Jade Tallia Valdez
6 years later
Kasalukuyan akong nag-uumagahan sa paborito kong restaurant nang may tumayo sa aking gilid."Ma'am. Good morning po. May nagbibigay po sa inyo."
Nakangiti ang isang delivery boy habang inaabot nito sa akin ang malaking bouquet ng pulang rosas.
"From whom?" Kunot noo kong tanong ko.
"Hindi ko po nagpakilala, Ma'am. Baka po boyfriend nyo." Nakangiting sabi nito sa akin. "Sige po, Ma'am. Enjoy your flowers po."
"Sino kayang halimaw ang laging nagpapadala ng bulaklak sakin?"
"Ouch! Halimaw ang tawag mo sa akin? Nakakasakit ka ng damdamin!" Nagulat ako at agad na napalingon.
"Apollo?" naglakad ito papunta sa bakanteng upuan.
"The one and only." Pinakita niya ang boyish smile niya na sigurong nakaka-magnet ng mga atensyon ng mga babae. Tumingin ako sa paligid. Tama ako, nakamagnet nga siya. Kitang kita ang inggit sa mga mata ng mga babaeng nasa loob ng restau. "Inggit sila no? Kasi may kasama kang gwapo."
"Kelan ka pa umuwi ng bansa? Ikaw ang nagpapadala sa akin ng flowers? Bakit?" sunud-sunod kong tanong.
"Easy, beautiful. We have all time in the world!" napakunot ang noo ko. Tss. Flirt. "Tanggalin mo nga yang kunot sa noo mo, mukha kang butiking di mautot." Tapos tumawa ito. Hobby na nya yun. Yung lait-laitin ako. Hindi ko nga alam kung nanliligaw sya o trip lang niya.
"Ano nga? Tinatanong ng maayos e."
"Oo. Ako nga. Papalag ka?"
"Oo. Papalag ako. Alam mo namang hindi pwede diba?" Saad ko. Pinipilit kong isaksak sa isip niya na hindi talaga pwede.
"Bakit? Dahil ba sa kanya?" Biglang sumeryoso ang mukha nito. Napayuko ako sa sinabi niya. Alam niya ang tungkol kay zander. Paano? Kasi pinsan siya ni Zander. Invited din siya nung kasal namin ni Zander at syempre pati na rin sa reception. Ito ang bestman ni Zander. At nakita nito lahat ng nangyari nung gabing iyon. Huli na kasi itong umuwi. At aksidente daw nitong nakita ang lahat.
"Oo. Alam mo naman kung bakit diba?"
"Mahal mo pa siya sa kabila ng ginawa niya sayo? Mahal mo parin siya kahit na iniwan ka niyang nakaluhod at umiiyak? Mahal mo pa rin siya kahit na halos magkasakit ka sa kakaisip kung asan siya habang siya nagpapakasasa sa mga babae niya sa ibang bansa?"
"Apollo. Stop." Mariin kong sabi.
Huminga ito ng malalim. "I'm sorry. Sumobra ako. Sorry."
"It's been years, Apollo. Ayaw ko ng marinig ang nakaraan." Napayuko ako at dahan-dahang hinalo ang aking kape.
"I know." Hinawakan nito ang aking pisngi. "You know what will cheer you up?"
"Ano?"
"Dog Cafes."
Natawa ako ng mahina. Talagang kilala niya ako. Humigop muna ako ng kape bago muling magsalita. "You're right. But not now, I have an important meeting."
"More important than me?" Tumaas-baba ang kilay nito.
Ibinaba ko ang aking hawak na mug. "Will I hurt your pride if I say 'yes'?"
"Well, yeah."
I gave him my sweetest smile. "Then, yes."
"Woman, you know how to drop a guy with just a snap." Saad nito.
I chuckled. "Lets meet after my meetings."
He mumbled 'yes' na para bang nanalo sa lotto. "Okay. I'll wait for you at the parking lot."
Tinaasan ko ito ng kilay. "Why not in my office?"
"Baka makita tayo ni Tita Xandra. She might get a wrong idea."
"She won't. I already told her that I'll file an annulment once her son come back." Malamig kong sabi habang patuloy na diretsong nakatingin sa mga mata ni Apollo.
Bigla na lamang tumamis ang mga ngiti nito. "That's good to hear."
"But I can't give you an answer, Apollo. I don't want to give false hope. You are a very dear friend."
"I'm fine just to see you smiling and all, babe." Inabot nito ang kamay ko at pinisil. "I'll be here, always."
I gave him a gentle smile. "Thank you."
Sabay kaming pumasok sa office at dumiretso na ako sa conference room para sa sales report. After this hectic schedule I could chill out again and sleep more.
And Apollo was true to his word, pagbalik ko nga sa aking office ay naroon na ito at nagbabasa ng magazines habang nakataas ang mahahabang binto nito sa center table.
Para namang hindi nito napansin ang pagdating ko at patuloy pa rin sa pagbabasa.
"Would you like to have a cup of coffee, sir?" Saad ko at sumandal sa hamba ng pintuan.
"No, thank you. When will your boss be back?" Hindi ito nakatingin sa akin at nilipat ang pahina ng libro.
"I don't know, sir. Maybe never."
"At last, I could take over the company and do whatever I want. Call Trisha to come over so we could have s*x on this table."
Tinaas ko ang aking paa at tinanggal ang sapatos para ibato sa kanya. Umikot ang mata ko nang masalo niya iyon ng walang kahirap-hirap.
"I was just kidding! I'm sorry!" Natatawang sabi nito.
"Give me back my shoes before I shove it on your throat." Naiirita kong sabi.
Tumayo na ito at binaba ang magazine sa sofa. "It's cute. I think I'll keep it."
Lumapit ako at nilagay ang dalawang kamay sa bewang. "Apollo, I'm going to get mad."
"Do that, babe. And you'll be more beautiful."
"Kapag 'di mo yan binalik sa akin, hindi na ko sasama sayo." Ma-awtoridad kong saad. "3.. 2.."
Sa gulat ko ay lumuhod ito sa aking harapan at dahan-dahan sinuot sa paa ko ang sapatos. Tumingala ito sa akin at ngumiti ng matamis. "There. That should be fine."
Gosh. My poor heart!
Nagising ako sa isang fairytale nang biglang tumunog ang phone na nasa aking bulsa. Nagmamadali akong kinuha iyon at tiningnan ang caller ID.
It's Mama Xandra.
Agad ko itong sinagot. "Hi, 'ma. Is there a problem?"
"Tallia? Asan ka na?" Tanong ni Mama. Nahalata ko sa boses nito na masayang-masaya siya.
"I'm at the office. I have a good news, 'ma. Our sales goes up this month and---"
"Go home, sweetheart, and we'll tale about it here. Also, I have a good news to you!"" Masayang sabi ni mama.
"Talaga po? Ano po iyon?" nakangiti kong sabi.
"Si Zander..." Nanigas ako sa pangalang binanggit ni mama. "He's back, Tallia. My Zander is back!"
Masayang-masayang sabi nito. Samantalang hindi ko mahanap ang boses ko para sa sagutin ang pasabog ni mama.
"Hey, what's the problem? You look stunned." Nag-aalalang bulong ni Apollo.
Ibinalik ko ang atensyon kay mama. "Mama, papunta na po kami."
"Osige. Mag-iingat ka." She hanged up.
"He's back." Nakatulala kong sabi. Narinig naman ito ni Apollo.
"What? Who's back?" Tanong nito sakin. Hinawakan niya ang balikat ko at medyo niyugyog para magising ako.
Tumingin ako sa kanya. "Zander."