ALLY'S P.O.V. Nakaramdam ako ng pagkainis ng makita ko ang notification ko. One hundred notifications ang nakita ko. Ngunit ng isa-isahin ko iyon. Wala doon ang confirmation galing kay Frits. Ilang araw na mula ng i-Add friend ko siya . Pero hanggang ngayon. Hindi ko pa rin siya friends sa f*******:. "Yayaaaaaa!"sigaw ko. Wala akong pakialam kung rinig na rinig sa buong bahay ang sigaw ko. halos magkandarapa naman ang singkwenta i-anyos na katulong namin. Halos kapusin naman ng hininga ang matanda sa pagmamadaling makarating sa kwarto ko. "Bakit po Senyorita?" Nakasimangot ako. "Bakit ba ang tagal-tagal mo? Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo!" Galit kong sabi. "Pasensya na po Senyorita Ally, nagluluto po kasi ako sa kusina, kaya hindi po ako nakarating agad." Umirap ako, "Hindi k