The wedding was done. It was simple yet elegant. It has somewhat became controvesial in the world of the Mafias dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakasal ang isang Mafia heir sa kapwa niya lalaki. Kahit naman kasi kahit hayagan na pwede kaming makipagrelasyon sa aming kapwa lalaki ay wala pa ang nagtakang pakasalan ang lalaking partner nila. Nagkaroon din ng mga agam-agam ngunit ang lahat ng iyon ay nawala nang makita nilang lahat si Francis. Tila siya anghel na napadpad sa impyerno at napapaligiran ng mga demonyo. Lahat ay tahimik habang naglalakad kami papunta sa aking ama na siyang nagkasal sa amin at sinaksihan ng mga kaibigan ng aming organisasyon. Hindi pa man naiproproseso sa Estados Unidos ang legal na paghihiwalay nina Francis at ng kanyang dating asawa na si Marcus Martene