THIRD PERSON'S POV
Kasalukuyang nakahiga si Aello sa loob ng isang bakanteng silid sa mansyon. Tanging kama lang ang makikita 'ron at wala ng iba.
Matapos nang nangyari kanina, ay pinaliguan at binihisan s'ya ng isa sa mga maid–utos ito ni Psikh. Umalis din agad si Psikh pagkatapos 'non at hindi n'ya alam kung saan pumunta.
Napahawak si Aello sa kumakalam n'yang sikmura. Nagsisimula nang sumakit 'yon, nahihilo na rin s'ya dahil sa gutom na nararamdaman n'ya.
Kasalukuyan s'yang nakaupo sa pinaka-sulok ng silid. Yakap-yakap n'ya ang tuhod n'ya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto.
Malawak 'yon, pero nagtataka siya kung bakit tanging kama lang ang bagay na nakikita n'ya.
Malungkot ang mga mata n'ya nang maalala ang mga simpleng higaan nila sa mga kubong tinitirahan nila sa gubat. Mga higaan na kahit pa gawa lang sa dayami at mga dahon ay komportable naman kung higaan.
Ilang sandali pa ay napag-desisyonan nang tumayo ni Aello. Nanghihina s'yang naglakad palapit sa kama na nasa gitna mismo ng silid.
May kadiliman ang kwarto dahil sa uri ng ilaw na mayroon sa kisame, tila kulay brown ang paligid sa paningin n'ya pero hindi iyon problema dahil sanay si Aello sa dilim. Dahil na rin siguro sa lumaki at namuhay s'ya sa gubat na tanging mga alitaptap lang ang nagsisilbi nilang ilaw o liwanag sa bawat madilim na gabi.
Hinawakan ni Aello ang kama. "Eínai malakó." ("It's soft.") sabi n'ya sa lengwaheng Greek habang nanlalaki pa ang mga mata dahil sa gulat.
Hindi s'ya makapaniwala sa napakalambot na kama dahil hindi n'ya lubos akalain na may ganito palang klase ng bagay.
Mukha tama ang sinabi sa kanila ng lalaking 'yon, maraming mga bagay sa labas ng gubat na hindi nila aakalain na nag-eexist pala.
"L-lam...bot....ga—ling." pahinto-hintong bulong ni Aello gamit naman ang salitang Tagalog.
Napatigil s'ya nang mapagtanto ang lengwaheng binanggit n'ya. Naikuyom n'ya pa ang kamao n'ya para gisingin ang sarili na hindi dapat s'ya basta-bastang nagsasalita ng mga lengwahe na itinuro sa kanila ng taong 'yon.
Napabuntong-hininga nalang si Aello bago tuluyan ng naupo sa kama. Nagulat pa s'ya dahil tila lumubog s'ya sa sobrang lambot 'non.
Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi n'ya nang humiga s'ya. Natutuwa s'ya dahil hindi n'ya inakala na madadama n'ya mismo ang bagay na dati ay itinu-turo lang sa kanila ng taong 'yon.
The world really have so much to offer outside the forest.
Binaloktot ni Aello ang katawan n'ya para mayakap n'ya ang tuhod o ang sarili n'ya.
It was cold. Ramdam n'ya iyon sa balat n'ya, at hindi n'ya maintindihan kung bakit malamig gayong hindi naman umuulan sa labas at hindi naman nakabukas ang pinto at bintana ng kwarto. Hindi rin panahon nang pagbagsak ng nyebe, kaya hindi maintindihan ni Aello ang nangyayari.
Back then when she was still living on the forest, they could usually handle the cold breeze of the winter season. At dahil iyon sa makakapal na balat ng hayop na ginagawa nilang kasuotan at panlaban sa malamig na panahon.
But this time—she just couldn't figure it at all.
—
"Razbudi menya cherez dva chasa, Sebast'yan."
("Wake me up two hours from now, Sebastian .")
sabi ni Psikh nang makababa s'ya mula sa kotseng sinasakyan.
"Sure, boss." sagot naman nito.
Walang emosyon ang mukha ni Psikh habang naglalakad s'ya papasok mg mansyon n'ya. Alas tres na rin ng madaling araw kaya tahimik na ang paligi.
Kababalik lang nila ni Sebastian galing sa warehouse kung saan nila nililinis ang mga langaw na umaaligid sa Romanov Family. Madali lang iyong natapos pero hindi ganoon kaganda ang mga balita na nalaman nila.
Nahinto s'ya sa paglalakad nang makita n'ya ang bulto ng isang tao na nakahiga sa sofa.
Kahit bulto lang nito ang nakikita n'ya ay alam n'ya na kung sino ito. Dahil bukod sa ma-kurba nitong katawan, alam n'yang ito lang din ang maglalakas loob na lumabas ng silid nang ganitong oras dahil hindi pa nito alam ang rules sa loon ng mansyon n'ya.
