Chapter 5

886 Words
"Ikaw, umamin ka nga may gusto ka ba sa Kuya Manolo ko?" nakagat ko ang dila ko ng minutong iyon habang inaayusan ko ng buhok si May sa loob ng Vanity Room niya. "Aray!" sabi ko habang iniinda ang sakit ng pagkakagat ko sa dila ko. "See? May gusto ka nga sa Kuya ko, Amanda!" pagninindigan pa niya. Nang unti unti nang mawala ang hapdi sa dila ko ay nakapagsagot na ako sa kaniya. "Kasi naman, ang sarap sarap ng Kuya Manolo mo." hindi na ako nahiyang sabihin sa kaniya ito, kaibigan ko naman siya e. Kaso, imbis na ako ang mahiya siya itong nahiya para sa akin at nakakatawa ang reaksyon niya, ang over sa acting! "Uy, mahiya ka naman! Kuya ko ang pinag-uusapan dito. Nakakadiri ka!" hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya kasi alam kong di naman niya ginusto na iyon ang lumabas sa bibig niya at alam kong di naman niya minimean na sabihin iyon sa akin. Kaagad naman siyang humingi ng patawad sa mga nasabi niya. Sabi ko naman, okay lang di naman ako nasaktan at totoo naman na malandi ako at nakakadiri ako kasi kung sino-sino ang mga lalaking kinakalantari ko. "Hwag mo namang sabihin iyan, nakakahiya. Nakakaguilty ka naman e." para siyang batang malapit ng umiyak. "Sasampalin kita kapag umiyak ka, sayang ang make up ko sa iyo." banta ko sa kaniya nh minutong iyon at niyakap niya ako ng mahigpit. Nang matapos ko na ang make-over ko sa kaniya ay lumabas na kami para ipakita kay Manolo kung pasok ba sa panlasa niya ang ginawa kong transformation sa nakakabatang kapatid niya. Nakita namin siya na nakaupo sa may garden habang nagbabasa ng libro at may cookies at hot coffee sa table. Nang mapansin niya na palapit kami ay napatayo siya at napansin ko rin na kumunot ang noo niya ng makita niya ang young lady na kasama ko ng minutong iyon. "Bunso? Ikaw na ba iyan?" halatang di siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Kaunting renovation lang ang ginawa ko kay May, inayos ko lang ang buhok niya at binawasan nang kaunti ang makapal niyang kilay, pinag-suot ko rin siya ng contact lens para di na siya magsuot ng mabigat na eye glass niya. Simpleng make up lang ang ginawa ko kaunting blush on at liptint at pinag-suot ko rin siya ng peach na blazer at white tshirt inside at peach na short din para compliment sa top niya at white rubber shoes at white pearl earrings at small wrist watch. Halos mahulog ang panga ni Manolo ng makita niya ang kinalabasan ng ginawa ko sa kapatid niya. "Wow!" he exclaimed. "Kuya, nahihiya tuloy ako. Maganda po ba?" kinikilig na tanong ni May sa Kuya niya. "Oh, yes! Bunso! Mas lalo ka pang gumanda! Kinakabahan na tuloy ako baka may mga lalaki ng umaligid dito sa bahay." sabi ni Manolo saka siya mahinang hinampas sa braso ni May. Nagpaalam lang saglit si May at papasok lang raw ito sa loob para kumuha ng kakainin namin kaya naiwan kaming dalawa ni Manolo sa garden area nila. May ilang mga bulaklak at iba't ibang mga halaman ang naroon. Lumapit sa amin ang alagang siberian husky nila May na si Giant. Si Manolo raw nagpangalan nito rito. Hindi niya rin alam kung bakit Giant, siguro raw nakuha niya dahil paborito niya ang movie na Jack The Giant Slayer. Idol raw kasi niya si Nicholas Hoult. Lalo na noong nagbida ito bilang Beast sa Xmen series. Nakikinig lang ako sa kaniya habang nagkukwento siya. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Hanggang sa pinutol niya ang pagsasalita at sinabi na puro raw siya lang ang nagkukwento, ano naman raw ang kwento ko? "You really want to know my story?" i asked him. Then he nodded. I breathe heavily then, i started to talk about how the people in the school think of me. "I am brat." "I am slut." "And most especially, i am relationship wrecker. Kasi matitigan palang ako ng mga lalake sa school, nasisira na raw ang relasyon nila. Kasalanan ko bang hindi sila attractive? Kasalanan ko bang malibog ang napili nilang boyfriend?" Hindi ko namalayan na ang dami ko na palang nakwento. At ang tagal ni May, ano bang nangyari sa kaniya sa kusina? Kaya tinawagan ko siya at sinagot naman niya kaagad. Nagkaproblema raw iyong oven nila at nasunog iyong pizza kaya nagpa-order nalang raw siya. Saka napatingin sa akin si Manolo at napangiti nalang ako. "You know what, for me, you're amazing young lady. I can't believe na sa ganyang edad mo paano mo nahahandle ang mga ganoong pambubully sa iyo ng mga tao." "Simple lang, sinasakyan ko ang kagustuhan nila. Tinototoo ko ang mga tsimis nila. Nilalandi ko ang mga boyfriend nila para masira ang relasyon nila. Nakikipaglandian ako sa kung sino-sino, para matapos ang usapan." Natahimik si Manolo at umiwas ng tingin sa akin. Great job, Amanda. Ngayon ay pinandidirihan ka na ni Manolo. Tumayo siya at nagstrech ng katawan niya, pakiramdam ko tumaas ang dugo niya sa mga narinig niya mula sa akin. At napailing nalang ako. Kung talagang gusto ko siya, hindi ko na kailangan itago ang pagkatao ko sa kaniya, magugustuhan niya ako sa paraan na alam kong gawin. Hindi sa inuutos ng lipunang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD