CHAPTER 02

2930 Words
"Cous!" masayang tawag ko kay Apollo nang makarating na ako sa bahay ko. "Amethyst!" patakbo akong sinalubong ni Apollo sabay yakap sa akin nang mahigpit. "I miss you." "I miss you too," nakangiting sagot ko. "Kailan ka lang dumating? Tamang-tama bumili din ako ng pizza," ani ni Apollo at umupo na kaming pareho sa sofa. "Kanina lang," ani ko at kumuha ng pizza sabay kain. "Wow? Buti pinayagan ka nilang makaalis sa greece?" "Bakit naman hindi?" "Pero mabuti na iyon dahil makakasama kita," nakangiti niyang sabi at ngumiti din ako. "Ano pala ang pinagkakaabalahan mo Apollo?" tanong ko sa kanya. "Sa totoo lang may binabantayan akong kapatid ni Vanz na babae. Lahat kami ng mga kaibigan namin ay binabantayan siya dahil nasa peligro ang buhay niya." "Edi alisin niya ang buhay niya sa peligiro." "Pilit siyang umaalis pero sadyang sinusundan siya ng peligro." "Kawawa naman. Kailan kaya malulutas yan?" nakangusong sabi ko. "Ikaw ano naman ang pagkakaabalahan mo dito sa pilipinas?" "Gusto kong maging doctor. Papasok ako sa med ng 4 years," nakangiting sabi ko. "Wow? Hindi ko inaakala na gusto mo pala maging doctor." "Ako din eh. Nahumaling kasi ako sa mga nanabasa ko doon sa greece tungkol sa mga medication." "That's nice." Marami pa kaming napag-usapan ni Apollo tungkol sa pananatili ko dito sa pilipinas. Meron pa ay minsan nagiging inosente ako kapag hindi ko alam ang isang bagay ay sinasagot ko sa malayong sagot. Bakit ba kasi hindi ko pa alam ang mga iba't-ibang bagay? "Hey Cous saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Apollo. Hapon na pero pinuntahan pa niya ako dito. "Sa MOA," nakangiting anas ko. "Bakit ka naman pupunta doon?" "May im-meet akong friends ko." "Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan dito Amethyst? Eh kahapon ka pa lang na nandito," kunot noong sabi niya. "Kahapon ko lang din siya nakilala pero mabait naman siya Apollo. Brokenhearted nga lang," ani ko at pinatunog na ang sasakyan ko. Pagkauwi ko pa lang kagabi dito sa bahay may kotse na pala na binili si daddy para sa akin. "Kung dito ka matutulog Apollo may extra key ako dyan sa ilalim ng paso." "Yeah. Dito talaga ako matutulog. Umuwi ka before 8 kasi sabay tayong kakain. Sandali alam mo na ba pumunta doon?" "Palatandain ako sa mga lugar Apollo. Tatawagan na lang kita kung sakaling maligaw ako." "Basta umuwi ka lang ng 8 pm." "Oki-doki," ngiting sagot ko at sumakay na sa sasakyan ko upang tumungo na sa MOA. Bago ako tumungo sa sea side ay tumungo muna ako ulit sa shop na pinagbilhan ko ng bubble tea. Pagtapos non ay tumungo na ako sa sea side. Kung sakaling doon siya muli pumewesto ay doon ko siya pupuntahan. Hindi nga ako nagkakamali. Doon ulit si Yuhence naka-pwesto sa pinag-upuan namin kagabi at may hawak siyang gitara. Muli akong umakyat sa bato at mabilis siyang tinabihan. Napalingon sa akin si Yuhence na may gulat sa kanyang mga mata pero ako ay ngumiti lang. "Good afternoon," nakangiting sabi ko at humigop ng inumin. "What are you doing here?" "Namamasyal." "Tss. Sana naman iniba mo ang sagot mo." "Pwede ba yon?" "Whatever," muli niyang sagot at umiwas ng tingin. "Namamasyal ka pero alam na alam mong nandito ako. Are you stalking me?" Nanlaki ang mata ko. "Hindi mo ako stalker 'no. Asa ka naman." "Asa ha?" "Oo umasa ka." "Pero bakit mo alam na nandito ako?" Napaisip ako. "Sinabi