"Why are you still—oh..." naputol ang sasabihin ni Sebastian nang makita n'ya rin ang tinitignan ni Psikh.
Naiiling nalang n'yang binuksan ang ilaw sa salas dahil dito.
Tumambad sa kanila ang nakahigang katawan ng Amazona, yakap-yakap nito ang sarili habang natutulog.
"Check her room." utos ni Psikh na agad din namang sinunod ni Sebastian.
Naglakad si Psikh palapit sa dalaga. Huminto s'ya sa saktong tapat nito bago nagbaba ng tingin at tinitigan lang ang mukha nitong mahimbing na natutulog.
She looks like a calm tiger right now. His own tiger.
"I really should train you well." sambit n'ya bago dumukwang para abutin ang katawan nito.
Walang hirap na binuhat n'ya ng pa-bridal style ang natutulog na Amazona. Tiyak s'yang pagod na pagod ito dahil hindi man lang ito nagising.
Pero nang pangalawang hakbang n'ya na, ay napatigil s'ya dahil sa ginawa nito na hindi n'ya inaasahan.
"Hmm... interesting. I'll put that down I were you." seryosong sambit ni Psikh.
Seryoso lang s'ya kahit pa wala nang halos distansya ang daliri nito sa kanan n'yang mata.
He felt it at that moment, the Amazona's wild instinct to hunt it's prey even at it's sleep.
Mas lalo lang s'yang nakasigurado na hindi sayang ang perang ginastos n'ya para rito. Mukhang mapapakinabangan n'ya talaga ang dalaga sa iba't-ibang paraan na gusto n'ya.
"What a nice master and pet relationship you have there." natatawang sabi ni Sebastian na kasalukuyang nakatayo at naka crossed-arm habang nakasandal sa pader.
"Yey sleduyet vesti sebya kak priruchennyy tigr, yesli ona ne khochet, chtoby yey otrubili ruki."
("She should act like a tamed tiger if she don't want her arms to be cutted off her body.") malamig ang boses na sabi ni Psikh.
Bumalik naman sa huwisyo si Aello dahil sa sinabi nito. Dahan-dahan n'yang ibinaba ang kamay n'ya bago tinitigan ito.
"Woah, seems like she could sense your dangerous aura." manghang sambit ni Sebastian.
"As she should." malamig na sabi ni Psikh bago nagsimulang lumakad ulit.
Hindi alam ni Aello ang gagawin n'ya, hindi n'ya alam kung kakalas ba s'ya mula sa pagkakahawak sa kan'ya ng binata o hahayaan n'ya lang ito.
Pero nawalan ng silbi ang iniisip n'ya lalo nang makita n'ya ang sarili na buhat-buhat pa rin ni Psikh at papasok sa kwarto na kanina ay pinanggalingan n'ya.
Wala sa sariling napayakap s'ya kay Psikh para ihanda ang sarili sa nakamamatay na lamig ng kwarto—iyon ang dahilan kung bakit lumabas s'ya.
"Yey sleduyet vesti sebya kak priruchennyy tigr, yesli ona ne khochet, chtoby yey otrubili ruki."
("The aircon was set to the lowest degree, Psikh. It's a miracle that she survived a few hours of staying in there.") paliwanag ni Sebastian na nakasunod sa kanila.
Kumunot ang noo ni Psikh dahil sa sinabi nito, nagbaba pa s'ya ng tingin kay Aello na halos nakayakap na sa kan'ya.
Ngayon naintindihan n'ya na kung bakit ganoon ang inakto ng Amazona.
Who could even survive at that drop of temperature? For pete's sake, hindi basta-basta ang aircon na nasa loob ng kwartong pinaglagyan kay Aello. Lalo na't ang kwartong iyon ay ang dating pinaglalagyan nila Psikh ng mga taong gusto nilang pahirapan gamit ang nakamamatay na lamig.
"Who the f**k opened it?" malamig na sambit ni Psikh bago inilapag ang Amazona sa kama.
Nakayuko lang ito at tila walang planong humiga.
Nakikita ni Psikh sa mga mata ang nais nitong iparating.
"Nevermind, leave now. I'll sleep here for a bit."
Mahinang pagtawa lang naman ang isinagot ni Sebastian sa kan'ya atsaka hinagis ang isang comfortersa kama, bago umalis at isinara ang pinto.
Hinubad ni Psikh ang coat n'yang may bahid nang dugo, hindi s'ya nagtira ng pang-itaas na saplot. Humiga s'ya sa kama atsaka ibinalot ng comforter ang sarili.
"Come here." sambit n'ya habang hinahampas ang tabi n'ya.
Mukhang naintindihan naman ng Amazona ang nais n'yang iparating dahil walang pakundangang humiga ito sa tabi n'ya at nakatalikod sa kan'ya.
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Psikh. "Fuck..." bulong n'ya nang maramdaman ang biglang pagkabuhay ng kahabaan n'ya.