ALLY'S P.O.V. Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng mamatay ang magulang ko. Wala na akong nadatnang katawan ng magulang ko dahil pina-cremate na sila ng Tita sheena ko. Sunog na sunog kasi ang katawan ng magulang ko at kinakailangan na raw talagang i-cremate. Sobrang sakit na kahit sa huling sandali ng buhay nila hindi ko man lang nayakap ang magulang ko. Tanging abo na lang nila ang tanging naging alaala ko. "Ally, pinabibigay pala ito ni Atty. Mendez, para ito sa'yo. Ahmm... sulat 'yan ng mga parents mo." Ani Tita sheena. Habang nasa loob kami ng silid ko. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang yakap-yakap ang urn ng magulang ko. Tinitingnan ko 'yon habang patuloy pa rin ang pagluha ko. Tumabi si Tita Sheena sa'kin. "Ally.. Alam mo naman na ako lang ang nag-iisang pamilya mo rito di