#WARNING: SPG read at your own risk! Pumikit ng mariin si Janna at matiim na umusal ng panalangin. Sinusubukan niyang paglabanan ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Inaatake na naman siya ng kanyang sakit, panginginig ng buong katawan, pangangatal ng kanyang labi, naninikip ang kanyang dibdib at parang hirap na hirap siyang huminga kasabay ang mga boses na maliliit na tila nag-uudyok sa kanya na gumawa ng hindi maganda. Naiisip na naman niya na wakasan ang nararamdamang paghihirap sa pamamagitan ng ipinagbabawal na bagay na iyon na kanyang natuklasan. Ngunit naipangako na niya sa kanyang sarili at naipangako na niya sa Poong Maykapal na hinding-hindi na ulit gagawa ng ganoong makasalanang bagay. Kaya naman habang lumuluha at kahit hirap na hirap siya sa paghinga ay patuloy parin