CHAPTER THREE

2831 Words
“YOU HEARD it right, Matt,” nakangiting wika ni Jane sa kaibigang nanlalaki ang mga mata at tila hindi makapaniwala sa sinabi niya. Dere-deretsong tinungga ni Matt ang coke, saka tinitigan siya sa mga mata habang nakatukod ang dalawang siko nito sa mesa. “Why should you do that?” “Because I wasn’t joking when I said na paghahandaan ko ang pagbabakasyon ni Jester. At bukas nga sisimulan ko na para masanay ako.” “Bakit naman `yon ang gagawin mo? Marami pa namang ibang paraan diyan,” seryosong pahayag ng binata. “Sige nga, sabihin mo kung ano ang ibang paraan?” hamon niya. Hindi muna ito umimik. Waring nag-isip ito. “Hmm… Ipagluto mo siya. Dalhan ng pagkain at—” “Sa tingin mo ba uobra `yon?” putol niya. “Kung sa hitsura ko pa nga lang hindi na ako type, paano pa kaya ang bigyan ako ng pagkakataong ipagluto ko siya at makipaglapit sa kanya? I don’t want him to see me again as ordinary as I am. I want him to see me already as an epitome of a woman he’d surely adore and love,” she said seriously. Nag-iwas ng tingin ang binata. “Kumain na nga lang tayo. Puro ka drama,” saad nitong sunod-sunod ang ginawang pagsubo. She shrugged then started eating again. Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa at kapwa nakatutok lamang sa kinakain. “So, kapag naka-teacher’s uniform ka na lang pala mukhang disente nito at kapag magsisimba rin,” kapagkuwan ay wika nito. Napakunot-noo siya at napatunghay sa kaibigang seryosong kumakain. May narinig siyang disgusto sa paraan ng pagsasalita nito kaya’t alam niyang hindi ito pabor sa nakatakda niyang gawin. Ganoon kasi si Matt kapag hindi nito gusto ang mga plano niya. “Ito naman, oh!” Pabiro niyang tinampal ang braso nito. “Suportahan mo na lang ako, best. Ayaw mo n’on? Magkaka-boyfriend na ako sa oras na mapansin ako ng pinsan mo,” aniya. “Your plan sucks, Jane!” Tinitigan siya nito nang masama. Natameme siya at napayuko na lang habang nilalaro-laro ang spaghetti sa styro. Alam niyang galit na ang kaibigan. At kapag galit na ito ay tila maamong tupa siyang hindi na lamang kikibo. “Look, Jane,” anito sa mahinahon nang tinig. “Try to put this in mind. Kung bigla ka na lang magbabago sa pananamit ay marami ang magtataka sa `yo. And what would be your explanation to Tito Conrad and Tita Zenaida?” Tukoy nito sa mga magulang niya. “They knew already. Sinabi ko na,” tipid niyang tugon. Totoong naikuwento na niya iyon sa ama’t ina niya. “And what were their reactions?” “It’s up to me daw. I can decide for my own. I’m no longer a minor. Noon lang naman sila mahigpit sa akin dahil nag-aaral pa ako.” She was the only daughter kaya’t bantay-sarado siya noon ng mga magulang. At si Matt nga ang ginawa ng mga ito na guwardiya de kampanilya niya. Malaki kasi ang tiwala ng kanyang tatay at nanay sa binata. Napahilamos ng mukha si Matt. “Bahala ka nga. Sabagay, tama sila. Malaki ka na at kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo.” Wala sa mood na ipinagpatuloy nito ang pagkain. “Teka nga.” Nakakunot-noong napatunghay siya rito. “Why react that way? Akala ko pa naman wala akong magiging problema sa `yo,” pagtatampo niya. Hindi na lang siya nito suportahan sa gusto niyang gawin. Ngayon pa naman niya ito kailangan. “`Yong girlfriends mo nga halos lantad na ang kaluluwa kung manamit pero hindi ka naman ganyan makapag-react. Gustong-gusto mo pa nga `pag nagdadamit sila nang gan’on.” Tumigil ito sa pagsubo at tinitigan siya. “Because they’re different from you, Jane. Sanay sila sa ganoong getup, pero ikaw hindi. And besides, I’m just protecting you to those guys na halos hubaran na ang isang babae sa paraan ng pagtitig ng mga ito,” he explained. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Matt didn’t just act as her best friend. He had been her protector and guardian, her elder brother so-to-speak. Kahit na may pagkapalikero ito ay sigurado siyang excluded siya sa gusto nitong biktimahin kahit pa sabihing may pustahan sila. “Don’t worry, Matt, masasanay rin ako n’on.” She sweetly smiled at him. “At nandiyan ka naman in case na may magtangkang mang-r**e sa akin, `di ba? Ipapatikim mo sa kanila ang pinag-aralan mong taekwondo,” biro niya. Taekwondo player kasi ito n’ong college palang. At palagi itong nananalo noon tuwing may laban ang eskwelahan na pinasukan nito. “Okay sana kung palagi mo akong kasama. Kaso hindi, kaya’t walang kasiguraduhang magiging ligtas ka.” “Huwag kang mag-alala. Nothing will happen bad,” she assured. “Everything will be in its right trail dahil alam kong makikiayon sa akin ang tadhana. Sa gagawin kong pagbabago ay masusungkit ko ang atensiyon ng lalaking noon pa man ay crush na crush ko na.” Itinukod niya ang dalawang braso at nagsimula na namang mangarap nang gising. “So psychopathic of you, Jane.” Napailing ito. “Hoy, hindi ako retarded, `no!” kontra niyang pinandilatan ito. “Talaga lang na gumagawa ako ng paraan para mapansin niya at para na rin manalo ako sa pustahan natin.” Humaba ang nguso niya nang maalala ang deal nila. Humagalpak ng tawa ang kaibigan. “You’re really that worried about our deal, huh!” amused nitong saad at napasandal sa upuan habang panay ang subo ng fries at nakatitig sa kanya. “Siyempre naman. Loko-loko ka, eh. `Yon pa ang hiningi mong pusta sa akin.” Lumabi siya. Matt smirked. “I’m just helping you para naman mas lalo kang maging determinado sa mga plano mo. And as I can see, mukha ngang kina-career mo.” “Dapat lang! I’m afraid I’ll lose. `Cause if that happens, that would be the most horrible part of my entire life.” She grimaced with that thought. “Bakit naman horrible? Look at me thoroughly, Jane. Don’t you find me attractive? Pogi naman ako at hunk.” May naglarong pilyong ngiti sa mga labi nito. “And I could make you go wild with—” “Huwag na nga nating pag-usapan `yon,” namumula niyang saway. Alam niyang umandar na naman ang pagkaloko-loko at kapilyuhan ng best friend niya. Napahalakhak ang binata. “Innocent woman! Sa oras na ibahin mo ang pananamit mo, huwag ka nang umakto nang ganyan. Act like a seductive and liberated woman you portrayed you are.” Ngumiti siya nang matamis sa kaibigan. “I’d surely do.” Alam niyang wala na siyang poproblemahin pa kay Matt. She knew na payag na ito sa nakatakda niyang plano.  ______________ “FROM simple jeans and shirts to lure and enticing dresses.” Taas-noong pinagmasdan ni Jane ang sariling repleksyon habang nagpapaikot-ikot sa harapan ng life-size mirror sa kanyang kuwarto. Araw iyon ng Sabado at wala siyang pasok. She was currently wearing the navy blue dress she bought yesterday. Halos lahat ng mga pinamili niya ay isinukat niya para malaman kung kasya ba iyon at bagay sa kanya. “Goddamn!” Napangiwi siya nang dumako ang kanyang paningin sa tila nag-aanyaya niyang cleavage. She was expecting na plunging neckline iyon but not to the extent gaya ng nakikita niya ngayon. She deeply sighed. Sabagay, there was no doubt about it dahil “gifted” talaga siya sa “asset” na iyon. Kahit nga naka-loose T-shirt lang siya ay napaghahalata iyon. Napukaw ang pag-iisip niya nang makarinig ng katok sa pintuan ng silid. Walang pag-aatubiling naglakad siya patungong pinto sa pag-aakalang ang nanay lamang niya ang kumakatok. “`Nay—” Halos himatayin siya nang mapagbuksan ang tila nabato-balaning si Matt. Nagkulay-suka ang kanyang buong mukha at halos panawan ng ulirat habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanyang matalik na kaibigan. Bumaba ang paningin nito sa “asset” niya. She had seen him gradually swallowing his sputum. Tila hindi ito mapakali. It was the first time she had seen Matt acting like that. Animo’y hindi siya si Jane na matalik nitong kaibigan. Animo’y ibang Jane siya na kasalukuyan nitong tinititigan. She wrenched her long, straight hair aloft her bust to cover it, saka taas-noong hinarap ang binata. “W-what are you doing here?!” paangil niyang tanong. Pilit niyang pinaglabanan ang pamumula ng pisngi. Aaminin niyang si Matt ang unang nakakita sa kanya sa ganoong ayos. Dati kasi ay