CHAPTER ONE

2420 Words
“ARAY!” daing ni Matt nang bigla niya itong batukan. Nakaupo sila sa isang parke at katatapos lang magsimba nang Linggong iyon. They had been friends since kids. Hindi pa nga yata siya natututong dumapa at gumapang ay nakita na niya ito. Sa makatuwid, sanggol pa lang siya ay may koneskyon na sila. Magkaibigan kasi at magkumpare ang ama nito at ang ama niya. “Serves you right,” nakaismid na sabi ni Jane. “Kanina pa ako dada nang dada rito, hindi ka naman pala nakikinig. Kung saan-saan nagagawi `yang mga mata mo. Sight-seeing sa mga magaganda at sexy na nagdaraan, `yan ang event mo!” pagtatalak niya sa kaibigan. “Bakit, mata ba ang ginagamit sa pakikinig?” pamimilosopo nito. “Aba’t—” Akmang babatukan na naman niya ito subalit maagap itong nakailag. “Subukan mo ulit `yan, Jane, kundi hahalikan talaga kita,” nakangising pagbabanta nito. “Yuck! I can’t imagine!” bulalas niyang niyakap ang sarili at kinilabutan. “Hoy, anong yuck?” tanong ni Matt na bahagyang humaba ang nguso. “Don’t you know na maraming babae ang nangangarap mahalikan ko lang?” “Well, I’m not included. Baka mamaya magdeliryo pa ako at malason sa halik mo.” Hindi niya ma-imagine ang sariling kahalikan o magpapahalik sa kanyang best friend. So disgusting! “Magdedeliryo ka talaga sa sarap kong humalik,” anitong napahalakhak. Pinatirik niya ang mga mata. “Oh, Diyos Ko, bakit Niyo po ako binigyan ng kaibigang puno ng hangin ang katawan? Liliparin na yata ako sa lakas ng storm signal dito.” “Oh, Diyos Ko rin, bakit Niyo po ako binigyan ng kaibigang walang kakulay-kulay ang love life? Pati ako nadadamay. Hindi tuloy ako makadiskarte sa mga tipo kong babae dahil palaging nakadikit sa akin ang best friend kong nakatakdang maging old maid. Oh, Diyos Ko,” sabi nitong tila nananalanging nakatingala sa langit habang magkasalikop ang mga palad. “Hoy! Loko ka, ah! Hindi ako nakatakdang maging old maid,” nakanguso niyang kontra. “Magiging old maid ka. Tingnan mo nga, wala ka pang nagiging boyfriend sa edad mong `yan. Matitigang ka na lang, Jane, hindi ka pa rin makakatikim ng first kiss at langit sa piling ng Adan,” waring nang-iinis na pahayag nito. Pinamulahan siya ng mukha. Tinitigan niya ito nang masama. “Bakit, twenty-four pa lang naman ako, ah? At saka hindi ako nagmamadali.” “Oo nga, twenty-four ka pa lang. Kaso sa edad mong `yan, wala ka pang nagiging boyfriend. Okay lang sana kung mayroon kahit isa man lang,” anito at sinulyapan siya nang nakakaloko. “Kaya’t palatandaan na `yan na magiging old maid ka.” “Ewan ko sa `yo!” napipikon niyang wika. “May hinihintay lang ako kaya’t single pa rin ako hanggang ngayon,” katwiran niya nang maalala si Jester—ang lalaking high school pa lang siya ay ultimate crush na niya, at pinsan ito ni Matt. “Si `insan na naman? Huwag ka nang umasa, Jane, hindi ka mapapansin n’on,” pang-aasar nito. “At bakit hindi? Maganda naman ako, matalino, at higit sa lahat mabait. Wala na siyang hahanapin pa,” aniyang pagbubuhat ng sariling bangko. “Alam mo namang Jester wants more than that. Tubong-Amerika `yon. Ang mga type n’on hot and liberated mama.” Bumaling ito sa kanya, saka pinasadahan siya ng tingin. “Hot ka ba? Liberated ka ba? Eh, mukha ka ngang