusto lang kasi ni Stefanie ay makuha ang Head ng Finance Department na noong una palang ay dapat sa kanya na , ngunit dahil sa impluwensya ng dating Vice President na si Brent De Leon ay napunta iyon sa anak nitong si Andrew De Leon. "But... I thought napunan na ang lahat ng posisyon?" naguguluhang tanong pa din ni Stefanie. Nakangiti namang umiling si Kahlen dito, mukha kasing nakatuon ang atensyon ni Stefanie sa posisyon bilang Head ng Finance, kaya hindi na nito masyadong pinansin ang iba pang mga posisyon sa pag-aakalang umasa lang ito sa wala, ngunit may ibang plano st Kahlen para dito. Sa loob ng halos dalawang linggong pagkakakilala niya sa dalaga a