Kabanata 022: Unwanted Reunion

1919 Words

THIRD PERSON'S POV Naging matiwasay ang mga sumunod na araw para kay Aello. Nang makalabas siya sa hospital ay agad ulit siyang iniuwi ni Psikh sa mansyon para doon na magpahinga at magbawi ng lakas. Sa tatlong araw na 'yon, ay si Psikh mismo ang personal na nagdadala ng pagkain niya para sa kaniya. Noong una at pangalawang araw din ay tinrato siya nito na tila ba isa siyang bata, dahil halos ito palagi ang nagpapakain sa kaniya. Iyon ang hindi maintindihan ni Aello, pero hinayaan niya na lamang dahil sa nakikita niya na mukhang nag-eenjoy ang binata sa ginagawa nito. Ngayon ang ika-apat na araw na nakaratay lang siya sa higaan ng kwarto niya. May mga pagkakataon na maaga siyang naliligo kaya naman kahit papaano ay nasa mabuting kondisyon ang katawan niya. Alam ni Aello kung paano

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD