Mabilis na naipatayo ang pansamantalang mga bahay ng lahat ng bawat pamilya sa isla, sadyang inuna ang mga iyon, para naman hindi sa labas matulog ang mga tao doon. Isang bahay din ang nilaan para kay Wilson na agad nagpasyang pumasok na sa loob, gusto niya kasing iwasan ang kakaibang tingin na binibigay sa kanya ng mga taong nakakakita sa kanya. Sa totoo lang ay inasahan na ni Wilson ang bagay na iyon, alam niya sa sarili niya na maaring mag-iba ang pagtingin ng mga taong nakapaligid sa kanya sa oras na lumabas na ang totoo. Hindi sigurado si Wilson kung para sa maganda ba, o hindi ang pagbabagong ito, pero naiilang na siya sa mga tingin na binibigay sa kanya, kaya nga minabuti na lang niyang pumasok na sa loob. Ayon sa pinadalang architect, at engineer ni Charles ay aabutin ng isang