"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala apo ko na nasa harapan na kita. Kumain ka lang ng kumain ha lahat ng gusto mong kainin ipapaluto ko, o ano pa ba may kulang pa ba tayo dito sa mesa? Sabihin mo lang apo ko, itong kaibigan mo, baka may gusto pang kainin na wala dito sa mesa sabihin mo lang sa akin ibibigay ko lahat sa inyo. ubos ko sobrang saya ko talaga na nasa harap ko na kita po kung hindi ako makapaniwala na papayag ang iyong ina na makita kita!" kung noon ang kagalakang saad ng kanyang lola. Nagulat siya ng sa pagdulog nila sa hapag-kainan ay heto ang bumulaga sa kanila parang fiesta, napakaraming pagkain. Halos isang oras din kasi silang nagkwentuhan sa veranda bago sila nagpasyang mananghalian dahil inutusan ng kanyang lola ang mga taga pagluto na mag luto ng masasarap