manang,” nakakalokong pang-aalaska ni Matt. Napangisi pa ito. “Hindi ako manang, `no! Simple lang akong manamit. Iba ang manang sa simpleng manamit,” pagtatama niya, saka napabuntong-hininga. “Hindi nga ako hot. Hindi ako liberated,” mahina niyang saad. “Gan’on naman pala, eh. Kaya’t `wag ka nang umasa. Baka nga magtatangka pa lang si Jester na halikan ka, kumaripas ka na ng takbo sa takot,” sabi nitong napahalakhak. Inirapan niya ang kaibigan. “Bakit naman ako tatakbo? Mas gusto ko nga `yon para siya ang first kiss ko.” Ngumiti siya na waring nangangarap. “Sige, mag-daydream ka na naman diyan, Jane,” napapailing na wika ni Matt. “Dahil hindi `yan uobra kay `insan. `Oras na malaman n’on hindi ka marunong humalik, madi-disappoint lang `yon sa `yo.” Biglang umasim ang mukha niya. “Bakit naman kasi taliwas sa katauhan ko ang type ni Jester?” maktol niya. “Ayaw ba niya sa katulad kong inosente at virgin?” Napahagalpak ng tawa si Matt kaya naman nagbalingan sa gawi nila ang mga taong naroon. Hawak-hawak ng kaibigan ang tiyan nito habang maluha-luhang hindi magkandatutong pigilan ang tawa. “Bakit ganyan ang reaksyon mo?” napapamaang niyang tanong. “Kasi naman nagpapatawa ka. Hindi na uso ang ganyan, Jane. Napag-iiwanan ka na ng panahon. We, guys would rather choose hot and liberated woman kaysa walang alam sa kama,” prangkang pahayag ni Matt. Hindi niya naiwasang mamula sa sinabi nito. Kahit na kailan ay brutal at prangkang magsalita ang mokong na ito. “Tama na nga `yang katatawa mo. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao,” saway niya. Pinisil nito ang ilong niya. It was a gesture of him since they were still kids. “Kung may plano ka talagang masungkit si Jester, `wag mong ipakita ang ganitong reaksyon dahil lalo ka lang hindi mapapansin n’on. Stop blushing and acting like an innocent-virgin one,” suhestiyon nito. She grimaced. “Bakit ba kasi pare-pareho kayo ng type na babae? Sana naiba na lang si Jest para naman may posibilidad na mapansin niya `ko.” Ngumiti si Matt. “Huwag mo nang problemahin `yon. Ang problemahin mo kung paano mo siya mabibighani,” anito. “Mabibighani?” kunot-noo niyang tanong. “Para namang magagawa ko `yon. Wala nga siya rito. Nasa States siya.” It had been six years magmula nang huli niyang makita si Jester. Tandang-tanda pa niya sapagkat naroon ito sa debut niya. She was hoping that time na ang lalaki ang maging escort niya. But she felt disappointed nang igiit ng kanyang mga magulang si Matt. Halos hindi niya pansinin noon ang kaibigan sa matinding inis na naramdaman. Pinagsabihan niya kasi itong mag-back out para magkaroon siya ng rasong ipalit si Jester, but he never did. So ang resulta, si Matt pa rin ang escort niya. “Hey, Jane!” Siniko siya ng kaibigan. “H-ha?” Napailing ito. “Naglakbay na naman `yang diwa mo. Ang sabi ko, magbabakasyon si Jester sa susunod na buwan.” Namilog ang kanyang mga mata. “Aren’t you kidding?” tanong niyang niyugyog ito sa balikat. Ayaw muna niyang maniwala. Minsan kasi pinagti-trip-an siya ng kung anu-ano ng kaibigan. Gumanti ito ng yugyog. “Do I look like I’m just kidding?” Pumiksi siya at humalukipkip. “Baka naman niloloko mo lang ako. `Tapos mamaya `pag maniwala na `ko, bigla mo na lang