"Bakit ba kailangang mag-training ako palagi, Papa?" tanong ng dalagitang si Calynn sa ama.
Hindi kasi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang mag-ensayo palagi. Simula nang magkaisip siya ay walang araw na hindi siya pinapaensayo ng ama. Lalo na kapag nasa bahay ito kasama ng kaniyang mama ay salitan ang mga ito upang mag-train sila ng self-defense.
"Ilang beses ba naming sasabihin sa iyo na para sa iyo iyan. For you to know how to defend yourself," sagot ng kaniyang ina na may bitbit ng tray ng meryenda.
"Kailangan ko pa po ba iyon? Nariyan naman po kayo," sagot niya sa ina.
Ginulo ng kaniyang ama ang kaniyang buhok bago siya nito niyakap. Her parents were both serving the military government. Brigadier General ang kaniyang ama samantalang Major naman ang ranko ng kaniyang ina. Sa murang edad ay hindi pa niya gaanong maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin iyon gayong matataas naman ang posisyon ng kaniyang mga magulang at kayang-kaya siyang proteksiyonan ng mga ito.
They even taught her how to use different guns. Wala namang problema sa kaniya iyon dahil nag-e-enjoy naman siya ngunit iyon nga lang ay kakaiba ang ginagawa niya sa katulad niyang nagdadalaga.
Naupo sa kaniyang tabi ang ina. "One day, you will understand why we're doing this. At tsaka hindi sa lahat ng oras ay naririto kami para sa iyo. You know how dangerous our job is. It's for your protection para kung may mangyari man ay alam mo ang gagawin to save yourself. Besides, ayaw mo bang maging kagaya ko?"
"Oo nga naman, 'Nak. Look how dominant your mother is to me," singit ng kaniyang ina dahilan para makakuha ito ng mahinang hampas sa braso mula sa kaniyang ina. "That's what I am telling you," hirit pa nito na ikinatawa niya.
Linggo ngayon kung kaya't naririto ang kaniyang mga magulang. Kadalasan kasi ay wala ang mga ito at tanging ang mga katulong at ilang bodyguards lamang ang kasama niya. On-call kasi lagi ang trabaho ng kaniyang mga magulang ngunit hindi naman siya nagrereklamo sa mga ito. Nagtatampo, oo. Slight lang. Pero naiintindihan niya ito. Someday, she will be like them. Mas magaling pa. Mas hihigitan pa niya ang mga ito kaya naman kapag sinabi ng mga ito na mag-ensayo siya ay agad siyang tumatalima.
Masaya silang nagbibiruan at nagkukwentuhan nang makatanggap ang kaniyang ama ng tawag mula sa opisina. Kahit Linggo ay alam na niyang kailangan ng mga ito na umalis na pabalik sa trabaho.
"Take care of yourself. I love you," wika ng kaniyang ama sabay yakap at halik sa kaniya.
"Huwag mong kakalimutan ang mga bilin namin," paalala naman ng kaniyang ina na ikinatango niya. "I love you, Baby. Mag-iingat ka palagi."
"Yes po, Mama, Papa. Mag-iingat din po kayo sa work," wika niya sa mga ito bago kumaway.
Nakangiting tinanaw ni Calynn sng papaalis na sasakyan ng kaniyang mga magulang. Hindi muna siya umalis sa harapan ng kanilang bahay hanggang sa nawala ang sasakyan sa kaniyang paningin.
Wala pang isang oras ang nakakalipas nang dumating ang kaniyang Uncle Ramon na parang binagsakan ang mundo. Nag-iisang kapatid ito ng kaniyang ama at mayroon na ring asawa at anak.
"Calynn?" mahinang tawag nito sa kaniya. May kung ano sa mga mata nito na hindi niya mawari hanggang sa tuluyan na itong napahagulhol sa harapan niya.
"Bakit po, Tito?" nagtatakang tanong niya rito.
"Ang mama at papa mo... wala na sila...wala na," mahinang wika nito na halos mamaos na ang tinig.
Biglang tumigil ang kaniyang mundo sa sinabi nito at hindi na niya namalayan pa ang pagpatak ng kaniyang mga luha habang inaalala ang huling sandaling nakasama niya ang mga ito. This was the worst day of her life. Ito ang araw na kinatatakutan niya, ang mawala ang dalawang taong pinakamamahal at pinakamahalaga sa kaniya. Walang patid ang pagluha niya katabi ang kapatid ng kaniyang ama. Parehong bagsak ang kanilang mundo dahil sa nangyari.
Her parents funeral went by so fast. Dalawang linggo ang naging lamay sa mga ito ngunit parang kahapon lamang ang pakiramdam niya. She didn't want to.let them go pero kailangan. Wala rin siyang magagawa kundi tanggapin na wala na sa kaniyang tabi ang mga ito. Sino ang gagabay sa kaniya sa paglaki niya? She was only fourteen years old.
Sa buong durasyong iyon ay nasa tabi niya ang kaniyang Uncle Ramon kasama ang pamilya nito at ilan pang kamag-anak. Ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin sapat ang presensiya ng mga ito kunpara sa presensiyang hatid ng kaniyang mga magulang.
"Hija, it's time to say goodbye," wika ng kaniyang Uncle Ramon.
Labis-labis ang pagdadalamhating nararamdaman niya habang nakatanaw sa mga kabaong ng kaniyang mga magulang habang ibinababa ito sa huling hantungan. Hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng kaniyang mga luha na animo'y ilog na. Everyone sympathized with her loss. Hanggang sa tuluyan nang natapos iyon ngunit naroon pa rin siya sa harap ng mga puntod kasama ang kaniyang tiyuhin.
"Let's go, Calynn," untag nito sa kaniya.
"Can I just stay here for a while, Tito? Magpapasama na lang ako kay Manang Eba at Manong Pilo," wika niya sa tiyuhin.
"Okay, pero huwag kang magtatagal. Hindi natin alam kung sino ang nasa paligid," sagot nito sa kaniya. "Mag-iiwan na rin ako ng mga pulis na magbabantay sa inyo."
"Thank you po," sagot niya at muling itinuon ang mga mata sa puntod ng mga magulang.
Matagal ang pagtitig niya roon habang panay ang patak ng kaniyang mga luha. She was lost. Hindi niya alam kung papaano niya ipagpapatuloy ang buhay nang wala ang mga ito. It was so sudden. Masaya lang sila noong araw na iyon but then wala na. Sa isang iglap ay wala na ang mga ito. Kaya oala ganoon nalamang ang pagbibilin ng mga ito sa kaniya. Alam ba ng mga ito na may banta sa buhay nila at inilihim lamang sa kaniya? She cried. She weeped her heart out dahil sa pagkawala ng mga ito. Ang hirap-hirap magpatuloy pero kakayanin niya. May pangarap pa siyang kailangan abutin. May pangarap pa ang kaniyang mga magulang para sa kaniya at hindi niya bibiguin ang mga ito.
After saying her final goodbyes to them, she headed home, their home which will not be the same. It will never be the same without them.
Matuling lumipas ang mga araw. Ang kaniyang Uncle Ramon at ang pamilya nito ang naging kasa-kasama niya. Ito lang kasi ang tanging pamilya niyang natira. Her mother was the only child at wala na rin ang mga magulang nito maging ang mga magulang ng kaniyang ama kaya no choice siya kundi ang mamalagi sa pangangalaga ng kaniyang tiyuhin.
Ang masayang simula niya sa mga ito ay unti-unting nagbago. Mahilig ito sa gusal maging ang asawa nito dahilan para unti-unting maisanla ang mga ari-ariang naiwan ng kaniyang mga magulang. Nalubog na rin ang mga ito sa utang dahilan para maisanla na rin ng mga ito ang bahay nila at wala pang isang taon ang nakakalipas mula nang mamamatay ang kaniyang mga magulang.
"Tito, saan ako pupunta?" hindi malamang tanong niya sa kaniyang tiyuhin. Ngayong araw kasi ay pinapaalis na sila ng bangkong pinagkautangan nito.
"Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta, Calynn. Ang mabuti pa ay humingi ka na lamang ng tulong sa ibang kamag-anak ng mama mo," wika nito sa kaniya at basta na lamang siyang iniwan sa labas ng kanilang tahanan.
Doon ay hinayaan niya ang sariling umiyak dahil sa sinapit. Hindi rin matanggap ng kaniyang kalooban na nawala ang lahat ng pinaghirapan ng kaniyanh mga magulang dahil sa kawalang-hiyaan ng kaniyang tiyuhin. Maging ang bahay nila na puno ng alaala ng mga magulang ay nawala rin. Ngayon saan siya pupulutin?
"Calynn?" tawag ng isang tinig. Umangat ang kaniyang tingin at tumabad sa kaniya si Manang Eba. "Baka gusto mong sa bahay ka na muna tumuloy."
Dahil sa sinabi nito ay bigla siyang napatayo at mahigpit na niyakap ang matanda. Dinala siya nito sa bahay nito kung saan kasama nito ang tatlong mga anak. Wala na itong asawa dahil maaga itong namatay. Naging mabuti ang pagtrato sa kaniya ng mga ito kahit na hikahos at salat sa pamumuhay. Dahil doon ay nagpursige siyang matuto ng mga gawaing bahay upang may maitulong sa mga ito. Natigil na rin siya sa pag-aaral habang nagsisimulang mag-ipon upang may maipantustos doon.
Habang nasa pangangalaga ni Manang Eba ay nagpatulong na rin siya sa paghahanap nang mapapasukan. Hindi man nais ng matanda na magtrabaho siya ay wala na rin itong nagawa dahil sobrang hirap din ito sa buhah. Sa simula ay isinasama siya nito sa paglilinis, paglalaba sa iba't ibang bahay upang maging pamilyar siya sa mga at makilala hanggang sa bumubukod na siya lalo na kapag may trabaho rin ang matanda. Ang kaniyang sweldo ay hinahati niya. Ibinibigay niya kay Manang Eba ang kalahati at ang kalahati naman ay iniipon niya para sa pag-aaral. Sa edad na kinse ay ramdam na ramdam na niya ang hirap ng buhay ngunit hindi siya sumuko.
"Calynn, darating iyong anak ng isa kong amo at kailangan niya ng tagalinis at tagalaba. Gusto mo bang pumunta?" tanong sa kaniya ni Manang Eba.
"Sige po, Manang. Wala pong problema sa akin iyon," sagot niya rito.
"Pero sa ibang bayan iyon, Anak. Kaya mo ba? Mag-isa ka lang doon," nag-aalalang wika nito sa kaniya.
"Huwag ho kayong mag-alala, Manang. Kayang-kaya ko po ang sarili ko. Tinuruan naman ho ako ng mga magulang ko kung papaano proteksiyonan ang sarili," sagot niya sa pag-aalala nito.
"Oh, sige. Ihanda mo na ang gamit mo at sasabihin ko na pumayag ka para masundo ka rito. Pero, Ineng mag-iingat ka roon ha?"
Napangiti siya sa pag-aalala nito sa kaniya. Pabuti pa ito na kahit hindi niya kadugo ay nagagawa siyang alagaan. Hindi man nito maibigay ang dating buhay niya ngunit ipinagpapasalamat niya na napadpad siya sa poder nito.
"Salamat, Manang Eba. Malaki ang utang na loob ko sa iyo," wika niya at niyakap ito.
Kagaya nga nang sinabi nito ay kay sumundo sa kaniya at dinala sa bahay ng magiging amo niya. Stay-in ang kailangan kaya naman pinatos na niya lalo at malaki ang pasahod. Dagdag ipon din iyon at panggastos nila ni Manang Eba.
Sa unang tatlong araw ay wala siyang ginawa kundi ang maglinis ng buong kabahayan. Wala pa ang amo niya at mamayang gabi pa ang dating. Sa ika-apat na araw niya ay dumating na ang kaniyang amo at nagulat siya dahil lalaki ito. Buong akala niya sa babae ang anak ng amo ni Manang Eba. Wala namang naging problema sa kaniya dahil mabait naman ito at kadalasang nasa loob lamang ng kwarto nito. Sa buong isang linggo ay matiwasay naman ang kaniyang pagtatrabaho. Nang makuha niya ang kaniyang lingguhang sahod ay agad niyang ipinadala ang kalahati kay Manang Eba at itinago ang kalahati.
"Calynn, pakidalhan ng ako ng pagkain sa kwarto. Iwan mo na lang doon," sigaw sa kaniya ng among lalaki.
Agad naman niyang hinanda ang pagkain nito at agad na dinala sa kwarto nito. Lalabas na sana siya nang mabunggo siya nito dahilan para mawalan siya ng balanse.
"Sorry! Sorry!" hinging paumanhin nito at tinulingan siyang tumayo. "May masakit ba sa iyo?"
"Okay lang ho ako, Sir," sagot niya.
"No! Let me check if okay ka lang," giit nito sa kaniya at hinila siya paupo sa kama.
The next thing she knew, he was now pinning her on the bed and kissing her. Kakaiba na ang kislap ng mga nitong nakatingin sa kaniya.
"Matagal na akong nanggigil sa iyo. Pagbigyan mo na ako at ibibigay ko sa iyo ang lahat ng gusto mo," saad nito habang patuloy ang paghalik nito sa kaniya.
Pilit siyang kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak at pagdagan nito sa kaniya. Nang lumuwag ang pagkakahawak nito ay mabilis niyang tinuhod ang lalaki at inundayan ng suntok hanggang sa makatakas siya rito. Mabilis ang pagkilos. Tinakbo niya ang kaniyang bag sa kwarto at lumabas ng bahay na iyon. Wala na siyang balak pangbumalik.
Habang naglalakad sa kalye dis-oras ng gabi ay hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng mga luha dahil sa sinapit. Everything from the loss of her parents, ang ginawa ng kaniyang tiyuhin, ang paghihirap sa buhay lahat ng mga iyon ay unti-unting bumabalik sa kaniya. Wala sa sariling napaupo na pamang siya sa gilid ng kalsada at walang patid na humagulhol.
Paano na siya ngayon? Ano na ang mangyayari sa buhay niya? Ano na lamamng ang mukhang ihaharap niya kay Manang Eba pagkatapos ng nangyari? Ano ang gagawin niya ngayon?