"Hindi ko talaga maintindihan kung paanong ang pinakamayamang angkan sa Sta. Monica ay basta-basta na lang babagsak ng ganoon." napapailing na sinabi ni Señor Rodrigo. Hanggang ngayon ay labis ang naging panghihinayang nito na hindi natuloy ang kasal ng pamangkin sa nag-iisang anak ng mag-asawang Sales na si Bernard, ngunit napagtanto din ni Señor Alejandro na kung natuloy ang kasal ng dalawa, at saka pa lang nangyari ang trahedya sa mga Sales ay labis na kahihiyan ang mangyayari sa angkan ng mga Rivera. Baka nga mas matinding kahihiyan pa ito, kumpara noong nagpakasal si Celine sa walang kuwentang tao na katulad ni Wilson. Ngunit kahit ganoon ay hindi pa din talaga maiwasan nito na manghinayang sa muntik na sana niyang makuha kung hindi nangyari ang mga ito. Nilaan pa naman niya sana