babawiin. Gan’on ka, eh,” diskumpiyado niyang pahayag. “Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Ikaw na nga itong sinasabihan, ikaw pa `tong marami’ng arte,” nakaismid na wika nito. “Ay, sus! Ikaw pa’ng may ganang magtampo riyan.” Sinundot niya ito sa tagiliran. “But seriously, magbabakasyon ba talaga si Jester?” seryoso niyang tanong. “`Kulit! Oo nga, eh,” tugon nitong waring napupuno sa inis. “Kaya’t ngayon pa lang, maghanda ka na sa mga plano mo para mapansin ka na ni `insan. Kawawa ka naman kasi kung tumanda kang dalaga,” muli ay nakangising pambubuska nito. “Oo, maghahanda talaga ako to the highest level,” sabi niyang nakangiti. Hindi niya pinansin ang pang-aasar nito. She was more interested of the fact na makikita niya uli ang ultimate crush niya. “Dahil ngayon sisiguraduhin ko nang masusungkit ko siya by hook or by crook. Mapapasaakin siya!” determinado niyang pahayag. “Siguraduhin mo lang dahil pagtatawanan talaga kita kung hindi mo `yan magawa.” Napahalakhak ito. Binalingan niya ang humahagalpak ng tawang kaibigan. “Sige, Matt, pagtawanan mo lang muna `ko dahil oras na magtagumpay ako ay talagang magpapalibre ako sa `yo ng worth fifty thousand pesos na pang-online shopping,” ngingisi-ngisi niyang saad. Alam niyang kuripot ito kaya’t iyon ang hiningi niya. “If that happens.” Hindi ito nagpatinag, saka tumingin sa kanya nang nakakaloko. “Sige, pustahan tayo, Jane,” hamon nito. “Sige ba,” pagsang-ayon niya. “Magpapalibre ka lang? Naku, sisiw lang `yon. Magpapahanap ka lang ng ikaka-fling mo? Mas lalo namang hindi ako mahihirapan n’on,” saad niya. Marami kasi siyang babaeng kaibigan na patay na patay kay Matt. At handa ang mga ito na maka-fling ang binata. Her best friend was indeed a formidable playboy one! “Hindi ako magpapalibre. At mas lalo namang hindi ako magpapahanap ng babae. Kusa silang lumalapit sa `kin. Titig ko pa lang, bumibigay na.” Matt smirked. Pinatirik niya ang mga mata. “`Yabang talaga,” she murmured. “Okay lang maging mayabang, totoo naman,” depensa nito. “Oo na, oo na! Ayoko nang makipagdiskusyon sa `yo. Sabihin mo na kung ano’ng gusto mong ipangpusta ko,” aniya. “Maibibigay mo ba `yon?” May naglarong pilyong ngiti sa sulok ng mga labi nito. “Oo naman. Ako pa!” tugon niyang tinaasan ito ng isang kilay. “Kailan pa ba ako umayaw sa pustahan natin? May isa akong salita kahit palagi akong talo. Gusto mo ba ng bagong sasakyan, laptop, ng bahay at lote? Sabihin mo lang para mapaghandaan ko,” sabi niya, saka ngumiti nang matamis. “But I doubt kung maghahanda pa ako n’on. Alam ko naman kasi sa pagkakataong `to makukuha ko na si Jester.” “Ang lakas talaga ng self-confidence mo, Jane,” ngingiti-ngiting komento nito. “Pero sige, ilalatag ko na ang hihingin kong pusta sa `yo.” Tiningnan na naman siya nito nang nakakaloko. “Ano nga `yon? Huwag ka nang pabitin, and don’t keep me waiting.” Nagkandabuhol ang kilay niya. Hindi na lang kasi sabihin nang deretso. “I want us…” pabitin nitong wika. “You want us to what? Dali, sabihin mo na!” mataas ang boses na turan niya. “I want us to… you know.” “Ano nga, eh? Nakakainis ka naman. Talk straight to the point. Hindi `yong—” “I want you, Jane. Kapag natalo ka sa pustahan natin, sarili mo