ALLY'S P.O.V. "Tok! Tok! Sino kayang maagang nambu-bwiset sa beauty rest ko? Lagot siya sa'kin kung sino man iyon." Bumangon ako sa pagkakahiga at inis na binuksan ang pinto. "Sino ka bang isto—" "Ally? Anong oras na? Hindi ka pa rin nagbibihis?" Sabi ni Mommy nakataas ang kilay at nakacross-arm. " M-Mommy?" Gulat na gulat kong sabi. "Hindi ka ba papasok sa school at hindi ka pa rin nagbibihis?" Galit na sabi ni Mommy, bakas sa mukha niya ang pagtitimpi ng galit. "P-Papasok po, Mommy, B-Bakit po kayo ang nang gising sa'kin? Nasaan po yung ibang katulong? Ang aga-aga ang tamad nila." "Allyson!" sigaw ni Mommy. Tumahimik ako, galit na si Mommy magbubuga naman 'yan ng apoy sa'kin. "Ano naman ba kinagagalit ni Mommy?" "Kanina ka pa ginigising ng mga katulong natin! Hindi ka magising