Jade Tallia Valdez
Hawak-hawak ko ang kamay ng aking ina habang nakahiga ito sa hopistal bed at may kung ano-ano ang nakasaksak sa parte ng katawan nito.
"'Nay, kaya natin 'to." Bulong ko at hinalikan ang nanghihina nitong kamay.
Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata at tumingin sa akin. Halos madurog ang aking puso nang mapansin ang panghihina nito. "Tallia..."
"'Nay, sandali. Tatawag ako ng doktor."
"Anak, huwag na." Ang mga binigkas ni Nanay na salita na iyon ay parang may ibang ibig sabihin. "H-Hindi ko na kaya, anak."
Nanlabo ang aking mga mata at humikbi. "Hindi, nay. Kaya natin 'to. Please."
Huminga ito ng malalim. "Mahal na mahal kita, Tallia."
At ang mga salita na iyon ang siyang nagpalakas ng aking iyak. Si nanay nalang ang natitirang tao na magmamahal sa akin. Di ko kakayananin kung mawawala rin siya sa akin.
"Nanay, hindi ko kaya. Malulungkot ako."
"Patawarin mo ko, anak. Patawad." Pinisil nito ang aking kamay at tumulo rin ang masaganang luha sa kanyang mga mata.
Tumayo ako at niyakap ng mahigpit si Nanay. Binulong ko ang aking pasasalamat sa mga sakripisyo na ginawa niya para mabuhay ako at mapag-aral. Pinaramdam ko sa kanya, sa huling pagkakataon, na mahal na mahal ko siya. At pipilitin ko na magtagumpay para sa kanya.
Humikbi na lamang ako habang pinakikinggan ang tuloy-tuloy na pagtunog ng heart rate monitor. Nang madala na si Nanay sa morgue ay tumungo ako sa reception upang malaman ang bill namin sa ospital. Ngunit nabigla ako nang sabihin nila na wala na akong dapat pang alalahanin dahil bayad na lahat ng iyon.
Bigla na lamang may humawak sa balikat ko kaya mabilis akong lumingon.
Isang may edad na lalaki at babae ang bumungad sa akin. Malungkot ang ekspresyon sa mukha nito.
"Sino po kayo?" Tanong ko.
Nagkatinginan ang dalawa bago magsalita ang lalaki. "Hija, huwag kang matakot. Kami ang amo ng nanay mo bago niya matuklasan na may cancer na siya."
"Kami na rin ang sumagot sa ospital at mga gamot niya. Dahil umaasa kami na gagaling siya." Sagot ng babae. "Mabuting tao ang nanay mo. Marami siyang naitulong sa pamilya namin."
"W-Wala na po si N-Nanay..." Mahina at nanginginig kong sabi.
Biglang namula ang mata ng babae at bumuhos ang luha sa mga mata nito. Saka ko lang napansin ang dala-dala nitong basket ng iba't-ibang prutas. Ibinaba ng lalaki ang dala at niyakap ng mahigpit ang asawa.
"We're too late." Iyak ng babae. "Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya."
Hindi ko na rin napigilan ang luha sa akong mga mata. Ramdam na ramdam ko na mag-isa ako ngayon. Hindi ko pa rin alam kung makakaya ko bang tuparin ang pinangako ko kay nanay na pipilitin kong magtagumpay. Sapagkat ngayon palang ay hindi ko na alam kung paano ako magsisimula.
Hanggang sa mailibing namin si nanay at sinagot ng mayamang mag-asawa ang lahat. Hiyang-hiya na ako sa kanila ngunit kinapalan ko na lamang ang aking mukha dahil hindi ko na alam kung sino pa ang matatakbuhan ko.
"Mam, Sir!" Habol ko sa kanila bago pa ito makasakay sa magarang sasakyan dahil tapos na ang libing.
Huminto sila at lumingon sa akin.
"Ano iyon, Tallia?" Saad ni Ma'am Xandra.
"Ma'am, hayaan niyo po ako na pumalit sa posisyon ni nanay."
Kumunot ang noo ni Sir Alex. "Ano ang ibig mong sabihin, hija?"
"Gusto ko pong makapag-aral muli. Pero hindi ko po kasi alam kung saan ako pwedeng mamasukan. Alam ko pong marami na kayong naibigay sa akin, hiyang-hiya na rin po ako sa inyo." Lumunok ako. "Pero hindi ko po alam kung sino pa ang pwede kong--"
Hinawakan ni Ma'am Xandra ang aking pisngi at hinaplos iyon. "Pumapayag na ako na tumira ka sa amin, Tallia. Kami na ang sasagot sa pag-aaral mo."
"Mam, hindi ko maintindihan.." Lumuha ako. "Bakit kay buti niyo sa akin? Hindi niyo ako masyadong kilala. Paano kung magnanakaw pala ako? Hiyang-hiya na ako sa inyo."
"Dahil si Matilda ang nanay mo. Sapat na iyong proof para malaman namin na mabuti kang tao."
Niyakap ko si Mam Xandra. "Salamat po. Marami pong salamat."
At parang nakaramdam muli ako ng init ng pagmamahal ng isang ina.
Tinutulungan ako ni Mam Xandra na mag-ayos ng gamit habang si Sir Alex ay nasa labas lang at hinihintay kami. Pagkatapos niyon ay dinala nila ako sa kanilang magarang tahanan. Ngayon lamang ako nakakita ng sobrang taas na bakod at nakatuntong sa tatlong palapag na tahanan na parang palasyo ang laki.
Hindi nga nagbibiro ni Nanay nang sabihin nito ang bawat detalye ng nililinis nitong bahay araw-araw at kung gaano kabuti ang mga tao roon.
Pumasok kami at pinalibot ang aking paningin sa bawat magagandang painting na nakasabit sa dingding nito hanggang sa mapunta ang aking atensyon sa malaking family portrait na nakasabit sa dingding ng hagdanan.
Nakaupo si Mam Xandra habang maghawak na months old na sanggol at si Sir Alex namang ay nakatayo sa gilid nito. Napansin nila Mam na napahinto ako at nakatitig sa portrait kaya nilapitan niya ako agad.
"That's our one and only son. We named him after his father. We call him Zander. Mamaya ay makikilala mo siya." Kwento ni Mam Xandra.
"Baby pa po siya?" Tanong ko.
Tumawa ito ng mahina. "No.Matagal na ang painting na iyan. Dalawang taon ang tanda niya sa'yo."
Tumango ako at hindi na muling nagsalita.
"Tara. Ipapakita ko kung saan ang magiging kwarto mo."
Simula ng araw na iyon ay nakatagpo ng magiging kakampi. Tinuring ako na parang anak ni Sir Alex at Mam Xandra.
Ngunit nang magkakilala kami ni Zander ay parang hindi nito nagustuhan ang pananatili ko sa kanilang bahay. Lagi nitong ginigiit na pasikip lamang ako sa buhay nila at ang katulong na katulad ko ay hindi dapat sumasabay sa kanila sa pagkain.
Hindi ko alam ang dahilan ng pagkapoot sa akin ni Zander. Ngunit habang tumatagal ang pagsasama namin ay may unti-unting bumibilis ang t***k ng aking puso lalo na kapag nagtatagpo ang aming mga mata.