lang din ng isip ko na pumunta dito sa MOA upang makita ka." "Is that so?" "Ah-ha," tango ko. "But i still don't believe it." Muli ko siyang nilingon. "Saan ka naman hindi naniniwala?" "Na pinsan mo ang kaibigan ko." "Si Apollo?" "Yeah." "Parang ayaw mo pa na maging pinsan ko siya ah?" biro ko at nilingon niya ako na may kunot sa kanyang noo. "What?" "Parang ayaw mo pa na maging pinsan ko siya ah?" "Is not what i meant Ms. Innocent." "Iyon ang dating sa akin," taas balikat na sabi ko sabay baba. Humigop muli ako ng inumin ko at tiningala ang kaulapan. Nagiging kulay ube na naman ang kaulapan na nahahaluan ng orange at yellow. "Sa tuwing ganyan ang nakikita mong kaulapan napapangiti ka?" rinig kong sabi ni Yuhence. "Ang ganda lang kasi." "Yeah. Bagay sa name mo." "Ha?" ani ko sabay tingin sa kanya. "Mukha bang ulap ang pangalan ko?" "I mean... may symbolism and spirituality ang name mo." Bigla agad akong nakaramdam ng pananabik upang malaman kung ano ang ibig sabihin ng pangalan ko. "Ano naman iyon?" "Ang amethyst kasi ay isang color. Color purple. Pero isa talaga siyang stone na color purple." "Wow?" namamanghang anas ko. "Ngayon ko lang nalaman yan." "The gem's purple colors represented purity of spirit. Its purplish and reddish hues represented the chastening and purifying effects of suffering. Some believed the colors alluded to the wounds and suffering of Christ. Thus, amethysts were used to aid the healing of wounds," mahabang paliwanag niya para mapangiti ako. "Bakit mo alam yan?" "Nabasa ko lang sa libro. May Amethyst Sky din akong nabasa doon." Tumingala ako sa kaulapan. "So Amethyst Sky pala ang tawag sa kaulapan na ganito." "Yeah." "I love purple because my name is Amethyst," hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi dahil alam ko naman na alam niya na ang pangalan ko. "Cute," rinig kong bulong ni Yuhence at nakangusong nilingon ko siya. "Sinong cute?" "You... why?" "Cute ako sayo?" Nakangiting tanong ko. "I mean you're ugly," napalunok siya sabay iwas. Sa sobrang inis ko ay pareho binitawan ko ang inumin sabay hawak sa dalawa niyang pisngi para iharap iyon sa akin. Nagulat siya sa ginawa ko pero ako ngumiti lang dahil wala namang malisya iyon sa akin. "Sabihin mo nga sa akin na hindi ako cute habang nakatingin sa mga mata ko?" nakangiting sabi ko at nagtiim ang bagang niya. Why my heart beats so fast? "F-Fine, fine. You are cute na," pagsuko niya at pumalakpak ako. "See? Hahaha. Inamin mo din," palakpak na sabi ko habang natawa na nakatingin sa kanya. "Damn dude just-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil napatigil ako sa pagpalakpak at sinamaan siya ng tingin. "Sabi ko diba ayoko ng mga cuss?" Inis na ani ko at napangiti siya. "You're pretty when you are angry with me. Anger make your noise quite red. But not too anger because is a part of your innocence," nakangiting sabi niya. Sa tuwing sasabihin niya na inosente ako parang nag-iinit ang pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin. Ang lakas ng epekto sa sarili ko kapag nagsasalita si Yuhence tungkol sa akin. "And now you're blushing. Hahaha. Do you like me?" "H-Ha? Nag-blush lang gusto ka na agad?" gulat na anas ko at natigilan siya. "I'm just kidding and besides i don't like you too." "Dahil may gusto kang babae at mahal mo pa," nakangiting sabi ko at tumango ng sunod-sunod. "Naiintindihan