Chapter 04

3459 Words
“Achi! Mou leípeis dídymá mou (I miss you my Twin.)”   Agad na dinambahan ng yakap ni Leigh ang kaniyang kakambal ng makita niya itong kapapasok lang ng knight’s mansion na napangiti sa ginawa ng kaniyang kapatid. Matagal din kasi bago sila ulit nagkita, matapos kasi ang kasal na nangyari sa probinsya nina Heaven at Devil ay agad din naman itong umalis, hindi sila masyadong nakapag-usap kaya nauunawaan ni LAY kung minsan ang kaniyang ina at ama ay nalulungkot sa matagal ng hindi pag-uwi ni Leigh sa Royal Palace.   “You should not throw yourself to me like that Artemis, we might fall in the floor because of what you did.”kalmadong sermon ni LAY sa kaniyang kambal na matamis ang ngiting kumalas sa pagkakayakap niya sa kaniyang kambal.     “Where have you been? Maaga ka daw umalis sa K.A.C sabi nina Uncle Ash.”tanong ni Leigh habang sabay silang naglakad ni LAY papuntang sala upang maupo.   “I came from Valenzuela’s firm and I should also go to Lu's precinct but you called.”ngiting sagot ni LAY na sopisitkadong ikina cross leg ni Leigh at nagpangalumbaba habang sa kambal niya nakatuon ang tingin niya.   “Giatí episkeptósastan pánta stin etaireía tis ToV? Uncle Onyx mention to me too about that, when I called him to tell you I said hi! Are you suing someone? (Why you were always visiting in ToV's firm?)”tanong ni Leigh na ngiting ikinatagulo ni LAY sa maganda at itim na buhok ng kaniyang kambal na hindi naman umangal at hinihintay na sagutin siya ng kaniyang kuya.   “I’m visiting someone in Valenzuela’s firm.”   Agad inayos ni Leigh ang kaniyang nagulong buhok at itinaas niya ang kaniyang kilay sa sinabi ng kaniyang kambal.   “Visiting someone? I’m sure that hindi si ToV ang binibisita mo sa firm niya?”takang tanong ni Leigh ng mapatakip ang isa niyang kamay sa kaniyang bibig dahil sa isang dahilan na pumasok sa kaniyang isipan.   “Don’t tell me Achi that there’s a woman in ToV’s firm that catches your attention?”kumentong hula ni Leigh na ikinangiti lang ni LAY kaya napatayo siya sa pagkaka-upo niya at tumayo sa harapan ng kambal niya na nakangiting nakatingin sa kaniya.   “OMG Achilles! Are in love now?”hulang may kasamang excitement sa tanong ni Leigh sa kaniyang kambal.   “Eísai to epómeno mélos ton fílon sou pou tha pantrefteís? O, Achilléa mou, tha katastaláxeis tóra? (Are you the next member of your friends to get married? Oh my Achilles, will you settle down now?)” sunod sunod na tanong ni Leigh na malawak ang ngiting ikinatayo ni LAY sa harapan ng kaniyang kambal.   “You’re exaggerating your ideas in what I said Artemis, I’m still not settling down in marriage. I’m interested in Valenzuela’s secretary and I’m still trying to sort it out.”sagot ni LAY agad ikinabagsak ng balikat ni Leigh sa pinaliwanag sa kaniya ng kaniyang kapatid.   Nakatingin lang si Leigh sa kaniya ng bumuntong hininga ito at pumunta sa may kanang gilid niya at niyakap ang kanang braso ni LAY.   “Can I meet her?”   “Why?”   “hélo móno na gnoríso to korítsi. (I just want to meet the girl.)”kibit balikat na sagot ni Leigh sa kaniyang kambal.   “Oh? Andiyan ka na pala Achilles, nagulat ka ba sa biglaang pag-uwi ng kambal mo?”   Sabay na napabaling ng tingin sina LAY at Leigh sa asawa ng Uncle Onyx nila na pababa ng hagdanan.   “I’m expected Auntie that she will visit here in Knight’s mansion time to time.”ngiting sagot ni LAY na ngiting ikinabitaw naman ni Leigh sa kaniya at ikinalapit nito sa tita nila at yumakap sa bewang nito.   “Auntie Summer, I really missed your dish that you cook when I’m always here to visit. Especially your menudo, the spices, the vegetables in it…”   “I’ll cook it Artemis.”ngiting putol ng kanilang tita na ikinatuwa ni Leigh bago ito naglakad papuntang kusina na ikinalakad naman ni LAY palapit sa kaniyang kambal at inakbayan ito na ikinalingon nito sa kaniya.   “You should visit our king and queen too Artemis, they misses you a lot especially Daddy.”pahayag na paalala ni LAY na ikinahawak naman nito sa bewang niya.   “I’m planning on that kambal, but not now. Anyway, ano pala ang gagawin mo sa presinto ni Lu bago kita tawagan?”pag-iiba ng usapan ni Leigh na ikinapamulsa ng isang kamay ni LAY sa kaniyang pants.   “The necklace that mom gave to me stolen by someone.”normal na sagot ni LAY na bahagyang ikinalaki ng mga mata ni Leigh sa narinig.   “What? You should report it now kambal.”   “I almost do it but you called.”ngiting sagot ni LAY na bahagyang ikinasimangot ni Leigh.   “Giatí écho aftí tin aísthisi óti ftaío egó pou den píges ston perívolo tis Loúnova? (Why do I have this feeling that it is my fault that you did not go to Lunova's precinct?)” pabirong akusa ni Leigh na bahagyang ikinatawa lang ni LAY sa kaniya.   “How will you take it back?”   “I think I remember the one who stole my necklace, somehow her face kinda remarkable to forget.”pahayag ni LAY na pabulong niyang sinabi ang huling salita na sinabi niya na hindi masyadong narinig ni Leigh.   “You’re too calm Achilles, kung ibang tao ang nanakawan baka hindi na sila mapakali hanggat hindi nila nababawi ang nakuha sa kanila. Dad really train your emotion a lot, sana all.”pahayag na kumento ni Leigh na ikinatitig ni LAY sa kaniya.   “Why did you say that?”   “Because I’m easy to piss off kambal, lalo na pag may nakakainis na tao kang nakilala na minsa gusto mong pulbusin! Gusto ko ngang gamitin sa kaniya ang itinuro ni Uncle Boris sa akin about attacking the most precio---“   “You’re pissed off now Artemis, who was the one who pissing you off?”putol na tanong ni LAY na ikina hang ng bibig ni Leigh at ngiwing bumitaw sa kambal at bahagyang humakbang palayo sa kaniya.   “N-nothing, Oh? I forgot that I need to go back in one boutique I saw earlier when I’m driving to go here, I might visit it for a while to buy new clothes. Ta léme argótera kambal! (See you later)” paalam ni Leigh bago mabilis na hinalikan ang kaniyang kambal sa pisngi nito at mabilis ang kilos na patakbong lumabas ng Knight’s mansion na ikinahabol ng tingin ni LAY sa kaniyang kamba.   Alam ni LAY na may tinatago sa kaniya ang kaniyang kambal pero hindi niya pinipilit na magsabi ito sa kaniya, gusto niyang kusang magkwento si Leigh sa kaniya ng mga bagay na wala naman itong ibang mapagsasabihan dahil wala itong masyadong kaibigan.   Sa kanilang dalawa, si Artemis ay hindi masyado nakikipag kaibigan dahil ang nasa isip nito ay nakikipag close lang ang mga ito sa kaniya dahil isa siyang prinsesa, si Artemis ay magaling kumilatis ng isang tao  kaya wala itong ibang kaibigan maliban sa mga anak ng mga Uncle’s nila sa Royal Palace at sa Knight mansion. Kaya kahit papaano ay nag-aalala si LAY sa kaniyang kambal pero hindi niya nalang ito pinapakita dito dahil alam niyang ayaw nito na nag-aalala sila sa kaniya.   “Nasaan na si Artemis?”   Napalingon si LAY sa nakakunot ng noo ng kaniyang titan a kalalabas lang ng kusina na ikinangiti niya dito.   “She said that she will visit a boutique to buy new dress, don’t worry Auntie, she’ll eat your menudo when she go home.”pahayag na paliwanag ni LAY na ikinatango nalang ng kaniyang tita sa kaniya.   “Wala ka bang lakad ngayon Achilles?”tanong ng tita niya na ngiting ikina-iling niya.   “Wala nama po, I already finished my workloads in the office, so Uncle Ash let me out in an early time.”   “Ganun ba, kung nagugutom ka may nagawa akong cookies sa may kusina.”ngiting sambit ng kaniyang titan a ngiting ikinatango ni LAY.   “Thank you Auntie, I’ll get some later.”sagot na niya na ngiting ikinabalik na nito sa kusina at ikinaupong muli ni LAY sa sofa at kinuha ang cellphone niya at may tinawagan.   “Hello Th---“   (Me chreiázeste tóra, Ypsilótate?)Do you need me now, Your Highness?   