A/N: They're talking in Greek language po, tinagalog ko na ang translation para mas madali nang intindihin^^. THIRD PERSON'S POV Ten years ago on Amazona Tribe... "Aello!" Napalingon si Aello sa taong tumawag sa kaniya. Napangiti siya nang makita ang masayang mukha ng nagiisang pamilya na mayroon siya. "Ishtar!" masigla sabi ng batang si Aello bago tumalon mula sa sanga ng puno na kanina ay kina-uupuan niya. Kasalukuyan kasi siyang nakikipaglaro ng taguan sa iba pang mga batang Amazona. "Me écheis anisychísei xaná! Nómiza óti sou eíche symveí káti kakó." ("Pinag-alala mo na naman ako! Akala ko'y may nangyari ng masama sayo.") puno nang pagaalala ang boses na sabi nito matapos siyang saluhin. Tumawa naman si Aello. "Ti eísai, Ishtar? Boró na cheiristó ton eaftó mou. Boró epís