Prologue

2361 Words
Prologue       “Maligayang pagbabalik mahal na prinsipe.”   Malawak na ngiti ang ibinigay ni LAY sa mga tauhan ng Royal Palace na sumalubong sa kaniyang pag-uwi. Matapos ang kasal ni Devil at Heaven ay kinabukasan ay nagpa-alam na muna siya sa mga kaibigan niya na isang linggo muna siyang mawawala dahil sa pagpu-pulong na ipinatawag ng mga konseho.   Ilang linggo din na hindi naka-uwi si LAY sa Royal Palace dahil sa naging problema ni Devil at sa paghahanap na ginawa nila kay Montalvez, kaya ng tawagan siya ng kaniyang ama na pansamantalang umuwi muna sa Royal Palace ay agad siyang tumugon.   “Achiiii!!”   Napadako ang tingin ni LAY sa kaniyang ina na patakbong bumababa sa hagdanan na nakikita niya sa mukha nito ang saya sa pag-uwi niya habang palapit ito sa kaniya na agad niyang ikinasalubong ng mahigpit na yakap dito.   “Welcome home anak.”sambit ng kaniyang ina sa kaniyang pagdating bago ito humiwalay sa yakapan nila at masayang tingin ang ibinigay sa kaniya.   “Thank you for the warm welcome mom but don’t run again like that, Dad won’t like it if you got yourself in an accident.”malambing na sermon ni LAY sa kaniyang ina na bahagya nitong ikinatawa.   “Na excite lang naman akong salubungin ang pag-uwi mo, ilang linggo ka din na hindi dumalaw dito sa Royal Palace. Namimiss ko na kayo lalo na ang kambal mo na mukhang nag-eenjoy sa travel niya.”pahayag ng kaniyang ina na ikinahawak niya sa kamay nito at naglakad na pa-akyat sa Royal Palace.   Parehas sila ng kambal niya na si Leigh na madalang lang umuwi sa Royal Palace, pinayagan kasi ng mga magulang nila ang kambal niya sa gusto nitong travel. Mahilig kasi magpinta ang kaniyang kambal kaya pumupunta ito sa iba’t-ibang lugar para kumuha ng idea at inspirasyon. Parehas silang dalawa na sinusuportahan ng kanilang mga magulang sa mga gusto nila at ine-enjoy nila ‘yun hanggang sa dumating ang araw na kailangan na nilang palitan ang kanilang mga magulang.   Matapos ng unang kasal nina Devil na ginanap sa probinsya ni Heaven ay agad din naman na nagpa-alam sa kaniya ang kaniyang kambal na deretso itong pupunta sa Switzerland para sa paint na ginagawa nito ngayon. Nagmamadali ng magpa-alam ito sa kaniya, alam ni LAY na may hindi sinasabi sa kaniya ang kaniyang kambal pero hindi siya ang klase ng kapatid na nangingielam, hihintayin niya na sabihin ni Leigh sa kaniya ang kung anong dapat nitong sabihin sa kaniya.   “You knew Leigh, mom, if she found an interesting scenery for his paint she will go for it. Don’t worry, I know that she misses you and she will visit you and Dad here in Royal Palace.”ngiting sagot ni LAY na bahagyang ikinatawa ng kaniyang ina.   “You’re so gentle LAY, hindi mo namana ang kasungitan at kaseryosohan ng ama mo. But in a different side may pagkakahalintulad kayong dalawa.”   “Where’s Dad?”tanong ni LAY sa kaniyang ina   “Nasa opisina niya at kausap sina Uncle Nemesis at Inuence mo, ilang araw na din na napapansin ko na lagi niyang kinakausap ang dalawang ‘yun. Ano palang gusto mong kainin Achi? Alam kong mahaba ang naging byahe mo dito kaya naman ipagluluto kita ng kung anong gusto mo. Bukas pa naman ang simula ng pagpupulong niyo ng mga konseho kaya magpahinga ka muna.”ngiting pahayag ng kaniyang ina   “Just my favorite mom, kahit ano naman po kakainin ko basta luto niyo.”sambit ni LAY na ngiting ikinayapos ng kaniyang ina sa braso niya ng sabay silang mapalingon sa may hagdanan kung saan pababa ang kaniyang ama kasunod ang mga Uncle Nemesis at Inuence niya.   “Kamahalan! Magaligayang pag-uwi sa Royal Palace!”bati ni Uncle Nemesis kay LAY na ngiting ikinayuko ni LAY dito.   “Your too noisy Callios, when will you learn to f*cking shut your mouth?”singhal na sermon ni Uncle Inuence kay Uncle Nemesis na ikinalingon nito sa kaibigan.   “Wow Patiera hindi ka pa ba nasasanay sa ingay ko? Ilang libong beses mo na ba akong sinusuway sa kaingayan ko ha?”sambit nito na ikinairap lang ni Uncle Inuence sa Uncle Nemesis niya.   “Ang tatanda na nila hindi parin sila masyadong nagkakasundo, minsan sakit na sila sa ulo ng ama mo.”bulong ng ina ni LAY sa kaniya na ikinangiti lang ni LAY ng matuon ang tingin niya sa kaniyang ama na seryosong nakatingin sa kaniya na ngiting ikinayuko niya dito.   “I’m home your majesty.”bati ni LAY sa kaniyang ama na ikinabuntong hininga nito.   “Welcome home Achilles, when should I see your twin again?”pahayag na tanong nito na alam niyang namimiss na ng kaniyang ama ang kambal niya na mas madalang pang umuwi sa kaniya na ikinabitaw ng kaniyang ina sa pagkakayakap sa braso niya at agad nilapitan ang ama at niyakap ang beang nito.   “Don’t worry hubby, dadalaw din si Artemis sa atin. Hindi matitiis ng prinsesa mo ang hindi makita ang kaniyang gwapo yet masungit na tatay.”sambit ng ina ni LAY na ikinahalik ng kaniyang ama sa noo nito.   “Have your rest Achilles, Your mom just needs to comfort me.”sambit ng kaniyang ama na bahagyang ikinatawa ni LAY.   Nang hilahin nang kaniyang ama ang kaniyang ina ay hindi maiwasan ni LAY na pakatitigan ang kaniyang mga magulang. Natutuwa siya dahil nakikita parin niya ang sobrang pagmamahal ng kaniyang mga magulang para sa isa’t-isa lalo na ang pagmamahal ng kaniyang ama sa kaniyang ina.   “Our king doesn’t change, his love for the queen became more deeply than before.”kumentong pahayag ng Uncle Nemesis niya ng lingunin niya ang dalawa niyang Uncle na hindi na sinundan ang kaniyang ama dahil alam nilang pagkasama nang kaniyang ang kaniyang ina ay wala dapat na iistorbo sa dalawa.   “Where’s my other three Uncles?”kalmadong baling na tanong ni LAY sa kina Uncle Nemesis na ikinalingon ng dalawa sa kaniya.   “Ang Uncle Thim mo ay bukas pa babalik dito sa Royal Palace, ganun din ang Uncle Lirio mo. Ang Uncle Boris mo naman ay nasa kabilang bahagi ng palasyo kasama si Demitri.”sagot ni Uncle Nemesis na ikinatango ni LAY   “Nasa garden naman si Theseus kasama si Therina.”sambit pa ni Uncle Nemesis sa kaniya.   Ang anak ng kaniyang mga Uncle mula sa Uncle Nemesis niya hanggang sa Uncle Boris niya ay itinalagang guard niya bilang siya ang susunod na hari ng bansa nila. Kasama niyang lumaki ang mga ito pero ng lumaki na sila at madalas nang umuusi sa pilipinas si LAY ay tanging si Calissi lang ang sinasama o tinatawag nito papunta sa pilipinas. Si Calissi ay anak ng kaniyang Uncle Inuence at dahil kaya naman ni LAY ang kaniyang sarili ay sinabi niya sa kaniyang ama na okay lang kahit hindi siya tutukang bantayan nina Theseus, anak ng Uncle Nemesis niya, si Eros anak ng kaniyang Uncle Lirio, si Demitri anak ng kaniyang Uncle Boris at si Ariadne ang anak ng Uncle Thimantes niya.   “Alam mo mahal na prinsipe minsan gusto ko na magselos eh, lagi nalang si Calissi ang tinatawag mo baka naman matawag mo naman kahit isang beses ang anak ko. Theseus was looking forward to do his task as one of your guard.”pahayag ng Uncle Nemesis niya na bahagyang ikinatawa ni LAY dito dahil sa kunwariang pagtatampo nito.   “Don’t worry Uncle Nemesis, I’ll call his duty one of these days.”sambit na pangako ni LAY na ngising ikinalingon ng Uncle Nemesis niya sa Uncle Inuence niya.     “Did you hear that Pitiera?”   “I’m not deaf you motherf*cker envious bastard!”singhal ng Uncle Inuence niya sa Uncle Nemesis niya bago yumuko muna kay LAY bago sila iwanan na natatawang ikinayuko ng Uncle Nemesis niya sa kaniya bago sinundan ang Uncle Inuence niya.     Ngiting naiiling na naglakad nalang si LAY paakyat sa hagdanan upang puntahan ang kaniyang silid. Magpapahinga muna siya bago kamustahin ang ilan sa mga nakatira sa Royal Palace, marami din ang nangyaring ganap sa pilipinas pero natutuwa at masaya si LAY dahil sa ilang taon na nakikita niya si Devil na nasasaktan dahil sa unrequited love nito para kay Gail ay ngayon ay nakahanap na ito ng babaeng nararapat talaga para dito na magbibigay ng kasiyahan sa kaibigan. Masaya si Lay para sa mga kaibigan niya na nahanap na ang mga babaeng magdadagdag ng kulay sa buhay nila.   Nang makarating si LAY sa kaniyang kwarto ay agad siyang nagpalit ng kaniyang suot na komportable para sa kaniya. Nang makapagpalit na siya ay nagpunta muna siya sa mini library sa loob ng kaniyang kwarto upang maghanap ng libro na babasahin niya muna ng tumunog ang cellphone niya na agad niyang kinuha at agad na sinagot ang tawag kahit hindi niya tinitingnan kung sino ang tumatawag.   “Hello?”   (LAY! Kamusta ang pag-uwi mo diyan sa Royal Palace? Kinakamusta ba kami ni Auntie Aza ha?)   “Kadarating ko lang sa Royal Palace Percy and should I’ll be glad because you called me right after I came here?”birong sambit ni LAY habang hinahanap ng kaniyang mga mata ang libro na gusto niyang basahin.   (Mamimiss lang kita dude.)   “Hmm, should I be worried because of what you said Percy? Sa akin mo na ba ibabaling ang bromance na naudlot sa kambal?”birong sambit ni LAY na ikinatawa ni Blue sa kabilang linya.   (Bakit kamahalan, are you open-minded?)   “I’m trying not to cuss you, Percy, you should end this call right now.”kalmadong sambit ni LAY na nakita na ang librong babasahin niya at kinuha ito bago naglakad palapit sa may terrace ng kwarto niya at umupo sa bangko na naroon.   (Hindi ka na mabiro LAY, anyway nagpaalam ka ba sa love interest mo na isang linggo ka diyan sa bansa niyo?)   “I told Valenzuela to mention it to her, I didn’t have time to tell her about this in person.”sagot ni LAY na binuksan na ang unang pahina ng librong babasahin niya.   (Bakit kasi wala ka niyang number? Interesado ka sa sekretarya ni ToV pero wala ka man lang contact sa kaniya.)   “I’ll get her contact next time Percy.”sagot lang ni LAY kay Blue na ilang oras pang nakipag usap sa kaniya bago ito nagpaalam na may praktis pa itong gagawin.   Ibinaba ni LAY ang kaniyang cellphone sa glass table sa tapat niya bago tinuloy ang pagbabasa niya ng makarinig siya ng katok sa kwarto niya na ikinatigil niya sa pagbabasa at ikinasilip sa may pintuan niya.   “Achi? Are you already resting?”   Ibinaba ni LAY ang librong hawak niya at agad tumayo sa pagkaka-upo niya upang pagbuksan ang pintuan ng kaniyang ina na may ngiting bumungad sa kaniya.   “Mom, don’t tell me you left dad when you need to comfort him?”kumento ni LAY na bahagyang ikinatawa ng kaniyang ina.   “Tumawag kasi sa daddy mo ang Uncle Ash mo about sa KAC kaya saglit akong nagpaalam sa kaniya na pupuntahan kita saglit kasi may nakalimutan akong ibigay sayo. Magiging abala na kasi kayo ng daddy mo dahil sa meeting niyo ng buong konseho kaya ngayon ko nalang iaabot sayo.”pahayag ng kaniyang ina na agad nitong ipinakita ang isang kwintas na may singsing na nakalagay bilang pendant nito.   “Necklace?”   “Promise ring ‘yan na binigay ng Daddy mo sa akin na kahit anong mangyari he will marry me. Na kwento ko naman sa inyo ni Artemis na natagalan bago kami ikinasal ng daddy niyo dahil sa mga nangyari noon diba?”sambit ng kaniyang ina ng kunin ni LAY ang kwintas na may singsing na ipinakita sa kaniya ng kaniyang ina.   “You’ll give this to me mom?”tanong ni LAY sa ina na ngiting ikinatango nito.   “You’re in the right age to settle down son at gusto ko kung maghahanap ka ng magiging reyna mo ay ‘yung nagpapatibok talaga ng puso. Hindi ka minamadali ng daddy mo in terms of marriage dahil gusto niya na ikaw ang magdesisyon kung sino ang gusto mong makasama habang buhay. And kung may nakikita ka ng babae na sa tingin mo ay siya na talaga, gusto ko na ‘yang singsing na ‘yan ang ibigay mo sa kaniya.”pahayag na sagot ng kaniyang ina na ikinalingon ni LAY sa kaniyang ina.   “Thank you, mom, I’ll tell you if I found the queen that I want to be in my side.”ngiting sagot ni LAY na ikinahaplos ng kaniyang ina sa kaniyang pisngi.   “Babalik na ako sa kwarto namin ng daddy mo, baka tapos na ang pakikipag-usap niya sa Uncle Ash mo kaya bago pa ako masundan dito ay babalik na ako. Pahinga ka na at sa dinner nalang tayo ulit magkwentuhan.”sambit ng kaniyang ina bago ito umalis upang bumalik sa kwarto nilang mag-asawa.   Pumasok namang muli si LAY sa kaniyang kwarto at isinara na ang kaniyang pintuan ng pakatitigan niya ang singsing na ibinigay ng kaniyang ina.   LAY was been interested in ToV’s secretary, may ilang side kasi ito na katulad ng ugali ng kaniyang ina kaya nakuha nito ang interest niya pero hindi niya masabi sa kaniyang sarili na ito na ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay. Kinikilala pa niya kasi ito ng mabuti at kung makita niya na ito na ang babaeng tinutukoy ng kaniyang ina na magpapatibok ng puso niya ay hindi na siya magdadalawang isip na ibigay sa secretary ni ToV ang singsing.   Sa ngayon, he will see if the interest feelings he had for ToV’s secretary can turn into love because if does, he will not waste his time and get the woman to be his queen and wife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD