Episode 2

3292 Words
Point of view - Rea Miller - Gabi na nang ako'y nakauwi mula sa aming eskwela, habang ako'y naglalakad mag-isa sa isang madilim na kalsada patungo sa aming bahay, napansin ko ang bilog na bagay mula sa langit. Ito ang nagsisilbing ilaw sa paligid at sa aking dinadaanan. Hindi sinasadyang natitigan ko ang bagay na ‘yun. “Ang ganda naman ng buwan, bilog na bilog at halos malapit na sa kulay pula. May ganyan pa lang buwan?” nasambit ko sa aking sarili. Ngunit tila kakaiba ang pakiramdam ko sa buwan na ‘to, parang may hindi tama na tila ang bagay na iyon ay nanghihigop ng kaluluwa. Bago pa ‘ko mabaliw kaiisip kung anong mali sa nararamdaman ko, tinuloy ko na lamang ang aking paglalakad. Ako si Rea, Isang college student. Hindi ako magaling sa pag-aaral pero masipag ako. Pauwi ako ngayon sa aming bahay nang may narinig akong sumusunod sa aking likuran, nilingon ko iyon at may nakita akong dalawang lalaki, dumaan sila sa aking harapan habang nagkukwentuhan. Akala ‘ko sinusundan nila ‘ko ganun kase yung dating nila eh. Pagkalagpas nila sa aking kinatatayuan, hindi pa man sila nakalalayo ay nakaramdam na ako nang matinding takot. Napayakap na lang ako sa aking balikat, kinulong ang aking sarili at pinipigilan ang panginginig ng aking katawan. Pero hindi naman nagtagal ang bagay na iyon. Hinabol ‘ko nang tingin ang dalawang Lalaking iyon na parang naalala ko kung sino sila. Sila ba ang pamilyang Alba? kalilipat lang nila dito pero parang alam na alam na nila ang pasikot-sikot a. Tumindig ang aking balahibo, pakiramdam ko ay may nakatingin sa’kin mula sa malayo, ang lamig makaalis na nga. *** Sa pagsapit ng umaga. "Hoy, anak! umaga na ano ba yan? hindi ka ba papasok?" sigaw ng aking magandang nanay. "Nay, ang lakas ng ulan e. Puwedeng bukas na pagtumila?" saad ko. "Hindi p’wede, hay… naku! Napakatamad mo talagang bata ka!" Nagsesermon na naman si mama, sabi ko nga e papasok na. Pero kahit ganyan ‘yan, mahal ko ‘yan. Dumiretso na ‘ko sa school pagkatapos kong mag-ayos. Matapos ‘kong marating ang aming classroom nagsimula akong umupo sa aking upuan kalapit ang aking kaibigang si Irish. "Good morning, Irish, " saad ko sa kaniya habang nakataas ang aking kamay. "Good morning, Rea. Ang ganda ng gising mo ah." "Siyempre," tugon ko saka mahinang tumawa. Inayos ni Irish ang kaniyang mga gamit sa upuan at nagsimulang umupo. "Nabalitaan mo na ba, Ngayon daw dadating ‘yung transfer student?" saad nya habang diretsong nakatingin sa akin at isa-isang inilalabag ang mga libro niya sa lamesa. "A talaga, mayro’n?" saad ko na tila hindi interesado. Transfer student? *** "Okay, class. I would like you to meet, Mr. Keith Alba. Magiging classmate n’yo na s’ya mula ngayon," saad ng aming guro na nakatayo sa aming harapan. Narinig ko ang mahinang pag-uusap ng aking mga kaeskwela. Gosh, ang hot nya. Ang gwapo naman nyan. Dapat sa lapit ko s’ya umupo. Ilan lamang ito sa mga naririnig mo mula sa kanila, natawa na lang ako sa mga bagay na iyon. "Mr. Keith, doon ka na lang umupo sa bakanteng upuan malapit sa bintana." Napatingin ako sa tinuro ng teacher namin, naalala kong may bakanteng upuan pa nga pala sa kalapit ko na malapit sa bintana. Habang naglalakad si Keith palapit sa kaniyang upuan, hindi sinasadiyang napatingin ako sa kaniyang mga mata. Ang guwapo nga n’ya, Pero bakit parang may halong lungkot ang mata n’ya? saad ko sa aking sarili. May bigla na lang sumagi sa aking isip at naalala ko ‘yung nangyari kagabi. Matapos n’yang umupo, naglakas loob akong itanong ang bagay na iyon. Ewan ‘ko ba kung bakit ‘yung bibig ko hindi ko maawat sa mga ganitong sitwasyon. "Ikaw yung kagabi, ‘di ba?" tanong ko sa kanya. Ngunit tahimik lamang siya at hindi sumagot sa aking tanong. "Ay nice talking," sarcastic kong sabi. "H’wag mo ‘kong kausapin." Nagulat ako nang bigla s’yang nagsalita, pero napakunot ang noo ko sa sinabi n’ya kaya tumingin na lang ako sa teacher namin. Hmp suplado! Hindi naman kagwapuhan. Ito ang unang beses namin magkakilala ni Keith. Makalipas ang ilang oras, dumating na rin ang vacant period. Mabilis kaming nag-ayos ni Irish at tumungo sa canteen, saka umupo sa bakanteng upuan doon. "Anong lunch mo, Irish?" saad ko. "Sushi, ginawa ni mama." Tugon niya. "Wow, penge ah!" Ginamit ko ang aking tinidor at inilagay ko sa aking bibig ang nakuha kong pagkain mula sa kaniya. Lumingon-lingon ako sa paligid habang kumakain at nakita ko si Keith, kinakausap s’ya ng ibang boys na kaklase namin. "Yow, transfer student! Ano bang sports mo? marunong ka mag-basketball? laro tayo minsan," saad nung isang lalaki. Tumingin lang si Keith ng masama sa mga lalaking ‘yon at walang sabi-sabi, umalis sila na parang takot na takot. Naalala ko bigla yung naramdaman ko kagabi. "Hoy, Rea! okay ka lang? Tulala ka dyan." Biglang bumalik ang aking isip nang tapikin ako ni Irish. "Ay, sorry, may naalala lang." saad ko. Bigla na lang may kung ano sa katawan ko ang parang gumapang, kakaiba yung pakiramdam parang may nakatingin sa’kin na hindi ko alam bakit kaya ganito, kinikilabutan nanaman ako. *** Point of view - Keith Valentine - Hindi ako nagkamali, s’ya nga ang babaeng iyon na nakita namin kagabi. Iba talaga ang nararamdaman ko sa kan’ya. Bakit kaya ang bango bango nya? Delikado ‘to kapag hindi ako umalis dito. Hindi ko makokontrol ang aking sarili, maaari akong makapaslang ng tao. At dahil sa tawag ng dugo na dumadaloy sa hindi normal kong katawan, nagsimula akong makaramdam ng uhaw. Bago pa ko tuluyang mawala sa sarili umalis ako sa canteen, pumunta ako sa isang classroom na walang tao at doon nagpalipas ng pagkatakam ko sa dugo. "Keith, kahit anong gawin mo. Hindi mo matatakbuhan ang kapalaran nating mga Alba." Isang kataga na muli na naming nanumbalik sa aking isip. Ang nais ko lang naman ay mabuhay nang normal gaya nila, gaya ng mga tao dito. Dati rin naman akong tao, isang normal na tao. Ngunit dahil sa mga magnanakaw na pumasok sa bahay namin noong ako ay bata pa. Namatay ang aking mga magulang at alam ko isusunod na nila ako. Nagtago ako sa loob ng kabinet ngunit natagpuan pa rin nila ako doon. At pagmulat ng aking mga mata, maraming-maraming dugo ang nagkalat sa sahig. "S-Sino ka?" Nakatingin lamang ako sa isang lalakeng nakatalikod sa aking harapan. Tiningnan n’ya ko nang may pulang mata "Bata, halika, anong pangalan mo?" saad niya. "B-Bakit ko sasabihin?" "Dahil ako ang nagligtas sa buhay mo, hindi ba?" "Lumayo ka, isa kang halimaw! Nakita ko kinain mo sila halimaw ka!" sunod-sunod kong sigaw sa kanya. Hanggang sa bigla na lang may bumaril sa aking likod, isa sa mga magnanakaw. Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos noon, basta alam ko. Paggising ko isa na rin akong halimaw. Pero salamat sa kaniya buhay pa ‘ko kahit imortal na ang dati kong mortal na katawan. "Ang cute naman n’ya matulog parang ang amo ng mukha n’ya.” Isang tinig ng babae ang aking narinig habang nakasandal ang aking likuran sa isang malamig na pader dito sa bakanteng classroom. Ang amoy na ito, ang bango-bango. Nananaginip ba ako? saad ko sa aking sarili. *** Point of view - Rea Miller - Bago umuwi, naisipan ko muna ang maglakad-lakad sa loob ng pasilyo ng buong eskwelahan. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon. Nakita ko si Keith sa isang walang taong classroom. Malapit nang mag gabi ngunit nandito pa siya at natutulog. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng walang taong silid at lumapit sa kaniya. Kahit walang paalam, sinilip ko ang kan’yang mukha. "Ang cute naman n’ya matulog. Parang ang amo ng mukha n’ya." Naramdaman ko ang kaniyang paggalaw at mabilis s’yang nagising. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kan’yang ginawa. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at agad akong niyakap, nadarama ko ang hininga n’ya sa aking leeg. Teka, bakit ang lamig n’ya. May sakit ba sya? Hanggang sa biglang humigpit ang kan’yang yakap sa akin na parang hindi na ako makahinga. Naramdaman ko ang malamig na hangin galing sa kanyang bibig malapit sa aking leeg. *** Sa paglipas ng ilang sandal, mas humigpit ang pagkakayakap ni Keith sa akin, na halos hindi na ako maka hinga. "Ke-Keith," saad ko. Naramdaman ko na parang may kung anong bagay ang unti-unting tumutusok sa aking leeg, nang biglang may lumitaw na lalake sa aming harapan. Oh gosh, Caught in the act! "Wala kaming ginagawa Ah! Ni-niyakap n’ya lang ako bigla tapos." Nag-panic ako nang sobra, baka kase kung anong isipin nung lalake. Hindi umiimik ang lalakeng ‘yun at nakatitig lamang siya sa aming dalawa. Teka s’ya ba ‘yung kasama ni Keith kagabi? kamukha n’ya eh. "Keith tara na. Hindi ka na ligtas dito," saad ng misteryosong lalake. ‘Luh hindi ligtas agad-agad? ako nga yata ang hindi ligtas dito eh, kung makayakap ‘tong lalakeng ‘to parang kala mo iiwan ko s’ya. Lumuwag ang kapit ni Keith at marahan niyang inilayo ang kaniyang mukha sa akin, saka ko napansin ang kaniyang pulang mata. Naparalisa ang aking buong katawan at hindi makagalaw, parang gusto n’ya akong sunggaban at kainin ng buhay. Walang sabi-sabi, agad n’ya akong binitawan saka siya tumayo at sumama sa lalakeng iyon. "Te-teka kaibigan ka ba ni Keith? May sakit s’ya kailangan dalhin mo s’ya sa ospital" sigaw ko babang naiwan akong nakaupo sa sahig. "Satingin ko sa ngayon, kailangan mo munang tumahimik," saad nung lalakeng kasama niya. Dahan-dahan s’yang lumapit sa aking kinaroroonan at hinawakan ang aking noo ng kaniyang palad, ilang saglit pa. Bigla akong nakaramdam ng matinding antok, para bang unti-unti na akong nakakatulog. Tinanaw ko sila mula sa aking kinauupuan habang sila ay tumalon mula sa bintana. "Te-Teka nasa 5th floor ta—yo." Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog at nawalan ng malay, makalipas ang ilang sandali. Dahan-dahan ‘kong iminulat ang aking mga mata dahil sa isang pamilyar na tinig na aking naririnig. "Rea! Rea! Gising," rinig ‘kong boses ni Irish, habang tinatapik niya ang aking balikat. "Huh Aah?" saad ko, saka dahan-dahang inayos ang aking pagkasalampak sa sahig. "Bakit ka dito natutulog? Mag gagabi na ah." "Ah Wah! Bakit ako nandi’to?" "Baka nalalag lang ako, Haha! sorry Irish wala akong maalala," saad ko habang kinakamot ang aking ulo. "Hay sige, tara umuwi na tayo," saka ako mabilis na tumayo at naglakad kasabay ng aking kaibigan, saglit akong natigilan sa paglalakad nang bigla akong makaramdam ng kakaibang presensiya sa paligid. Bakit pakiramdam ko may nakatingin sakin? Lumingon ako sa may itaas ng building pero wala namang tao. "Rea bilis, tara na!" Biglang sigaw ni Irish upang maagaw ang aking atensyon. "Ay sorry, sige papunta na," saka ako mabilis na tumakbo patungo sa kinaroroonan n’ya *** Kinabukasan wala kaming pasok, kahit makulimlim naisipan ko mag-jogging. Daily routine ko kaya ‘yon, hindi ko lang magawa dahil may pasok. Habang ako ay nagjo-jogging, may narinig akong dalwang aleng nagkukwentuhan, hindi ko mapigilang hindi tumigil at makinig saglit sa kanilang usapan. "Mare nabalitaan mo na ba? Ang dami nang namamatay sa kabilang bayan, ang sabi dahil daw sa pagkaubos ng dugo". "Ay Oo mare narinig ko na yan, lahat daw may mga marka sa leeg na parang kagat ng bampira. Ngunit haka-haka lang naman ang mga bampira hindi ba?" "Ay Oo naman! panakot lang ‘yun sa kabataan. hay nakakatakot na ang mga nangyayare dito." At dahil sa nawalan na ako ng interest pakinggan ang kanilang mga sinasabi, itinuloy ko na lamang ang aking ginagawa. Bampira? Sino nama’ng siraulo ang maniniwala doon, Pero. Bakit nga kaya?. Dahil sa aking ka shungahan. Hindi ko namalayan na may malapit na bato sa aking patutunguhan, hanggang sa bigla nalamang akong natapilok. I susuporta ko sana ang isa kong paa pero huli na ang lahat, na out of balance na ako. Nung akmang malapit na akong matumba, bigla nalang akong nakaramdam ng isang kamay na kumapit sa aking braso. Biglang may humila sa’kin para hindi ako madulas ng tuluyan at inalalayan n’ya ako sa aking pagtayo. Isang malalim na buntong hininga ang aking nagawa. "Muntik na ‘ko doon ah, salamat mr." Nanlaki ang aking mata nang aking mapagtanto kung sino ang lalakeng tumulong sa akin. "Ah Keith!" gulat kong wika "Sa susunod, mag ingat ka." ‘Yun lang ang kaniyang sinabi, saka niya ako binitiwan at lumakad palayo. "Totoo nga. G’wapo pala talaga sya." Bigla ko na lang ‘yung na sabi habang nakahawak sa aking puso at pinipigilan ang bilis ng t***k nito, tinitingnan ko s’ya mula sa likuran habang papalayo sa’kin. Naaalala ko ‘yung mukha n’yang may pagkamasungit, ang matalas niyang mata, ang manipis at mapula niyang labi at ang hairstyle niyang kapareho ng mga napapanuod kong anime sa tv. "Oh my gee! Bakit naiisip ko ang mga ito? Makauwi na nga lang.” Hindi ko na natapos ang pagjo-jogging ko at umuwi nalang ako. Change Point of view - Keith Valentine - Hanggang ngayon iniisip ko parin