kita pero wala akong alam sa mga ganyan." "Whatever Ms. Innocent." Tumingin na lang ulit ako sa kaulapan at unti-unti na iyong nawawala. Pagabi na, masyado naman atang mabilis ang oras. Pero iyon na lang ulit ang paglingon ko kay Yuhence ng tipahin niya ang kanyang gitara at sabay kumanta. Now playing: Purple by Six60 I've been holding on to nothing Reaching out to something Waiting for someone like you If only there was one thing Some way of controlling All these other things I do Shock me girl electric blue Standing while the Wrecks still true And so we fall And through it all I'm left here with this Purple heart of mine Battles won The war is done And the sky is purple, purple, purple Ang ganda pala ng boses niya? Masyadong malambing at malamig sa tuwing binibigkas niya ang lirika. Napakaganda ng kanta at bumagay pa iyon sa kaulapan. "Ang ganda ng boses mo," nakangiting sabi ko. "May meaning ba ang kanta mo? Waiting for someone like you, siya din ba yung babaeng tinutukoy mo?" "Iyon ba ang dating sayo?" nakangisi niyang tanong at tumango lang ako. "Well you're wrong." "Eh?" "Hinihintay ko ang kagaya mo." Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na iyon ang isasagot ni Yuhence sa akin. "Bakit mo naman ako hinihintay?" tanong ko at kumunot ang noo niya. "What?" "Bakit mo naman ako hinihintay?" pag-uulit ako. "I-I don't get it." "Bakit mo kako ako hinihintay? Sana pumunta ka na lang sa bahay ko para hindi ka na lang naghintay nang matagal dito," nakangiting sabi ko at napasapo siya ng kanyang mukha. Mali ba ang sinabi ko. "Whatever," inis na ani niya sabay tayo. Napatingala ako sa kanya at deretso naman niya akong tinignan. "Saan ka pupunta? Uuwi ka na?" tanong ko at nilagay muna ni Yuhence ang kamay niya sa kanyang bulsa habang ang isang kamay niya ay may hawak na gitara. "Yeah. I'm going home first. Hindi ako pwedeng magtagal," sagot nito sa akin at bumaba na sa mga bato. Tumayo na din ako upang umalis pero hindi ko naman inaasahan na iaabot niya ang kanyang kamay sa akin. Tinignan ko muna ang kamay niya bago ko tignan si Yuhence sa mga mata. "A-Aanhin ko yan?" "Tss. As you can see i want to help you." "S-Sabi ko nga," nauutal na ani ko at hinawakan ang mga kamay niya upang alalayan akong makababa. "Thank you." "Sa parking lot din ang tungo mo? Sabay na tayo," presinta niya at nauna na siyang maglakad. Napangiti ako dahil mula sa likod ay masasabi kong maganda din ang hubog ng kanyang katawan. Mala-artistahin ang mukha dahil ang gwapo niya. "Ano pala ang pinagkakaabalahan mo Yuhence?" tanong ko habang naglalakad kami. Nandito pa din kami sa sea side at mula sa malayo ay natatanaw ko ang escalator na pag-aakyatan namin. Mula sa taas ng escalator ay may zipline doon na sinasakyan ng mga tao. "Pinagkakaabalahan ko ang course ko." "Ah. Anong course?" "Engineering." "Ang cool." "Cool ha?" Ngumiti lang ako sa sinabi niya habang sinasabayan siya sa paglalakad. Pansin ko din na may napapangiti sa kanyang mga babae na animo ay kinikilig, meron naman ay tumitili pa sa sobrang kilig dahil kay Yuhence. "Grabe babaero ka pala kawal?" hindi makapaniwalang anas ko habang tinitignan ang mga babae. "What are you saying again?" "Ang sabi ko ay babaero ka pala," muli kong sagot at napatigil siya sa kanyang paglalakad. "I'm not babaero." "Eh halos kasi lahat ng mga babae pinagsisigawan na mahal ka