Kabanata 1
Malamig ang simoy ng hangin sa tuktok ng kabundukan dito sa aming probinsiya. Ito ang masasabi kong ipagmamalaki ko sa mga kakilala ko o sa ibang taong nakasasalamuha ko. I encountered different kinds of people each day, maliban na lang kung day off ko.
I work as, local tourist guide rito sa Cebu. I am from Dalaguete Cebu, Philippines. Nakatapos ako ng Tourism dahil na rin sa aking kasipagan ay naitawid ko ang sarili ko sa isang kurso na gustong-gusto ko talagang tapusin, at hindi naman ipinagkait sa akin ng tadhana na maabot ko iyon. Subalit, hindi ako pwedeng lumayo ng tatahaking landas sa pagiging tourist guide ko. Kasi nga si Mama ko, may sakit na Alzheimers.
Iyong sakit na paiba-iba na lang ang takbo ng isip, may malfunction na sa utak na kung saan ay nakakalimot na. Bigla na lang nagwawala, na tipong hindi ko na makontrol minsan ang kanyang sakit. Naiiyak na lang ako sa oras na magwawala si Mama.
Maagang nawala si Papa sa buhay namin, dahil sa isang aksidente kung saan magkasama sila noon ni Mama na namamalengke sa lungsod, nakasakay sila ng pampasaherong dyip sa mga oras na iyon, sa kasamaang palad, nawalan ng kontrol ang sinasakyan nila, kaya sila naaksidente. Nakaligtas si Mama, pero si Papa, nabawian ng buhay dahil sa pagprotekta niya kay Mama.
Kaya minsan, naiiyak na lang ako sa labis na kalungkotan, bilang isang panganay na anak, alam na alam ko ang sakit na iniinda ni Mama sa mga panahong iyon, sabi ng Doctor, nag-trigger daw ang sakit niya nang nagka-trauma siya sa aksidente at pagkawala ni Papa.
Tatlo kaming magkakapatid, triplets kasi kami nina Jenna, Jevie at ako. Ako ang panganay sabi noon sa akin ni Mama. Mas matanda ako sa kanila ng limang minuto, habang silang dalawa naman ay magkadikit lang ang oras na lumabas sila sa sinapupunan ni Mama.
Naalala pa namin noon na sobrang saya pa namin, kaarawan naming tatlo iyon nang maaksidente sila ni Papa at Mama. Imbes na masaya kami at ipagdiriwang namin ang kaarawan namin, naging miserable ang buhay namin at napuno ng lungkot.
Malaki ang naging kaibahan ng aming buhay, ang dating mahiyain at malambing kong mga kapatid, naging dagdag na sa pasakit sa aking ulo. Iniisip ko na lang na ako na lang talaga ang may kayang maghanap ng trabaho dahil ako lang naman ang nakatapos ng pag-aaral.
Wala naman kasi akong pera para mapag-aral sila noon, kaya mas pinili nila na hindi na lang mag-aral sa kolehiyo. Pero kahit ganoon sila, mahal na mahal ko pa rin sila dahil mga kapatid ko sila at mga kakambal ko pa.
Dito na lang talaga ako sa ibabaw ng bundok ng Osmena Peak naglalagi kapag wala akong pasok, nalalamigan kasi ang utak ko, malayo sa mga problema, parang nililipad ang utak ko sa hangin, abot na abot ko ang kalangitan dahil sa taas ng bundok.
Ang bahay kasi namin, nasa paanan lamang nitong bundok, bente minutos ang ginugol ko para makarating sa mismong tuktok ng bundok.
Isa akong local tourist guide, ako ang naka-assign dito sa South Cebu na maging turista kasi nga tiga rito naman ako. At itong Osmena Peak talaga ang pambato ko sa mga dayuhang pumupunta. Marami namang nagagandahan kaya marami rin akong tip na natatanggap.
Masayahin kasi akong babae, iyong tipong...parang walang iniindang problema, lagi na lang nagpapatawa at ngumingiti sa harap ng maraming tao. Pero kapag naman umuwi ako sa bahay, ang mga tawa at ngiti na inilalabas ko kanina, mapapawi na lang bigla at mapapalitan kaagad ng lungkot.
"Jeneva, naog sa diria kay si Mama, nisuol nasad ang iyang sakit."
"Ano?" balik sigaw ko sa kapatid ko, hindi ko kasi gaanong maintindihan kasi ang hangin biglang pumasok sa aking tainga.