ang babaeng ‘yun. Naglalakad ako ngayon malapit sa parke. Ano kaya ang mayroon sa kaniya?. sa ‘di inaasahang pagkakataon nakita ko ang babaeng si Rea na malapit nang matumba. Mabilis ko s’yang nahawakan, isang abilidad naming mga halimaw. "Sa susunod mag-ingat ka." Matapos ko siyang tulungan, umalis na ako. "totoo nga gwapo pala talaga sya." Kahit malayo na ang aking kinaroroonan nadinig ko ang bulong niyang ‘yon. "Mga babae nga naman,” saad ko sa aking sarili. Nang ako ay makarating sa aming bahay. Isa itong malaki at madilim na mansion na may tatlong lalake ang nakatira. Madilim din sa loob nito pero kahit tatlo lang kami, Maingay padin. Hindi ko pa man nabubuksan ang pintuan, nakarinig na ako ng isang malakas na lagapak ng sampal. Dahan-dahan ‘kong pinihit ang pintuan at bumungad sa’kin ang dalawa kong kasama. Hindi ako nagkamali, magkausap nga sila Volt at Vlad. Maya-maya pa, narinig ko ang malakas na sigaw ni Vlad kay Volt. "Alam mo ba kung anong ginagawa mo Volt?! Hindi mo man lang naisip ang magiging resulta n’yan!" Ayan ang ingay nanaman nila, Oo nga pala sila ang mga kasama ko sa bahay, si Volt at Vladimir. Sila ay mga purong bampira. Si Volt ay may kakayahang magbura ng alaala, siya ang may dahilan kung bakit walang matandaan ang babaeng iyon. Ang isa naman ay si Vlad ang nagbigay sa’kin ng bagong buhay na ito. Pareho lang silang tipikal na bampira. Sinarado ko na ang at pinto sa aking pagpasok, umupo ako sa malambot na gutsyon at itinaas ang aking paa sa isang lamesa na nasa aking harapan. "Exciting to," saad ko, saka ngumiti nang bahagya. "Vlad anong magagawa ko, nagugutom na ko!." sigaw ni Volt. "Pero sinabi ko na sayo na iwasan mo ang uminom ng dugo ng tao, kung alam mong mapapatay mo sila. Hindi ka ba talaga nag-iisip? Siguradong maghahanap sila ng dahilan sa mga nangyayare sa paligid, paano kung nalagyan mo ng lason ang iyong pangil?, eh ‘di napunta pa sila sa confusion state." Pagpapaliwanag si Vlad. "Hindi ko na mapigilan, sobrang takam na takam na ‘ko sa kanila." "May ibang paraan!' "At ano ang paraan na ‘yun Huh?" "Talagang sumasagot ka na huh!" Nagsimula na silang mag-away. Napabuntong hininga na lamang ako habang na nonood sa kanila, ganito na lang ‘lagi. Mabilis na sinaksak ni Vlad si Volt sa t’yan, gamit ang kan’yang kuko, umagos ang dugo. H’wag kayong mag-alala hindi naman silver ang kuko n’ya, mabilis din mag hilom ang sugat ng mga bampira. Gumanti si Volt at kinagat siya sa leeg. "Hay naku! Ganitong segment na naman." Sinadya kong lakasan ang aking pagkakasabi. Natigilan sila at napatingin sa aking kinaroroonan. "Oi Keith manahimik ka d’yan ah, nakikinuod ka na nga lang eh. Asikasuhin mo nalang ang chix mo na takam na takam ka nang kagatin." saad ni Volt na bahagyang nakangiti. Medyo nainis ako sa sinabi n’ya kaya tumayo ako at tiningnan ko sya ng masama. Sa isang wasiwas lamang ng aking daliri, tumalsik s’ya sa pader. Ganito na pala ko kalakas. "Hmm Interesting, look how you've grown Keith, now tell me. Sino ang babaeng tinutukoy ni Volt?" "Wala ka nang pakialam doon Vladimir,” saad ko kay Vlad na ngayon ay nakatingin sa akin. "How rude, or gusto mo alamin ko nalang?" mabilis akong nakalapit sa kan’ya at hinawakan ko ang kaniyang leeg nang mahigpit, sa sobrang inis ko, "H’wag na h’wag mo s’yang pakikialaman." Nangninisik ang aking mga mata sa sobrang inis ko, at binitiwan ko na si Vlad. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis pag nagkukwentuhan sila tungkol sa p**********p sa mga tao, baka dahil tao din ako dati?. Bumalik na ko sa kwarto ko at natulog. Isang araw nanaman ang lumipas. Point of view - Rea Miller - Nakapalumbaba lang ako sa aking lamesa at nakatitig sa aming guro, habang siya ay nagsasalita. "Okay class, dahil sa hindi inaasahang pangyayare, kailangan mag palipat ng inyong kaklase na si keith sa night class. Simula bukas, hindi na natin s’ya makakasama ditto." Nagulat ako sa biglaang anunsyo ng aming guro, saka ako napatingin kay Keith na ngayo'y nakasulyap lamang sa bintana. Hanggang sa ang iba kong classmate ay nagsimulang lumingon sa kaniya at kinausap siya. "Totoo ba ‘yun Keith mag papalipat ka na? Ano ba yan sayang naman." Hindi ko alam kung bakit habang tinitingnan ko si Keith, parang may isang bagay akong biglang nakalimutan. Iniling-iling ko nalang ang ulo ko tsk. ano ba yan *** Habang naghihintay sa susunod na subject. Naisipan kong kausapin si Keith sa dahilan kung bakit s’ya nagpa-transfer, at magpasalamat nadin sa kanyang pagtulong sa akin noong nakaraang araw. Nakita ko siya sa may hallway na nakatingin sa bintana habang hinahangin ang kanyang buhok. "Ang guwapo naman n’ya,” mahina at pabulong kong saad. Nagulat ako dahil tumingin siya sa’kin. “Ah narinig kaya n’ya ‘ko?” Bigla s’yang ngumiti ng kaunti. “Oh my gosh!,” Lakas loob akong lumapit sa kaniya. "Ahm Keith Th-thank you pala doon sa kahapon, hindi kasi ‘ko nakapag pasalamat ng maayos," saad ko, habang ako ay kumakamot sa aking ulo. Pero as usual walang reply. Ngunit dahil makapal ang aking mukha, tumabi ako sa kinatatayuan n’ya. "Bakit ka nga pala nagpalipat sa night class?," prangkang tanong ko, ngunit wala parin siyang tugon sa aking mga sinasabi. Ano ba ‘yan para akong kumakausap sa hangin, "Babae sumunod ka sa’kin," saad n’ya na may-angas ang tinig. Hala! bakit kaya, May ginawa ba ako?. Sinundan ko s’ya at napunta kami sa may bakanteng lote malapit sa school nang biglang "Aray!." Bigla niya ‘kong tinulak sa pader, ang sakit huh!. Nagulat ako dahil pagtingin ko ang lapit na ng kaniyang mukha sa akin. At lalo pa niyang inilapit iyon, napapikit nalang ako at inilag ko ang aking mukha. Susmiyo bakit po dito? bakit sa bakanteng lote pa?, ang agresibo naman ng lalakeng ‘to grabe s’ya. Susmiyo hindi pa po ako ready, somebody help me!. Naramdaman ko ang kaniyang dila na iginapang nya sa aking leeg. "Eek Kadiri ka! bakit mo ‘ko dinilaan sa leeg?." Napalundag ang aking balikat nang maramdaman ko ‘yung dila niyang malamig sa leeg ko. "Shut your mouth!" sabi n’ya sa’kin. Matapos iyon ay hinawakan n’ya ng mahigpit ang wrist ko at itinaas sa may pader na kinasasandalan ko. Oh my gosh! Oh my gosh talaga. Hanggang sa, bigla ‘kong naramdaman ang hininga n’ya sa aking leeg. Bakit ngayon ko lang napansin na ang lamig nya? At sa mga sandaling iyon, parang may isang alaala sa aking isip na gustong magbalik. Parang Deja vu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD