ALLY'S P.O.V. "Anong meron sa Saint Paul International Academy? Ang weird!" Tanong ko sa isang estudyante do'n, pero hindi ako sinagot, Kanina pagpasok ko pa lang sa loob ng school, may mga estudyanteng nagbibigay ng rose sa'kin, kapag tinatanong ko kung kanino galing ang sabi galing daw ito kay Dreamboy ko. "Ally!"sigaw ni Dianne. Nagtatakbo ito papunta sa'kin. "Oh! Bakit? Para kang hinahabol ng tatlong unggoy?" Habol hininga si Dianne ng makarating sa harapan ko, huminga muna siya bago nagsalita. "Halika! Dali! May papakita ako sa'yo. " sabay niya hila salkin. "Teka! Ano ba! Wait nga lang Dianne ano bang nangyayari?" "Basta! Malalaman mo mamaya. Bilis!" Nag mamadali kaming naglakad at tumakbo patungo sa soccer field. nakarating kami sa soccer field, pagpunta namin do'n, marami