MADDISON'S P.O.V. "Cheers! sister," Sabi ko sa kapatid kong si Maureen. Ako nga pala si Maddison Kim, nineteen years old, graduating na ako next year ng business management, matagal ko ng kakilala ang limang casanova especially si Frits, nag-enrol kami sa Saint Paul International Academy para makipaglaro sa kanila. "Ate Maddison, Ang bilis mo naman magtrabaho. Nasira mo na agad ang love life ni Frits," Ani Maureen iyon. Ininom ko muna ang alak na nasa baso ko. "Ofcourse! Bago ka sumugod sa kalaban mo. Alamin mo muna ang mga kahinaan nila." "Ha-ha-ha! The best ka talaga! Hindi pa tayo nakakapasok sa SPIA knock out na sila. Hindi na ako makapaghintay sa susunod na araw." "Hmm... maghintay ka lang sister. Mas maraming mga araw. Mas maraming kasiyahan, di ba?" Ngumiti pa ako. "Yeah, rig