Episode 1: Summer Vacation

1199 Words
Ako si harold, college student. Unang beses akong uuwi ngayon sa aming probinsya sa isa sa mga isla ng polilio.   Nag iisang anak lang ako. at palibhasa'y teen ager na laking maynila at sanay sa syudad ay ni minsan hindi ako sumama sa aming probinsya, tuwing nag yayaya ang aking mga magulang.   Pana'y katuwiran ko ay may internet ba doon o kuryente manlang? Aminado naman ang nanay at tatay na di gaya ng maynila ay bente kwatro oras na may kuryente roon.   Mabagal din ang koneksyon sa internet. In short it is a worst nightmare sa isang tipikal na kabataan na sanay at babad sa gadget, social media at kung ano pa.   Ngunit ewan ko ba at nakumbinsi nila ako ngayon na sumama. Ang sabi kasi ng tatay ay may solar panel na daw ngayon sa bahay ng lolo.   Gawa na din siguro ng nababagot ako sa maynila at break sa eskwelahan, wala rin ang mga barkada para gumimik dahil umuwi sila sa kanikanilang probinsya.   Kaya't hayun! sumama na ako. Para naman din ma iba ang set-up ng buhay ko no! Ilang taon narin naman kasi akong ganito lang tuwing bakasyon o kahit sa regular na araw. Pindot dito, pindot doon. Basta hindi matapos at pa ikot- ikot na proseso lang.   Kaya't minsan hindi mo rin masisisi ang madalas na sabihin ng mga nakakatanda na tayo raw na mga mas naka babata, walang ibang ginawa kundi mag pipindot!... hahaha hay nako!   So bale ginawa ko nalang pampalubag loob ang solar panel ni lolo na isa sa mga nag papayag sa akin na sumama.   Kaya't sa isip isip ko rin ay baka naman kayanin ko ito at hindi naman siguro ganung kasama ang magiging ekspiryensa ko tulad sa aking iniisip.      Sige! Ika nga nila, bigyan ng chance!   Pero mga besh, sa biyahe palang, na umay at yamot na agad ako!   Napaka tagal nanga sa bus,  may lantsa pa na di hamak na mas matagal! Mabuti nalang at fully recharged ang powerbank ko kaya't kahit papano ay nalilibang ko ang aking sarili sa biyahe. ( Eh ano paba syempre pindot pindot! Pindot is life no!)   Pero ayun di ko rin na enjoy dahil majority ng daan lalo na sa  dagat eh walang signal!   So no choice, lumingon ako sa bintana suminghap ng hangin na tila ba di ko pa na aamoy sa tala ng buhay ko.   Yung hangin na totoo, yung hangin na wala sa magulo, maingay, mausok na mundo ng maynila.   Well, eto na ata yung tinatawag nilang hanging probinsya!   Hmmmm isa pang malalim na singhap with matching pikit ng mata at napangiti pa ako. Feel na feel ika nga.   Di ko nmn napansin na sa pag dilat ko ay naka tingin pala si mama at papa na agad naman na umiwas mula sa pag mamasid sa akin sabay ngisi at agad ko ring ikina pahiya.   Syempre ano paba iisipin ng mga yun na: 'ano anak aayaw ayaw kapang sumama ah ngayon eto ka pa moment moment na!'   In short, anak para kang tanga!... Hahahah   Sa may dagat naman enjoy pa rin naman ang hangin altough medyo malansa nga lang.   Batid mo ang lalim nito sapagka't mula sa kinaroroonan namin ay kita mo ang pag ka dark blue ng dagat. Nakaka mangha na nakakatakot.   Anyway sa wakas, nasa pantalan nakami! gusto ko ngang humalik non sa lupa sa sobrang tagal ng biyahe mapa lupa man at dagat.   Kapansin pansin naman na sa may pantalan ay tila may mga grupo ng tricycle na animo'y naka abang para sumundo ng mga pasahero at turista.   Agad na may isang lalake ang lumapit kay tatay at tumulong sa aming mga daladalang bagahe, upang ikarga sa kaniyang tricycle.   kakilala pala ni tatay yung lalake kaya't sakanya kami sumakay.   'Siya pala si Tyrone' ang pagpapakilala ni tatay. Anak ng kumpare niya. At sa tingin ko mga ka edaran ko lang din na disinwebe anyos.   At dahil alam kong may kakaiba sa pag katao ko, hindi ko maiwasang kilatisin ang itsura niya.   Bata palang kasi ay alam ko nang na aatratct din ako sa kapwa ko lalaki. Silahista sa madaling sabi.   Pero itinago ko lang yun sa matagal na panahon gawa nadin ng takot ko na madismaya ko ang aking mga magulang.   Nagka girlfiend naman ako ngunit hindi kami nag tagal. Wala padin akong expirience sa s*x. Hanggang pag sosolo lang sa mga pinag papantasyahan ko at ang madalas dito ay mga lalake.   (Balik sa aking pag kilatis kay tyrone)     Mas matangkad siya sa akin ng kaunti, tantiya ko mga 5'10. Tama lang ang kulay ng balat at sa unang tingin sa kaniya aba! May s*x appeal si kuya! May biceps na masasabi mong hindi pang gym kundi natural na nahubog gawa siguro ng hanap buhay nya samahan mo pa sa mga gawain sa probinsya.   Basta para sakin maganda ang built niya hindi malaking malaki hindi rin mapayat na patpatin. At siyempre sa face, Aba! may i bubuga!   Para nga sakin mala Marlo mortel ang datingan niya eh!   Anyways may itsura din naman ako pero sabi nga nila diba kahit tae may isura? Haha. Pero kung ihahawig sa artista? parang wala akong maisip. Basta ayoko lng din ng kinukumpara ako.   So ayun, magiliw naman siyang nag pakilala samin, At wow! ang sabi ko sa sarili ko. ang lalim ng boses! Lalaking lalaki!   Ang layo sa boses ko, eh minsan pinangarap ko yung ganung boses. Gawa siguro sa kagustuhan kong wag pag hinalaan ng iba yung tipong lalakeng lalake lang. Pero don't get me wrong ha! Di ako yung tipong sobrang lambot kung kumilos o mag salita!   Bali naka sakay na kami ng tricycle, nasa loob ang mga gamit pati sila nanay at tatay, yung ibang gamit nasa taas o buobong ng tricycle. Kaya naman sa tabi ako ni tyrone pina upo sa labas . (Aba syempre na excite ako bigla hehe.)   Umadar na ang trycicle. Nasa likod ako ni tyrone at siyempre pasalungat ang buga ng hangin kaya't amoy na amoy ko ang nasa harapan ko.   Wow! sa isip isip ko mukhang hindi uso sakanya ang pabango dahil amoy lang ng sabon na sigurong ginamit niyang panligo ang naaamoy ko. And given naman na medyo amoy pawis din gawa ng trabaho nya, plus mainit pa.   Basta natural na amoy ng lalake! And yes inaamin ko medyo instant hard ako non! haha.   Sa kaka day dream ko, di ko namalayan  na napa daan pala sa lubak yung tricycle! Muntik akong malaglag kaya napakapit ako sa kanya!   Napayakap ako sa ng konti sa likod niya at napahawak sa may tagiliran. At sa isip ko s**t! Ano yung matigas? Ewan kung anong  elemento sumapi sa akin nun, pero dipa ako nag kasya sa pag hawak lang pinindot pindot ko pa! Yung tipong parang may ibang kumokontrol sa kamay ko...    Sabi nga sa f*******: yung naging meme video na ngayon: 'Umiral siguro yung ka demonyohan ng aking kamay, ayun gumalaw!' hahaha!   And yess! Mukang may ABS nga ang mokong!   At pota nayan! mukang nag enjoy naman ako masyado sa pag hawak at pinag gagawa ko hindi pa pala ko bumibitiw sa tagiliran nya and worst, I saw his face from the side mirror at nag kita pa kami sa mata! agad syang napa ngisi sabay bawi ng tingin. At ganon nmn ako sabay tanggal ng kamay!   And in my mind: Pota ka Harold! anong ginagawa mo?!     Itutuloy......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD