Episode 7

1466 Words

Ilang linggo na hindi umuwi sa bahay si Nick. Tinatawagan ko siya pero naka off pa din hanggang ngayon. Hindi ako maayos pati ang trabaho ko affected na din. Wala akong maayos na tulog at kain. Nagpatingin ako sa doctor. It's confirmed na buntis ako. Gusto ko sana i-surprise si Nick na magkakaanak na kami, siguradong matutuwa siya.  Pero nawala lahat ng excitement ko dahil hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. Mukha akong tanga sa paghihintay sa pag-uwi niya. Halos gabi-gabi akong nag-aabang sa labas pero walang Nick na dumating. Mag-iisang buwan na pala. Hindi ko na namalayan na ganoon na katagal ang paghihintay ko. Napatingin ako sa tiyan kong wala pang umbok. Paano na kung iniwan na niya akong tuluyan? Sumama na siya kay Jennifer. Baka naman kapag sinabi kong magkakaanak na kami m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD