Xaira pov
"Princess kumain ka na...tignan mo oh pumapangit ka na tyaka Isang linggo ka ng Hindi pumapasok magmula nung umuwi tayo rito...sigurado akong nalulungkot Ngayon ang reyna sa kalagayan mong yan" Saad ni yaya Vora habang ako tahimik na nakahiga sa kama ko
Sobrang miss na miss ko na ang reyna...Sana ako nalang Yung namatay
"Alam mo nung bata ka nung gabing nasugatan ka ng espada..ang alam ng hari at reyna ay tuluyan ka ng mawawala sa kanila hindi mo alam Kung gaano sila nag alala nung panahong yun maging ang prinsipe nga nuon ay hindi niya magawang umalis ng matagal sa tabi mo nun.. Kaya ikaw iha mag pakatatag ka...lakasan mo ang loob mo..hwag mo sanang hayaan na mas lalo kang maging mahina dahil sobrang daming sakripisyo ang ginawa ng pamilya mo para lang maging ligtas ka iha" dagdag niya Kaya nag angat ako ng tingin sa kanya
"Sa tingin mo yaya nararapat pa ba akong mabuhay...nararapat pa ba akong umupo sa trono...GUSTO KO NG MAKALIMUTAN ANG BUHAY KO...GUSTO KO NG TALIKURAN ANG PAGIGING PRINSESA KO YAYA!!...SANA HINAYAAN NIYO NALANG AKO NA NAMATAY NOON PARA HINDI NA NADADAMAY YUNG PAMILYA KO!!" Sigaw ko kasabay ng pagbuhos muli ng luha ko...
Akala ko kaya ko ng maging matapang eh para maipag higanti ko ang reyna pero bakit...bakit hindi ko magawa
Agad na pinunasan ni yaya Vora ang mga luha ko gamit ang palad niya...
"Shhh hwag mong sabihin yan iha...hindi pa huli ang lahat...naniniwala akong balang araw makakayanan mo rin ang lahat" Saad niya at saka ako niyakap
"Pero yaya*sight* pano Kung isunod Nila ang hari oh ang prinsipe...diko kakayanin" umiiyak kong sabi at saka niya muli akong tinignan...
"Kaya nga mag pakatatag ka iha bago mahuli ang lahat" nakangiti niya sagot...tama si yaya ako ang dahilan ng lahat Ng to Kaya kailangan ko tong harapin..
Pinunasan ko ang mga luha ko at tinignan siya ng mabuti...
"Salamat yaya at nandyan parin kayo para saken" Saad ko at muli siyang niyakap...
*School*
"Oh my gosh... finally pumasok ka na ren" bungad sakin ni cheska
"Ang akala Namin tuloy umalis ka ulit kasi sabi ng mga maids mo na hwag muna raw kaming papasok sa bahay mo...ano bang nangyari sis" tugon din arline...
Nginitian ko sila ng napakatamis...
"Let's go" Saad ko at naglakad papuntang room nagtataka namang silang sumunod sakin...
"Hey impakta girl!" Sigaw ko nga malapit nako sa pinto ng room namen ng makita ko siyang malanding naka upo nanaman sa mesa
Agad naman siyang bumaba pero ang sama ng tingin niya saken...god pag ako bwinisit niya Ngayong umaga lagot to saken...
Tuluyan akong pumasok ng room at tahimik naman silang lahat pwera lang sa impaktang to na nakatayo parin sa harapan ko
"Did you finished your work?" Maarte kong tanong sa kanya...
"Work? Tsk excuse me..I'm a student of this school at hindi ako trabahador" malanding sagot niya sakin...
Mas matangkad ako sa kanya Kaya yumuko ako ng konti at nginitian ko siya...
"Ngayon student nalang...Diba owner ka ng school gaya ng sabi mo noon" nakangising Saad ko na mas ikina pangit ng muka niya...
"Now go to cr at linisin mo ng mabuti understand? Or pwede Namang idaan natin sa usapan Kung ayaw mo....papaalisin Kita sa school ko? O mag lilinis ka ng cr?" Naka ngiting tanong ko
"Urghhh!! Kainis ka! Kung Hindi lang Sana kay kyle mas pipiliin kong umalis nalang dito" sigaw niya sakin at saka siya lumabas....
Biglang tumaas ang dugo ko ng banggitin niya si kyle...
"Sis..magmula nung umabsent ka laging nilalandi ni aira si kyle tas tong kyle naman hinahayaan niya lang si aira na dikit ng dikit sa kanya" bulong sakin ni cheska na mas nag painit ng dugo ko...
Kalma Xaira...isa kang prinsesa
Tinignan ko si kyle na Hindi man lang tumitingin sakin...pinakalma ko ang sarili ko...
"Hwag niyo akong susundan...may gagawin lang ako" mahinang sambit ko na narinig naman Nilang dalawa at saka ako lumabas ng room...
Sinundan ko ang impaktang babaeng yun at nadatnan ko siyang nag aayos ng make up niya...
"Diba ang sabi ko mag linis ka..." Maarte kong. Sabi
"Tsk I'm done" sagot niya at pinag patuloy ang pay kulay sa labi niya...
Naglakad ako at lumapit sa kanya...
"Gusto mo bang paalisin na Kita sa school ko" nakangisi kong sabi na agad ikinabago ng awra niya pero muling nangibabaw ang pekeng pag ngiti niya
"Haha oh sadyang nag seselos ka...you know what may nangyari na samen ni Kyle" Saad niya na ikinataas ulit ng dugo ko