"So, totoo ang tsimis na pokpok ka?" talagang lumapit pa si Samantha para sabihin sa akin ang mga salitang iyon akala niya siguro masasaktan ako sa mga pasaring niya. Well infact, immune na ako sa mga ganoong salita. Lahat na siguro ng mga synonymous words na pwede mong isama doon narinig ko na. Di na ako naaapektohan.
"Did you hear something, May?" tanong ko kay May ng minutong iyon pero nakatingin siya kay Samantha na nasa gilid ko lang.
"Oh, there you are. How can i help you, b***h?" kumunot ang noo niya at tinaasan niya ako ng kilay.
"What did you say?" she exclaimed.
"b***h. You want me to spell out? S-a-m-a-n-t-h-a, bitch." ngiting sagot ko sa kaniya.
She was about to hit me pero mabilis kong nahawak ang kamay niya.
"Hindi ibig sabihin na nananahimik ako ay di na ako lalaban. Girl, hindi mo pa ako kilala." sabi ko sabay taas ng kilay ko ng minutong iyon.
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot sa mga binitawan kong salita at ramdam ko rin iyon nang nahawakan ko nga ang wrist niya. Saka niya hinila ang kamay niya at tumalikod na sa aking harapan at bumalik sa kaniyang kinauupuan. Saka ako muling umupo sa aking pwesto.
As usual, iba na naman ang tingin sa akin ng kaklase ko sa ginawa ko kay Samantha. Mukhang kailangan ko na namang magbalot balot na ah? Parang mapapaaga ang paglipat ko ng eskwelahan.
Pero ewan ko dito kay May at tuwang tuwa siya kapag lumalabas ang pagkamaldita mode ko. Nagpalakpak pa ba naman si Gaga.
Mabilis na lumipas ang araw at natapos na ang isang linggo namin sa klase. Palabas na ako ng room ng tinawag ako ni Jolo pero di ko siya pinansin at nagpatuloy kami sa paglalakad ni May nang hinigit ni Jolo ang kamay ko at marahas akong pinaharap nito sa kaniya laking gulat ko ng may tumulak sa kaniya na isang lalaki at bigla siyang sinapak nito.
"Subukan mo pang galawin ang kapatid ko, hindi lanh iyan ang maaaring mangyari sa iyo." banta pa niya kay Jolo na nasa lapag ng sahig at saka niya dinuraan pa ito sa mukha at hinila ang kamay ni Mary May?
"Kuya wait, si Amanda naiwan natin!" singal pa niya sa kaniyang kapatid saka ako binalikan ni May at hinila ang kamay ko.
"So, ikaw pala si Amanda? Palagi kang kinukwento sa akin ni May. Pauwi ka na ba, gusto mo sumabay ka nalang sa amin?"
Kilala niyo ba si James Reid? Ganoon ang nararamdaman kong awra sa katauhan ni Manolo. Ang Kuya ni May. Matangkad. Maputi. Matangos ang ilong. Mahaba ang pilik-mata. May dimple sa kaliwang pisngi at maumbok ang baba niya.
Napalunok ako ng minutong iyon ng pagmasdan ko iyon. Nararamdaman kong malaki ang kargada niya.
"Amanda, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni May sa akin. Doon lang ako nagising ng niyugyog ni Amanda ang katawan ko.
"Uhm, actually may service ako. Nasa parking lang iyong driver namin he's waiting for me. Thanks for asking." sabi ko saka na ako nagpaalam kay May ng minutong iyon at tumalikod. Doon palang ako nakahinga ng maayos.
Girl, ikalma mo ang pepe mo. Kapatid iyan ng kaibigan mo. Huwag mong patusin, please! Baka masira pa ang nag-iisang kaibigan mo sa school.
…
"Hindi ko inaakala na may hot ka palang kapatid, May." pagkatapos kong mag-dinner ay tinawagan ko si May habang nakababad sa bathtub na puno ng pink roses at scented floral esssense na candles sa paligid at red wine on the side.
"Si Kuya Hot? Uy, ikaw ah? Type mo ang kuya ko?" she started to tease me sa Kuya niya.
"Well, he's cute and kinda attractive. Katulad mo,"
"What? Ako maganda? That's impossible."
"Gaga, kaunting ayos lang at contact lens gaganda ka na. Kulang ka lang sa vitamin c."
"Grabe, palagi akong umiinom ng vitamin c."
"Vitamin confidence." sabi ko sabay tawa.
"This is the first time na narinig kitang tumawa at nagbiro. Salamat, Amanda at naging friends tayo." she started to get emo kaya nilighten up ko ang vibe.
"May gagawin ka bukas? Can i come over to your place, so i can transform you, into young cute lady?"
"Sure! It would be my pleasure."
"Okay, see you then."sabi ko saka ko na tinapos ang pag-uusap namin at nagsip ng red wine ng minutong iyon.
Nang minutong din na iyon ay kumatok si Mama at sinabi ko na hindi nakalock ang pintuan at pumasok na siya. Kinamusta lang naman niya ang unang linggo ko sa bagong eskwelahan ko. Sabi ko, okay naman. Wala paring nagbabago. People used call me b***h parin naman and that's okay. Pero sa tuwing naririnig ni Mama iyong alam ko na nasasaktan siya. Kaya nga minsan mas gusto kong di nalang sabihin sa kaniya kasi ayaw kong nakikita siyang malungkot.
Sabi niya baka raw gusto kong lumipat ulit. Sabi ko ayaw ko, ngayon pa na may bago na akong kaibigan. Natutuwa naman raw siya na mayroong na akong bagong kaibigan. Sabi ko rin sa kaniya na pupunta nga ako sa kanila bukas para magbonding kami at aayusan ko rin siya.
Isama ko raw si Robert sa pag-alis ko bukas. Pumayag naman ako, okay naman si Robert kaso medyo mainipin si gago. Bahala siya mag-antay bukas.
Kinamusta ko naman si Papa, sabi ni Mama nasa Venice raw si Papa may meeting. Ngumisi ako at sinabi na sinong babae na naman ang kameeting niya. Di sumagot si Mama, tumahimik lang siya.
"Ma, alam kong sanay ka na pero di mo deserve to be treated this way. Hindi na magbabago si Papa, okay? It's time to make you happy. Get laid." saka siya tumawa ng malakas at nagtawanan na kaming dalawa ng oras na iyon habang umiinom ng red wine.