"Ang sabi ko, bumaba ka na muna rito, si Mama...sinusumpong na naman ng sakit niya." sigaw pa rin ni Jevie.
"Sino ang nagbabantay kay Mama roon?" balisa na ako at natataranta nang bumaba sa inuupuan kong matarik na mga bato.
"Si Jenna." nauna na siyang tumakbo pababa ng bundok, habang ako naman ay nagmamadali na rin sa paglalakad-takbo.
Labis ang hingal naming dalawa ng kapatid ko, nang maabutan namin ang bahay na sobrang g**o na naman dahil sa pagwawala ni Mama.
Ngayon lang din dumating si Tiyo Mando nang marinig niya ang mga lumalagapak sa aming bahay.
"Tiyo, tulungan niyo po kami, nagwawala na naman po si Mama." napuno na naman ng iyak ang buong bahay namin, mabuti na nga lang at wala kaming gaanong mga kapitbahay rito. Kung mayroon man baka pinagkakaguluhan na kami ngayon.
"Kumuha na muna kayo ng tubig para ipainom natin sa Mama niyo," utos niya sa amin, pero ako na lang ang kumuha, para naman may makaagapay kay Mama sa tulong ni Tiyo.
"Ate Caridad, kalma-kalma ka lang, ako 'to si Mando ang kapatid mo. Walang masamang mangyayari sa iyo, nandito mga anak mo. Tahan na," walang tigil na hinimas-himas ni Tiyo ang ulo ni Mama. Samantalang si Jevie naman ang naghihilot ng kamay ni Mama. Si Jenna naman sa paa. Ako ay daladala pa rin ang isang baso ng tubig.
Sa pagkakataong ito, nagkakaisa talaga kaming magkakapatid na patahanin si Mama. Kahit na minsan ay hindi kami nagkakasundo sa iilang bagay.
Kumalma naman si Mama, nakahinga kami ng maluwag nang hindi na ito nagwawala, ilang minuto lang ay nakatulog na ang Mama namin. Inalalayan naman ni Tiyo si Mama para makahiga ng maayos.
"Jeneva, kapag nagwawala ulit ang Mama niyo, tawagin niyo lang ako, ha? Para kaagad ko kayong madaluhan dito."
"Salamat po, Tiyo."
"O, siya sige, alis na ako."
"Maraming salamat po ulit, Tiyo." sabay naming pasasalamat na tatlo.
Nagyakapan naman kaming tatlo at hinihingal pa rin ang bawat isa sa amin. Bente na kaming tatlo, pero mapapayat kasi kaming magkakapatid, kahit namatataas kami, hindi namin kaya na pakalmahin si Mama, kasi wala na siya sa katinuan niya at kahit ano na lang ang masasagi niya sa amin.
Labing anim na taon kasi kami noong nawala si Papa, nasa kolehiyo na rin ako noon, nag-scholar ako para lang makatapos, hanggang sa nakatawid rin, may mga malalaking kompanya ang kumuha sa akin bilang tourist guide nila, pero sa kasamaang palad, hindi ko tinanggap ang offer nila dahil sa labas ng bansa ako ilalagay imbes na rito lang sa Pilipinas.
Kaya kahit na maliit ang sahod ko, nagpasya akong dito na lang sa Cebu magtrabaho, umaasa na nga lang din ako sa mga tip ng mga dayuhan, kasi kahit papaano ay nakatutulong sa aming pang-araw-araw na gastusin.
Si Jenna naman, isang sales clerk sa isang Mall, si Jevie isang cashier din sa Mall na pinagtatrabahuan ni Jenna. Kaya magkasama silang palagi sa pagpasok at pag-uwi, pero nasabi ko kanina na dagdag sila sa pasakit sa ulo ko, dahil ang mga sahod nila ay nauubos din sa mga bagay na hindi naman talaga dapat pinaggagastusan. Minsanan lang sila nag-aabot sa akin para pandagdag sa gastusin sa bahay at sa gamot ni Mama.
Dumating nga minsan sa isip ko na ang sarap ng sumuko. Kung hindi ko lang iniiisip ang pamilya ko, baka noon pa man, ahhh! Hindi, hindi magandang mag-isip ng mga ganoong bagay. Dapat laban lang, Lunes na bukas, kaya ra gyud ko ni!
"Kaya ko 'to!" bulong ko sa aking sarili.