hindi naman ganoon ka-revealing ang mga isinusuot niyang formal dress. Tumikhim ito at tumingin sa mga mata niya. “You look different,” komento nito. Ang titig nito’y animo’y sinusunog ang kaluluwa niya. She laughed socially. Marahil dapat na niyang lubus-lubusin ang gagawing pagbabago. “Is it refreshing to see me wearing this dress, Mister Matthew Lancero?” Pinapungay niya ang mga mata, then socially swayed her hair back. To hell if he would be able to see her cleavage fully. Umarko ang sulok ng labi ng binata. Naging pilyo ang titig nito sa kanya. “Yes, Jane Destreza. You could drive every man crazy,” he huskily retorted, kasabay ng paglapit nito sa kanya. Napaatras siya. Bigla siyang kinabahan sa ginawa nito. “A-ano pala ang kailangan mo, Matt?” she fumbled habang patuloy ang pag-atras at pag-iwas dito. Matt didn’t answer. Instead, he continuously stepped forward. “K-kailangan ko palang magluto for lunch,” bigla niyang saad nang maramdamang wala na siyang uurungan pa. “Stay put,” halos pabulong nitong utos at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Matt leaned her closely towards the cabinet. “M-Matt, kailangan ko na ring magbihis.” She couldn’t understand why she was shivering that moment. Marahil dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataong ginawa iyon ng kaibigan niya. It was the first time, too, na may lalaking umakto nang ganoon sa kanya. Matt teasingly stared at her. “Bakit ka pa magbibihis? `Di ba, ganyan na ang plano mong pananamit?” His gaze slowly lowered beneath her cleavage at dahan-dahan ring bumalik sa nagkukulay-kamatis niyang mukha. “O-oo. Pero magbibihis ako ng pambahay,” kandautal niyang tugon. “I-iyong pinamili ko rin kahapon.” He wheezed. “Ah, yeah, I remember… those skirts, short shorts, sleeveless,” nakakalokong sabi ng binata. “O-oo, iyon nga.” Akmang itutulak niya ito. But Matt just held her hand at ipinatong iyon sa matikas na dibdib nito. “M-Matt, ano ba talaga ang kailangan mo?!” She tried to give off an annoyed look. Kinakabahan na talaga siya sa ginagawa nito. Hindi nagpatinag ang binata. She felt his palm gently caressing her cheek. “You are beautiful, Jane… very beautiful,” he huskily whispered. Naglakbay ang titig nito sa kabuuan ng kanyang mukha. Until it landed on her lips. Oh, my God! My best friend would kiss me! sigaw ng utak niya habang titig na titig sa binatang dahan-dahang bumababa ang mukha sa kanya. Before she could sift everything in head ay unti-unti na niyang ipinikit ang mga mata. Animo’y nawawala na siya sa sariling katinuan nang mga oras na iyon. She wanted Jester to be her first kiss ngunit hindi niya mawari kung bakit nandito siya ngayon at tila timang na naghihintay sa mga labi ng matalik niyang kaibigan. “More practice, Jane. More practice.” She abruptly opened her eyes when she heard Matt’s mocking voice. Her face turned red nang masilayan ang nakangising mukha ng binata. He was already conveniently leaning on the wall of her room with his arms crossed. “L-lumabas ka na. Magbibihis na ako,” she said annoyed. Pilit niyang iniwas ang mukha rito. Ayaw niyang makita nito ang pamumula niya. She absolutely felt mortified! “Masanay ka sa gan’ong treatment, Jane. There’s a possibility Jester would treat you like that or perhaps more than that. Kapag ganyan ang maging reaksyon mo ay mabibisto ka niya,” kaswal na saad nito. “O-oo.” She nodded. “And thanks.” “For what?” “F-for that practice we’ve made,” tugon niyang kunwari’y naghanap ng maisusuot na damit na nagkalat sa kama. Hindi pa rin niya kayang salubungin ang titig ng kaibigan. “At least, ngayon ay alam ko na ang gagawin ko dahil may kaunting natutunan ako. You helped me, somehow.” Bahagya niyang nilingon ito. She gave him a curt smile. Matt just shrugged. “No problem. You’re my best friend kaya’t dapat lang na tulungan kita.” He paused then cleared his throat. “Kung gusto mo’y palagian nating gawin `yon. We could practice more para masanay ka bago pa dumating si `insan.” May nahimigan siyang kapilyuhan sa tinig nito. Bigla siyang humarap sa binata. She gave off an unnatural look. Umandar na naman ang kalokohan nito. “No, thanks. That would be enough,” she briefly said, sabay upo sa gilid ng kama. “Why?” “Dahil ayoko lang. Tapos!” Hindi niya masabi na saglit siyang nawala sa katinuan dahil lang sa simpleng “practical test” na iyon. “Bahala ka kung ayaw mo. Ikaw rin naman ang mamomoroblema niyan kung hindi ka magtagumpay,” ngingisi-ngising pahayag nito. She sighed. Matt was right pero marami pa namang ibang paraan. She would take any challenge, huwag lang ang ginawa nito kanina. “What would be the exact date of Jester’s arrival?” tanong na lamang niya. “First week of next month,” sagot nito. “He might be staying here for four to six months.” Nangislap ang mga mata niya sa narinig. Dati kasi ay mahigit isang buwan lang ang pamamalagi ng lalaki sa Pilipinas at agad din itong umuuwi kaya walang pagkakataong makita niya ito. Pero ngayon ay waring nakikiayon sa kanya ang tadhana. Apat hanggang anim na buwan ay sapat na para magawa niya ang pagpapa-impress dito at makuha ang atensiyon nito. “Grabe, magtatagal pala siya rito. I’m so excited!” bulalas niya sa matamis na pagkakangiti. Tumango si Matt at tinungo ang silyang kaharap ng computer desk niya. Umupo ito roon. “Aasikasuhin niya ang negosyo nila rito. Swap muna sila ni Uncle Regidor.” Tukoy nito sa ama ni Jester. “Si Uncle muna ang mamamahala sa States.” Tumango-tango siya. “Sa wakas, magkakaroon na ng katuparan ang mga pantasya ko,” aniyang nangingiting napatitig sa kawalan. Here she goes again—daydreaming. Napailing si Matt. “Huwag kang masyadong mangarap, baka lumagapak ka lang.” She blinked at napatitig sa kaibigan. “Bakit naman ako lalagapak? Kahit na kailan palagi mo talaga akong kinukontra.” Sumimangot siya. Matt intently stared at her. Animo’y may gusto itong sabihin ngunit nag-aalangan lang. “What?” she questioned. “Sabihin mo na `yan. I know there’s something you’d like to tell me.” He gasped an air bago nagsalita. “May isa pang rason kung bakit magpupunta rito si `insan.” “Ano `yon?” Hindi niya naitago ang kuryosidad sa tinig. “He’ll be coming because of a particular woman of her past,” sagot nito. “At ako ang babaeng iyon?” pilya niyang tanong. “Past naman kami, for we knew each other since those past days of our lives.” Napahagikhik siya. Matt smirkingly snorted. “Yeah, but the two of you didn’t have any intimate moments nor relationship together.” Napatigil siya sa pagbungisngis at seryosong napatitig sa kaibigan. “What do you mean?” May nabubuo na siyang hinala kung ano ang ibig nitong sabihin ngunit gusto pa rin niyang makatiyak. “A certain woman named Nadine had long caught his attention. Nagkaroon sila ng relasyon ng babaeng iyon. At `yon ang ipinahahanap niya sa pagbabalik niya rito.” “H-how did you know that?” “We talked on the phone to clarify if he’ll be coming, at naikuwento niya iyon,” sagot nitong titig na titig sa kanya. Animo’y inaarok nito ang magiging reaksyon niya. Nag-iwas siya ng tingin at napatitig sa puting pader ng kanyang kuwarto. She felt disappointed with what Matt told her. Mas lalo siyang nabahala na baka hindi talaga siya mapansin ni Jester dahil may Nadine na palang nakakuha ng atensiyon nito noon pa man. Subalit kung dahil lang sa nalamang iyon ay agad na siyang susuko, talagang walang mangyayari sa kanya. Tama! Hindi siya magpapaapekto roon. Mayamaya pa’y bumaling siya kay Matt na may imbing ngiti sa kanyang mga labi. “I won’t quit `til the time I succeed. Wala pa palang kasiguraduhan ang kung anumang nakaraan nila ng babaeng `yon kaya’t hindi pa rin ako susuko. I’m willing to do whatever the risk might be.” Napailing na lang si Matt sa sinabi niya. Tumayo ito at naglakad papuntang pinto. “Magbihis ka na. Magluto ka na raw ng tanghalian natin sabi ni Tita.” “Wow naman! At dito ka na naman kakain?” “Oo,” tugon nito at tuluyan nang isinara ang pinto ng kuwarto niya. Napailing na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD