FRITS'S P.O.V. Tatlong bahay mula sa bahay nila Allyson ang pinag park ko ng kotse ko. Hindi ko na talaga maintidihan ang sarili ko. Galit ako kay Ally, pero sa tuwing may nababalitaan ako tungkol kay Ally na hindi maganda lumalambot ako. Tulad na lang noong isang araw. Nasa loob ako ng room namin. Nang makita ko si Luke na late ng pumasok. "Bakit ka late? Di ba? Usapan natin na maaga tayong papasok ngayon, kasi magre-review tayo para sa finals." Bungad sa kanya ni Tro. Umupo muna si Luke bago nagsalita, "Dinala ko kasi si Ally sa clinic." Bigla akong kinabahan. Pa-simple kong inayos ang pagkakaupo ko. Upang marinig kong mabuti ang kwento ni Luke. Sa lima sa'min si Luke lang ang pinakamalapit kay Ally. "Bakit Anong nangyari kay Ally?" Narinig kong tanong ni Drek. "Wala naman! Dina