nila. Kaya syempre papasok sa isip ko na babaero ka." "In that way?" "O-Oo." "They love me dahil iniidulo nila ako," inis niyang sagot. "Iniidulo ka nila sa pagiging babaero mo?" gulat na anas ko. "What the f**k?! Is not what i meant." "A-Akala ko kasi iyon ang ibig mong sabihin," napapahiyang sagot ko at napabuga siya ng hangin. "You're such a baby," sagot niya habang nakatingin sa akin. Rinig ko ang usapan sa paligid kung sino daw ang kasamang babae na ni Yuhence. Meron din na baka kaibigan ako ni Yuhence. "Hindi naman ako sanggol ah?" Inis na ani ko. "Oh fuck." "Yung mouth mo," duro ko sa kanya at ngumisi lang siya. "M-Miss," tawag sa akin ng babae at tinignan ko siya. "Bakit po ate?" "Girlfriend ka ni Yuhence Won De Vera?" Girlfriend? Babaeng kaibigan? Ngumiti ako sabay tumango. "Oo ate girlfriend niya ako." "Hala? Huhuhu." "Sabi ko sayo girlfriend siya ni Yuhence eh!" "She's pretty naman kasi!" "Waaah! I hate my feelings na. It's so marupok!" Hala? May nasabi ba akong mali? "W-What did you say?" tanong sa akin ni Yuhence at nagpatuloy sa paglalakad. "Wala akong natatandaan na naging girlfriend kita." "Ang sama mo naman," nakangusong sabi ko. "With what?" "Hindi mo ako girlfriend?" tanong ko sa kanya at tumigil ako sa paglalakad. "N-No. You're not my girlfriend dude." "Hindi mo ako kaibigan?" ulit ko pa. "W-What? I thought you said you were my girlfriend, but now you say you are my friend? You know what? Your brain is magulo," turo niya noo ko. "Kailan pa naging brain ang noo ko?" "Oh damn." "Bunganga mo," suway ko at inirapan niya lang ako. "At tsaka tama naman ako ah? Girlfriend mo ako." "I said you're not my girlfriend... can you please accept the fact that i don't like you? I don't want you to be my girlfriend." Naguguluhan ako sa sinasabi niya. "Hala? What are you talking about? Girlfriend... sa tagalog babaeng kaibigan, kaya kaibigan mo ako!" "W-What?" "Ang sama mo," nakangusong sabi ko. "I-I thought—" "Hindi. Ang bad mo! Tinuring pa naman kitang friends pero ako hindi mo tinuturing na kaibigan? I hate you!" sigaw ko at naunang maglakad. Girlfriend sa tagalog babaeng kaibigan. Anong iniisip niya? Na magkasintahan. Couple ang tawag don. Yung brain niya yung magulo. Kinabukasan ay wala akong halos ginawa. Nandito si Apollo sa bahay ko pero wala namang ginawa kundi ang kumain ng kumain. Kain ng kain pero hindi naman nataba, macho pa din. "Cous, mag-aaral ako ng med," sabi ko kay Apollo. "Diba hindi mo nagawang makapag-aral?" "Oo pero hindi naman ibig sabihin non ay bobita na ako," nakangising sagot ko. "Sigurado kang doctor ang course mo?" nakakunot na tanong sa akin ni Apollo. "Mukha ba akong nagbibiro?" tanong ko at naupo sa sofa. "Ano namang alam mo sa pagd-doctor Amethyst?" "Hoy Apollo di porke inosente ako ay wala na akong alam sa mga ganyan." "Naninigurado lang." "Ganyan ka manigurado?" inosenteng tanong ko at natawa siya. "Support na lang ako sa future mo my cousin," naka-thumbs up na sabi ni Apollo at napangiti. "Salamat." Sa dumaang mga araw at buwan ay ginawan ni Apollo ng paraan para makapasok ako sa medisina sa pagiging doctor. Noong una ay ayaw ako payagan na pumasok bilang kolehiyo ngunit ng sinabi ni Apollo sa dean na kung ano ako ay bigla itong pumayag at humingi ng paumanhin. Bumabalik ako sa MOA para matignan doon si Yuhence ngunit ang naabutan ko doon ay may kasama siyang babae. May dala din siyang gitara ngunit ang babae ay nakatingin lang din sa kaulapan. Ngunit madilim na ang paligid at may buwan na din sa kalangitan. Sino kaya yung kasama niya? Nandito lang ako nakatingin mula sa kanila na hindi naman kalayuan. Hindi ko naman din inaasahan na may kasama si Yuhence. "Sa tingin mo? Deserve ko ba talaga ang masaktan?" tanong ng babaeng kasama niya. Nobody deserve to be hurt. Hays. "No. You didn't deserve to be hurt. Sadyang nakatadhana lang talaga na masaktan tayo," rinig kong sagot ni Yuhence. "Hindi ko malaman kung paniniwalaan ko ba ang sinabi ni Esther." Sino kaya ang babae na ito? "Pag-isipan mo munang mabuti kung totoo nga ba o hindi." Napansin ko din na kinuha ng babae ang gitara ni Yuhence at akma niya iyong titipahin. Hindi ako marunong mag gitara pero marunong ako kumanta. "You know how to play guitar?" tanong ni Yuhence. "Oo," sagot ng babae sabay kumanta siya. Oh kay sarap Sa ilalim ng kalawakan Kapag kapiling kang Tumitig sa kawalan Habang kumakanta siya ay nakatitig si Yuhence sa kanya. Iba ang pagkakatitig niya sa babae. Siya ba yung sinasabi niya sa akin na pinakamamahal niyang babae pero hindi siya nito mahal? Saksi ang buwan At bituin sa pagmamahalan Nating dalawa Nating dalawa "Tell me the story," sabi ni Yuhence at napatingin ang babae sa kanya. "A-Alin?" "Tell me the story about how the sun loved the moon so much. He died everynight to let her breath." Hala? Namatay ba si araw? Kailan pa humihinga si moon? Ang tokis netong lalaking ito. Hugutero kasi kaya hindi ka minamahal pabalik. Hinawakan ni Yuhence ang kamay ng babae kaya napatingin siya dito. Hindi ko naman din inaasahan na hihilahin ni Yuhence ang babae at biglang yayakapin. Magkasintahab sila? "I love you to the moon and back up to the stars and back down to the sea. For eternity and beyond." Kumalas siya sa pagkakayakap at bigla naman niyang hinalikan ang noo ng babae kaya napatalikod. Kadiri. Hindi ba iniisip ni Yuhence na public place ito? Nakaramdam ako ng kaba mula sa dibdib ko. Bakit ako kinakabahan ng ganito? Hindi naman ganto ang puso ko ah. Baka hindi lang ako sanay na may nakikita ako na ganitong eksena? "Hindi ko na hahayaan na masaktan ka ulit ni Esther. Hindi na ako papayag na magparaya ulit sa ikakasaya niya kung sasaktan ka lang din pala niya," rinig ko pang sabi ni Yuhence. Ang swerte naman ng babaeng mamahalin mo. Total ay may kasama naman si Yuhence ay nagmartsa na ako upang talikuran sila. Hindi ko alam kung bakit mabigat ang dibdib ko at sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Kaya mahina ko iyong hinahampas habang naglalakad ako. "Hoy puso? Bakit ka tumitibok ng ganyan? Nakita mo din ba ang nakita ko? Kadiri no?" mahinang anas ko at napangiti. "Di bale tatakpan ko na lang ang mga mata ko para hindi na ako ulit makakita ng ganong scene. Mabigat kasi sa dibdib, parang hindi ko kaya na makakita ng ganon." Napatingin ako sa gilid ng railing ay may nakita akong lalaki na hinalikan din ang noo ng babae. Bakit hindi bumigat ang dibdib ko? Bakit normal lang ang t***k pag sa iba ko nakikita? Pero pag kay Yuhence sobrang bigat. Tss. "Puso sabihin mo lang kung may tililing kana para agad kitang dadalhin sa mental para maging normal ka na ulit. Abnormal ka eh," sabi ko pa at nagpatuloy na sa paglalakad. To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD