"Ang hina mo naman pala eh!?" Bulalas ni Micko pagkabalik ko sa training ground.
The kid he insult started to cry kaya binatukan ko ng kay lakas si Micko bahala na kung kinikalabutan ako sa kaniya.
"Ano ba?!"
"Ikaw ang ano ba?! Hali ka nga muna dito?" Sumimangot siya at napa-cross arm.
"John wag mo seryosohin ang sinabi ng pasaway na ito, practice lang makaka-bullseye ka rin okay?" Pinunasan ni John ang mga luha n'ya at ngumiti nang kay tamis, gumaan naman loob ko at napatahan ko agad sya.
"At ikaw!" Nilisikan ko nang tingin si Micko bahagya naman s'ya natakot hinatak ko ang hood niya kaya nagpahila na rin siya harsh na kung harsh ganito kasi ang way ko sa pag di-discipline ng mga pasaway. Pumasok na kami sa campus building pinaharap ko sya sakin huminga muna ako ng malalim.
"Anong tinawag mo sakin nung nasa mini park tayo?" Seryoso na tanong ko sabay hawak sa magkabilang braso n'ya, nagkasalubong na naman ang kilay niya na para bang naiirita psh ang sungit.
"Hindi naman tayo nag-usap doon huh?" Lumuwag ang kapit ko sa braso nya.
"Huh?"
"Dapat ko pa ba ulitin? kung pwedi i-alis mo 'yang kamay mo Ms. Orange." Walang gana na sambit niya bumagsak na nga ang kamay ko. Tama, Ms. Orange ang palaging tawag nya sakin dahil sa kulay ng buhok ko at saka ang mga mata nya naging kulay grey na.
"Kung ganun sinapian ka..." mahina na usal ko habang dilat na dilat ang mga mata.
"Baliw, maka-alis na nga." Nilayasan na ako ng salbaheng batang ito.
°°°
- Hunter's Head Quarters -
Gulong-gulo pa rin ang isipan ko sinapian kaya si Micko eh? May ganun ba ka sweet na evil spirit? Hala? hinalikan niya kaya ako sa pisngi at malamig na boses niya parang narinig ko na dati.
"Ashure..."
Bumalik ako sa ulirat ko ng tamaan ng clip board ang paanan ko.
"Oww!" Impit ko sa sakit.
"Ikaw pala yan Nao." Napa-angat ako nang tingin sa taong naka laboratory coat na nakabanggaan ko, si Oliver lang pala.
"Wow! Sana nag sorry ka nalang." Tuwid muli ako tumayo at sinamaan sya ng tingin.
"Hindi mo ikakamatay yun."
"Pilosopo." Binalik nya ang tingin sa clipboard na hawak nya parang nag a-analyze sya sa data na nakasulat doon.
Isang hunter and s***h researcher si Oliver sa laboratory kung saan pinag-aaralan ang mga blood E na nadakip namin. Layunin nila makadevelop ng cure o serum panlaban sa lumolubo na bilang ng taong infected ng vampirism disease gaya ng condition ko.
"Is there any progress?" Mahinahon na tanong ko.
"None so far hindi qualified ang anti-bodies ng mga specimen blood E na nadakip natin most of them were third generation of infected, kaya mahirapan talaga mahanap ang unang taong na infect ng pure blood." Paliwanag ni Oliver sa'kin, sinubukan rin ni Loki kunan ako ng antibodies pero ang nagpawindang sakin may dalang lason rin pala ang dugo ko.
Kaya pahirapan kami sa paghahanap ng blood E na nabiktima ng pure blood hindi naman ganun ka hirap i-identify ang 1rst generation infected they can speak clearly and think straight compare to others.
"Magkakaroon ba ng assemble mamaya?" He asked.
"Ahh Oo may i-didiscuss si kuy-- i mean si Head Chief." Tumango naman siya bilang pag tugon "Mauna na ako." Sabi ko sabay hakbang patungo sa conference room.
"Nao."
"Mhh?"
"Are you free this sunday?" Huminto ako at nag-isip detention pa naman ako for one week.
"Yep. Why did you ask?" Tumalikod siya at naglakad ulit.
"Let's call it a date then."
Date? baka friendly date lang 'yan kaya ayos lang!
Dumiretso na ako sa conference room andito na ang ibang co-hunters ko nasa harap na rin yung apat na chief ng hunters sa first row ng seat.
"Hello!" Bati ko
"You're late!" Singhal ni tanda ang unang chief na si Sir. Romero.
"Sorry!" Umupo na ako at hinarap ang podium di nag tagal dumating na rin si Kuya na blanko ang mukha at parang wala talagang balak ngumiti.
"Greetings co-hunters." Bati nya sa lahat ng makaharap na nya ang mic.
"As for now the progress on developing cure was still vague to proceed the research, in other words we failed to capture first infected blood e." Some of them groaned in frustration dapat lang dahil may nagbuwis ng buhay sa previous operation namin may iba nga hinarap ang masaklap na part 'yung papatayin ang sariling kasamahan na na-infect ng blood E.
Pati ako ay napasandal sa upuan ko pati yung low hybrid vampire ay wala rin palang kwenta.
Why does this crisis occur? Loki and Chess mentioned about the pure blood vampire who spread this sort of disease hindi ko nga lang maalala pangalan ng pure blood na iyon. Nakaramdam ako ng antok kaya umidlip ako saglit.
"Bring his heart with you...in your death," the man's voice said bitterly..
°°°
"Ashure..." nagising ako sa marahan na pag-alog. Pag mulat ko tumambad sakin ang makisig na mukha ni kuya. Umayos ako ng upo at ginala ang tingin ko naloko na kami na lamang tao ang andito.
"S-sorry kuya nakatulog ako." Bumuntong hininga siya at umupo sa katabi kong seat.
"It's alright besides you don't have to listen to what we had discuss."
"Eh?! Kuya ano yung tinalakay niyo please!" I beg. Gumilid lang s'ya ng tingin at pumikit.
"Magsasagawa ang lahat ng malawakang hunting operation na approve na rin ito ni Tito Wilson lahat ng troops ay ipapa-destino sa labas ng safe area pati mga iilang hunter trainees isasabak na sa operation."
"Sama ako."
"No."
"Sama!"
"You're not allowed to take any missions Ashure remember?"
"Sama ako! Promise mag be-bahave na ako." Nagmulat siya at tinaliman ako nang tingin.
"Hindi na magbabago decision ko Ashure stay here otherwise tatanggalan kita ng hunters license." Sinalampak ko na lang likod ko sa upuan naman oh!? Wala talaga akong laban sa kaniya.
"Ayaw ko makuha ka nya ulit." He murmured.
"May sinasabi ka?"
"Wala." He stood up and left me alone.
By whom?
Bumalik na lang ako sa Academy na nakasalubong ang kilay tss! Chance ko na sana 'yun para gumala sa labas ng matatayog na pader.
"Aasahan ko ang cooperation mo Akiyama." Nahinto ako sa tapat ng principals office sumilip ako sa bahagyang nakabukas na pinto at doon nakita ko si Micko at principal na nag-uusap.
"Makakaasa po kayo." May halong pangamba na tugon ni Micko.
"Kung hindi lang kailangan ng karagdagang tauhan ang organization hindi na sana kita--"
Bago pa makatapos magsalita ang principal marahas ko binuksan ang pinto pareho silang nagulat sa pag sulpot ko.
"Isasama nyo sa mission si Micko?!" Gulat na gulat na tanong ko.
"Ms. Nao... buti andito ka na Oo ni request ni Mr. Wilson Hanston ang mga top students ng academy na sumama sa mission." Paliwanag ng principal sakin, humalukipkip si Micko parang napikon sa pagdating ko.
"But he...he is just a KID!" I blurted out kahit na maiikumpara na ang abilidad nya sa isang ganap na hunter hindi pa rin kakayanin ng isang ten years old na bata ang ganitong ka bigat na mission.
"I know Ms. Evans there's nothing we can do in this matter ang president na mismo ang nag-utos nito."
"Wag ka nga umepal Ms. Orange sabihin mo na lang kasi ayaw mo malamangan kita." Lumapit si Micko sakin at tumingala.
Sumagi naman sa alaala ko yung sandaling na rescue ko sya sa isang kubo sa gitna ng kagubatan dalawang taon ang nakakaraan duguan at tuliro siya ng panahom na iyon gamit ang isang kitchen knife pinaslang nya sariling pamilya bago pa man ito maging ganap na blood E ayaw ko na ulit makita siyang ganun.
Oo nga't pasaway at masungit ang batang ito pero napalapit na sya sakin, napitlag ako ng hawakan nya kaliwang kamay ko at matipid sya ngumiti sakin.
"Matapang na ako hindi kagaya dati." Malambing na saad niya. Lumuhod ako at sinunggaban siya ng yakap.
"Ang sabihin mo yumabang ka lalo." Maluha-luha na saad ko.
Ngunit para sa ikakabuti nya palihim akong sasama dahil alam kong hindi kakayanin ng paslit na ito ang tunay na kaganapan sa labas ng safe area.
°°°
Kinagabihan nag handa na ang lahat ng kasapi ng Hunters sa malawakang operation dadayo sila sa malalayong lugar kung saan maghahanap kami ng possible victims na may dalang antibodies even some medical and research teams volunteered themselves to become a part of this mission.
"Bye kuya ingat ka huh?" Acting ko sana bumenta inayos nya ang combat suit niya at malamig ako dinapuan ng tingin.
"Umayos ka dito."
"Roger!" Nag salute pa ako.
"Loki bantayan mo siya." Kakalabas lang ni Loki sa kusina bitbit ang mainit na bowl ng favorite spicy curry ko.
"Sure!"
Nang makalabas si kuya kumaripas na ako ng akyat sa taas.
"Nao! Handa na ang hapunan!" Sigaw ni Loki mula sa ibaba.
"Mag sho-shower lang ako!" Palusot ko at dumeritso na sa room ko ewan ko ba? Rule breaker talaga akong klaseng tao mas susundin ko gusto ko kesa sa utos ng iba.
Sumuong ako sa ilalim ng kama ko at kinuha ang spare revolver guns ko kasama ang isang rifle gun na confiscate kasi yung dalawanag baby pistol ko sorry sila kasi wise ako.
Sinabit ko sa balikat ang rifle after i wore my grey shirt underneath my bulletproof vest pair it with army short at boots pinusod ko rin ang buhok ko sinilid ko sa shoulder bag ang mga bala.
"Ms. Nao! Kakain na po!" Binilisan ko ang kilos ko nalaglag pa nga yung mga bala, nang kumatok na si Maria sa pinto ko doon na ako tumalon sa bintana ang sama nga ng pagbagsak ko nauna yung ulo ko sa damuhan.
"Ms. Nao! Nasa cr po ba kaayo?"
Hayst! Binilisan ko ang pagtayo at dumiretso na palabas ng bahay, what a relief nakatakas rin.
Bandang 10 pm nakarating na ako sa head quarters nagkukumahog pa rin ang mga tao sa loob at labas. May mga truck na rin karga ang mga weapons, ammos, at necessities ng sasama sa mission. Nakakabanas lang eh si tanda yung may hawak sa team ko ang daya nito! Nakahanap rin ako ng army truck na pagtataguan pag nasa location na kami wala na silang magagawa kundi isali ako sa operation nagtago ako sa likod at tinakpan ko sarili ko ng itim na tela.
"Sayang hindi makakasama si Nao." Boses ni Kate ang paparating pag minamalas truck pala nila Oliver ito!
"Hindi ko rin alam ang rason eh? Mabuti na rin 'yun ng mabawasan tayo ng sakit sa ulo." Tugon ni Oliver aba't hindi talaga kita sisiputin sa date natin, Oliver! Sa team ni tanda sasama si Micko mabuti na lang dito ako sumakay.
°°°
Eh?! Naka-idlip pala ako bahagya ko hinawi ang tela na nakatakip sakin at bumulaga sa mga mata ko ang kalangitan na maraming mga bitwuin bumabyahe na rin yung sinasakyan namin.
"Oliver I'm thirsty na nasa likod ba yung tubig?" Si Kate patay saan na ako magtatago nito? Imbis mataranta ng husto nagtago muli ako.
"Yep!" Pumunta nga sa likod ng army jeep si Kate.
Hik! Oh my gosh! Nahawakan nya ang binti ko! Napatakip ako sa bibig para mapigilan mapasinghap.
"Wait..." kinapa nya ako sa loob at mahigpit kinapitan ang binti ko.
"Parang balat to huh?" Wala na talaga inalis na ni Kate ang mantle.
"Waaaah! Gosh what are you doing here?!" Bulalas ni Kate hinila ko siya pahiga at tinakpan ang bibig nya ang ingay talaga.
"Found you Nao alam kong kanina ka pa dyan." Sabi ni Oliver habang nagmamaneho.
"How the heck you know?"
"Ang lakas kaya ng hilik mo."
"Pfft ahahaha!" Tawa ni Kate napatampal ako sa noo pambihira nabuko tuloy ako.
"You aren't good at hiding talaga!" Maarte na sabi ni Kate. "But good thing sumama ka,"
"Psh! May sinama kasi silang estudyante ko ayaw ko mapahamak 'yun."
"Mhh it's Micko Akiyama right? his on other truck with head chief."
"Bahala nga kaayo basta! Pag nagkagulo na, sali ako." Masigla na sabi ko.
"Ah nga pala saan ang location?"
"Naghiwalay-hiwalay ang apat na team, sa Raven City tayo patungo." Sagot ni Kate.
Raven City? All of the sudden i felt chill and nervous, feeling ko nakapunta na ako doon?
°°°
Natulog muli ako mahabang-habang byahe tinahak namin may iilang blood E at hybrids kaming nakasalubong sa byahe pero hindi sila ang hinahanap namin.
As the sun rises tumirik kami sa harap ng abandoned coliseum halos lahat ng trucks ay tumirik na lang bigla at umusok nagsibabaan ang lahat nakatalukbong ako ng tela syempre ang lapit lang kaya ni kuya.
"Anong problema?" Tanong ni kuya kay Chief tanda ang weird yung army jeep lang ni kuya ang umaandar, gumaan naman loob ko nang makita ko si Micko na nakasimangot the usual expression niya.
'Di naglaon umalis din si kuya hihingi ng tulong sa ibang malapit na kasamahan kasama si Oliver may kailangan din daw siyang equipments sa kabilang team kaya dito na lang muna sila naglatag ng temporary camp.
'Yung iba naghahanda na ng agahan ang iba naman nag pa-patrol sa area kung may umaaligid bang halimaw.
"Hoy! Kayo dyan wag kaayo tumunganga at sumama kayo sa pag patrol." Psh! Control freak talaga itong si tanda! Sinulyapan ko si Micko mabusisi nya pinag-aralan ang hawak na hand gun alam kong sanay na syang gumamit ng baril kaya panatag na ako.
Habang nag-aantay ng pagkain na ihahatid ni Kate sa truck namin napag-isipan ko pumasok sa coliseum syempre dala ang mga weapons ko. Pagkapasok ko humarang agad sa daan ko ang debris at sirang wirings ebidensya na nakaranas rin ng kaguluhan ang lugar na ito.
Ang saklap halos kalahati ng mundo hawak na ng mga Bampira.
Hanggang nga sa dinala ako ng mga paa ko sa pinaka-loob kung iisipin para itong dinaanan ng super typhoon tumubo na rin nga ang d**o sa loob dahil na rin seguro na pabayaan na ito ng matagal na panahon.
I stiffened the moment all my senses detect danger getting nearer from my place, binunot ko na ang dalawang revolver ko i turned around while pointing my guns. Ang tanging naririnig ko lang sa sandaling ito ay ang malakas na kalabog ng puso syempre sinong hindi kakabahan kung nagtatago ang kalaban? Hindi ko matutukoy kung kailan susugod yun.
Nang ma check na wala naman pala sa paligid ang halimaw, nakahinga na ako ng maluwag at binaba ang mga baril ko maybe i'm just being paranoid.
"Eh?" Natigilan muli ako ng may tumulo sa ulo ko kinapa ko ang liquido na iyon.
Sticky and stinky! Dahan-dahan ako tumingala halos kumawala ang kaluluwa ko sa nakita kong nilalang sa ceiling nakatiwarik ito na animo'y isang paniki. A giant humanoid bat is drooling and freaking glare down to me.
"High level hybrid." nang e usal ko iyon nag free fall siya patungo sa direksyon ko i rolled over to dodge that attack.
Matindi ang ginawa niyang impact sa sahig kaya nagsitalsikan ang mga semento at gumawa ito ng ingay napa-ubo ako sa kapal ng alikabok.
The heck my guns! I dropped those somewhere, makapal ang pumapalibot na alikabok kaya kinapa ko ang lapag, umaasa na mahagilap ang isa sa mga baril ko, ang bobo ko talaga hindi ko man lang dinala yung rifle.
Nandilat na lang ako ng katapat ko na ang itim at mabalahibong paa ng hybrid vampire pag tingala ko nag growled ito ng malakas nag cover ako ng braso ko ng mag motioned syang ihampas ang kamay.
Pero laking gulat ko ng makarinig ako ng gun shoots pag silip ko sa halimaw tinatadtad na ito ng mga bala pag lingon ko sa likod bumungad sakin ang mga kasamahan ko.
"Nao!" Tawag ni Kate habang bumabaril rin nalipat ang tingin ko kay Micko na matapang na pinagbabaril ang halimaw.
Masakit sa tenga ko ang hiyaw ng hybrid kaya napatakip ako ng tenga.
"Aww!" Binato pa ako ng pistol ni Micko at binigyan ako ng don't-just-sat-there-look. I snorted and stood up nakisali na rin ako bumaril sa kanila.
I guess my bullets were no use halatang malapit na mamatay ang halimaw hanggang sa sumigaw ito at natumba na lamang nabalot ng usok ang coliseum dulot ng pagpapatok namin ng armas.
"Is that dead?" Tanong ng isa.
"Ngayon lang ako nakakita ng gan'yan ka laking hybrid." Sabi pa ng isa lakas loob ako humakbang palapit sa hybrid.
"Step back Ms. Evans I'm in charge here." Awat ni tanda nag timpi ako kahit ang sarap na sabunutan ng lalakeng yan!
Chineck nya ang hybrid nang gumalaw ito dahil nasa pulverize process na ang halimaw tumihaya si tanda i can't hold myself not to laugh pati kasamahan ko nag pipigil na rin ng tawa para kasi syang nakakita ng multo.
"Anong nakakatawa?!" Angal nya kaya natahimik kami.
"E report agad ito kay head chief." Tumayo sya na parang walang awkward moment na naganap.
"Yes sir."
"Tanda-- I mean Sir. Romero its better if we leave this area immediately." Awat ko sa kaniya sinamaan nya ako ng tingin na para bang isa akong kalaban.
"You heard me Ms. Evans i'm the in charge here better search for other hybrids baka may magawa ka pa," sumbat nya napakuyom ako ng kamao hindi nya ba alam ang sigaw ng halimaw na iyon ay signal para sa mga kasamahan nito?
Hindi na ako naka-alma. Ang iba sinunod ang utos nya, bigla naman sumakit ang ulo ko ng makaramdam ng malakas na presensya. Oo, may advantage ang enhance sense ko bilang bampira pero minsan nakakairita na pag may nagmamanipula nito.
"Argh." I knelt down nakakairita talaga ang matinis na tunog na ito.
"Hoy! Ms. Orange ayos ka lang?" Nilapitan ako ni Micko.
Di naglaon nakakita ako ng isang vision kung saan isang dosenang high level hybrid ang patungo sa'amin sa bilang nila kumpara samin tiyak na mahihirapan kami nito or worst hindi kami makakalabas ng buhay sa coliseum.
"Run.." bulong ko.
"Huh?" Pagtataka ni Micko.
"I said run!" Tumayo na ako at kinaladkad sya subalit natigil kami ng magbagsakan ang mga kesame sa daan namin and it's blocking our way out.
Mitsa rin ito na dumating na ang matitinding kalaban.
•••
To be continued...