Sa lahat ng itinalagang royal guard ng kaniyang ama sa kanilang dalawa ni Artemis, Theus na anak ng Uncle Nemisis niya at si Eros na anak ng Uncle Lirio niya ang may makulit personalidad na excited na matawag sila upang gampanan ang pagiging tagapagbantay nila sa kaniya kahit hindi naman kailangan, but her father insisted.   “Your waiting my call aren’t you?”nangingiting tanong ni LAY sa kaniyang kausap.   (Pánta, Ypsilótate, xérete póso enthousiasménos eímai pou tha káno ti douleiá mou os frourós sas. Pánta kaleíte tin Kallísi, opóte elpízo na me rotísete gia tin ypiresía mou kai írthe i méra.) Always, Your Highness, you know how excited I am to do my job as your guard. You always call Callisi, so I hope you ask me about my service and the day has come.   “I’m sorry about that Theus, Callisi won’t be here for a day for some matters. I want you to come here in the Philippines.”sambit na utos ni LAY na bahagyang ikinasalubong ng kilay niya ng marinig niya sa kabilang linya ang nagmamadaling mga yabag.   “Are you running, Theus?”   (I'máchno gia to diavatírió mou, Ypsilótate.) I'm looking for my passport, Your Highness.   “Okay, let me know the time of your arriving and once you came here, I want you to find someone.”pahayag ni LAY na rinig niyang ikinasagot ng pagpayag ni Theus na rinig niyang napamura dahil sa tingin niya ay nadulas ito na ngiting ikinailing nalang ni LAY.   “When you arrived here, please speak English or tagalog.”bilin ni LAY na hindi na niya hinintay ang sagot ni Theus at pinatay niya na ang tawag niya.   Alam ni LAY na kung lalapit siya kay YoRi upang ipahanap ang naiisip niyang maaring nagnakaw ng kwintas sa kaniya ay malalaman at malalaman iyon ng mga kaibigan niya kaya tinawagan niya si Theus upang ito ang humanap sa magandang babae na kahit papaano ay napabilib siya dahil nakuha nito ang kwintas niya ng hindi niya nalalaman. Tiyaka nalang niya ito itu-turn over kay Lu pag nahuli niya ito, but there’s one question in LAY’s mind about the woman who stole his necklace from him.   “Why is a beautiful maiden, stealing things from others?”       MATAPOS ANG SHIFT ni Athena sa coffee shop na pinapasukan niya ay naglalakad na siya upang pumunta naman sa susunod niyang trabaho which is sa isang gasoline station.  Nararamdaman na ni Athena ang pagod sa katawan niya pero hindi nalang niya ‘yun iniinda dahil kailangan niyang makapag-ipon ng pera. Hindi na naman siya masyadong nagnanakaw simula ng pagalitan siya ni Lu pero may oras na pag gipit siya ay sikreto nalang niyang binabalikan ang dati niyang nakagawian tulad ngayon, may nanakaw siyang mamahaling kwintas na hindi niya alam kung ibebenta niya ba o aangkinin nalang.   Hindi pa sapat ang naiipon niya para mahanap ang kapatid niya at mabayaran si Lunova sa tulong na binibigay nito sa kaniya, kaya para makabawi kahit delikadong misyon na maghanap ng mga criminal at bigyan ng tip si Lunova ay ginagawa nito. Wala siyang masyadong pahinga maliban nalang sa pagtulog niya sa gabi na kailangan na kailangan niya, namomroblema pa siya dahil bukas ang laban sa taekwado tournament ng bestfriend niya na kailangan niyang puntahan para I cheer ito. Nagpapasalamat nalang siya at hindi ito matampuhin at kahit malaki ang agwat nila sa buhay ay talagang kaibigan ang turing sa kaniya, kahit mga magulang nito ay mabait sa kaniya at hindi tinitingnan ang status niya sa buhay para maging kaibigan siya ng anak ng mga ito. Kahit ang nakababatang kapatid ng bestfriend niya ay kasundo niya maliban nalang pag sinusumpong ito at parang nanay niya kung sermunan siya.   Malapit na si Athena sa gasoline station na papasukan niya ng mapadaan siya sa isang boutique kung saan magagandang damit ang nakikita niyang naka display sa mula sa loob nito na nakikita niya mula sa salamin ng boutique shop. Alam niyang mamahalin ang mga ganoong style ng damit na hindi naiwasang ikinatingin ni Athena sa kaniyang sarili na bahagya niyang ikinangiti.   “Hindi naman bagay sa akin ang ganiyang magagara at mamahaling damit, tsaka ang presyo ng mga damit na ‘yan ay pwede ko ng pangkain ng dalawang buwan o mahigit pa.”pahayag ni Athena sa sarili na akmang aalis na para dumeretso na sa raket niya dahil may kasunod pa siyang trabaho ng may makabanggan siya na ikinagulat niya lalo na ng magkalat sa kalsada ang mga plastic cup na ang laman ay mga kape.   “Oh my god! Don’t you have freaking eyes?!”   Agad nilingon ni Athena ang isang magandang babae na may naiinis ng ekpresyon sa mukha nito dahil sa bungguan na nangyari sa kanilang dalawa dahilan upang mabitawan nito ang dala-dala nito na nakakalat na sa kalsada.   “Pasensya na, hi-hindi talaga kita nakita eh.”despensang paghingi ng tawad ni Athena na ikinasama ng tingin nito sa kaniya.   “Pasensya? Sa tingin mo tatanggapin ko ‘yang paghingi mo ng pasensya?! Look what have you done, kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?”galit na paninisi nit okay Athena na hindi magawang sagutin niya dahil alam niyang mali siya.   “Sorry talaga, papalita---“ hindi natuloy ni Athena ang sasabihin niya ng asar na napangisi ang magandang babae sa kaniya at cross arms sa harapan niya.   “Papalitan mo?”ngising sambit nito na ikinatingin nito sa kaniya mula ulo hanggang paa na bahagyang ikinaramdam ni Athena ng awkward sa paninitig na ginagawa nito sa kaniya.   “May pambayad ka ba? That coffee is not just a normal coffee na nabibili mo lang sa mga cheap na tindahan, sa itsura mo pa lang baka kahit isa hindi mo afford!”pang aalipusta nito na hindi na nagustuhan ni Athena ang pangliliit nito sa kaniya.   “Ay teka lang Miss ha, kasi humingi na ako ng tawad sayo eh, alam ko naman na may kasalanan ako sa nangyari pero grabe ka namang mangliit ng tao na kagaya ko. Sige, sabihin na natin na hindi ko kayang ma afford ang mga kapeng ‘yan na sinasabi mo, pero wala kang karapatang maliitin ang gaya ko dahil lang mahirap ako. “   Hindi na napigilan ni Athena na sagutin ang magandang babaeng may hindi magandang attitude na kita niyang hindi nagustuhan ang sinabi niya.   “Excuse me? Why are you defending yourself when you said that what happened is your fault? Bakit? Hindi ba totoo? In what I see in your look, mahirap ka na nga mukhang wala ka pang pinag-aralan.”masungit na pahayag nito na hindi nagustuhan ni Athena ang nilalabas sa bibig ng babaeng nasa harapan niya.   “In what I’m seeing, mukhang ikaw ang walang pinag-aralan sa inyong dalawa.”   Sabay na napalingon si Athena at ang babaeng nagtataray sa kaniya na sa tingin nila ay kalalabas lang ng boutique dahil sa hawak nitong mga paper bags na nakasandal sa hamba ng glass wall nito. Sa itsura palang nito, alam ni Athena na mayaman ito at hindi niya mapigilang mapahanga sa ganda ng mukha nito na bahagya niyang ikinakunot ng noo niya dahil feeling niya, nakita niya ang mukhang nakikita niya sa magandang babaeng sumingit sa kanila ng mayabang na babae.   “Excuse me? Ako walang pinag-aralan? Magna c*m laude graduate ako at may stabl----“   “Basehan na ba ng kung anong natapos mo para mag degrade ka ng ibang tao? ‘Yan ba ang manners na alam mo sa school na pinasukan mo?”seryosong putol ng magandang babae na hindi ilang segundong hindi ikina-imik ng mataray na babae bago niya tinarayan ng tingin ang magandang babae na sa tingin ni Athena ay nawala na ang atensyon nito sa kaniya.   “Bakit ka ba nangingielam? Will you mind your own business? Don’t intrude in a scene that you’re not on it.”mataray na singhal nito sa magandang babae na bahagyang ikinangiti nito bago umalis sa pagkakasandal nito sa glass wall at naglakad palapait sa tabi ni Athena.   “How much ba the coffee that you bought and spilled on the road? I’ll make bayad for it, then bumili ka ng new.”kalmadong pahayag nito na hindi naiwasang maalala ni Athena ang nakababatang kapatid ng kaniyang bestfriend sa pananalita ng magandang babae na nasa tabi niya.   “Yo---“ hindi natapos ng mataray na babae ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone niya na naiinis na kinuha niya at sinagot ang tumatawag.   “Hello!”   (Wooah! Lumabas lang ang Sekretarya ko para bumili ng kape na gusto niya for her lunch pero bakit mukhang badtrip ka, Sandra?)   “Don’t let me narrate what’s happening to me right now, boss. I’m so damn pissed off!”inis na sagot nito sa tumawag sa kaniya bago binaba ang cellphone niya at binugo si Athena na ikinaalalay ng magandang babae sa kaniya upang hindi siya matumba habang parehas silang nakatingin sa masungit na babaeng naglalakad na palayo sa kaniala.   “She has an attitude that I don’t like.”kumento ng magandang babae na tangong ikinasang-ayon ni Athena dito.   “Minus point sa langit ang may ganiyang ugali.”pahayag na kumento ni Athena na ikinalingon niya sa magandang babae na bahagyang napatawa sa sinabi niya na agad niyang ikinayuko dito.   “Salamat pala kanina, pero hindi ka na sana nadamay sa kasungitan nung babae na ‘yun kung hindi mo nalang ako tinulungan.”sambit niya dito na ikinalakad nito papunta sa harapan niya.   “It’s fine with me, besides hindi ko kasi nagustuhan ang sinabi niyang pangma-maliit sa’yo. May tama ka naman sa sinabi mo, she has no right to degrade a person like you. Hi, I’m Leighra Artemis. We don’t know each other yet but I liked how you stood up yourself to that b***h woman.”ngiting pahayag nito na nahihiyang ikinakamot ni Athena sa batok niya.   “Hindi ko lang nagustuhan ‘yung mga sinabi niya, alam kong may mali ako sa nangyari pero mukhang hindi sapat sa kaniya ang paghingi ng tawad.”   “What’s your name?”ngiting tanong ng magandang babae sa kaniya na nakikita niyang parang katulad ng kaniyang bestfriend na hindi tumitingin sa status ng buhay ng isang tao upang makipagkilala o makipag usap hindi tulad ng masungit na babae nan a encounter niya.   “Athena Joy ang pangalan ko.”   “You’re name suits you because you’re pretty, you can call me Artemis. I think I want you to be my friend, Athena.”ngiting sambit na ikinatitig ni Athena dito.   “F-friend? A-ako? Pero kas---“ hindi natuloy ni Athena ang sasabihin niya ng malawak ang ngiting yumakap sa braso niya ang bago niyang nakilala na gusto siyang maging kaibigan.   “I’m hungry, let’s find some restaurant and eat.”ayang pahayag nito na ikinalaki ng mga mata ni Athena.   “N-naku A-artemis, hindi pwede kasi m-may trabaho ako ngayon. Tsaka diba, hindi ka dapat basta-basta nagtitiwala sa mga taong kakakilala mo palang?”sambit ni Athena na ngiting mas ikinayakap ni Artemis sa braso niya.   “I know how to look on a person if she or he is good or bad, and I know that you will be my good friend. Samahan mo na akong kumain, don’t worry babayaran ko ang araw mo sa trabaho na hindi papasukan.”pahayag nito na sinimulan ng hilahin si Athena na hindi alam kung anong gagawin niya.   “T-teka Artemis…ano kasi…ano…”   “I found a new friend besides Heaven, oh I think you’re bagay to my twin, he will be happy if I told him that I gain another friend of mine.”masayang pahayag nito na habang hila-hila si Athena na nanghihinayanag dahil alam niyang mawawala na sa list niya ang isa niyang raket na pinapasukan niya nang lingunin niya si Artemis na may masayang ekpresyon ang mukha na hindi niya maiwasang ikatitig dito.     Pamilyar talaga sa akin ang mukha niya, nagkita na ba kami kung saan? I’m sure hindi, pero bakit pamilyar sa akin ang mukha niya?  Tanong ni Athena sa kaniyang isipan habang buntong hiningang hinayaan nalang ang bago niyang kaibigan sa gusto nito dahil tinulungan naman siya nito sa masungit na babaeng nakaaway niya kanina.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD