ALLY'S P.O.V. Gabi na ng ihatid ako ni Frits, buti na lang wala ang Mommy at Daddy ko. Dahil kung hindi? siguradong mapapagalitan ako dahil gabi na ako umuwi. "Thank you, sa paghatid Frits!" Sabi ko, Nakapamulsa si Frits Habang nakatingin sa'kin. "Thank you rin. ahmm... Ally, Susunduin kita rito bukas ng umaga ha! Wag kang aalis kapag hindi ako dumadating." Tumango ako. "Sige, bukas na lang. Salamat." Ngumiti siya sa'kin."Bye! Ally." Pagkatapos lumapit siya sa'kin at nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinalikan sa Lips. Hindi ko nagawang kumilos. Nakatayo lang ako habang si Frits ay dire-diretsong umalis at sumakay sa kotse. "Bye! Frits." sabi ko sa Mahinang boses habang nanatili akong nakatayo kahit wala na si Frits, nakatulala ako habang hawak ko ang labi kong ninakawan ng h