ibibigay mo. We will engage for a one-night stand together as if we’re lovers, and not best friends.” Kulang ang sabihing panawan siya ng ulirat sa sinabi nito. Bigla siyang namutla sa narinig. Hindi niya akalaing iyon ang nanaisin ni Matt. Kung mahirap para rito ang ilibre siya ng worth fifty thousand, mas lalo namang mahirap ang hinihingi nito sa kanya. “Natameme ka riyan?” nakangising tanong nito. “Y-you’re just horsing around, right? Sabihin mo na kasi ang gusto mo.” Nagbabakasakali siyang nagbibiro lamang ito. “I’m not joking. Iyon ang hinihingi ko mula sa `yo, Jane,” seryoso nitong tugon. “Matt naman, eh! Parang hindi tayo magkaibigan. Trip mo pa akong isali sa mga fling mo,” pagpapakonsensiya niya. Matt smirked. “Akala ko ba, malakas ang loob mo dahil sabi mo nga, mananalo ka sa pustahan? Para mo na rin sinabing hindi mo magagawang paibigin ang pinsan ko.” Nasa boses nito ang panghahamon. “Hindi naman sa gan’on. Kaya lang…” Napatigil siya sa pagsasalita. Paano kung matalo siya? She couldn’t imagine giving her body sa sarili niyang best friend. Isipin pa nga lang na hahalikan siya nito ay nangingilabot na siya. How much more on that “thing?” Okay sana kung si Jester ito. “Kaya lang ay ano? Natatakot ka kasi alam mong hindi ka mananalo,” pang-aalaska nito. Pinukol niya ito ng matalim na tingin. She deeply sighed. “S-sige, pumapayag na ako sa pustahan natin,” atubili niyang kumpirma. Tumawa si Matt. “Good luck sa ating dalawa, Jane.” Saka kampanteng tinitigan siya na hindi pa rin maka-get over sa inilatag nitong deal. Napakagat-labi siya. Talagang gagawin niya ang lahat, manalo lang siya. If she would win, she could get two prices in hand—ang fifty thousand worth na pang-shopping mula kay Matt, at ang lalaking si Jester na noon pa man ay pinapangarap na niya. But if she would lose, that would be the most dreadful nightmare for her—ang ibigay ang sarili sa matalik niyang kaibigang palikero.  _____________ NAKAPANGALUMBABANG nakatunganga si Jane sa harapan ng class record niya. Nasa loob siya ng kanyang sariling kuwarto sa bahay nila at kakatapos lang sa pagta-tally ng grades ng kanyang grade five and six pupils. She was teaching English and Filipino subjects at Mother Therese Laboratory School. It was a private school kung saan puro mayayaman at anak ng mga negosyante ang nag-aaral doon. The said school catered kindergarten to high school students. Mahigit tatlong taon na siyang nagtuturo roon at wala siyang maipipintas sa naturang paaralan. It was properly administered by the faculty and staff, and the school administrator itself. Mababait din ang mga kasamahan niyang guro roon. “Ano kaya ang gagawin ko?” kausap niya sa sarili habang nilalaro-laro ang ballpen na hawak. Si Jester na naman ang iniisip niya nang mga sandaling iyon. “I no longer want na bumalik na naman siya sa States nang hindi man lang ako nagtatagumpay,” aniya pa. Hindi naman siya makakuha ng seryosong suhestiyon mula kay Matt dahil wala itong alam sa mga dapat na gawin ng isang babae para makuha ang atensiyon ng isang lalaki. Si Matt kasi ang tipo ng lalaking sinusunggaban agad ang mga lahi ni Eba na lapit nang lapit dito. In other words, kapag palay na ang lumapit ay agad nitong tinutuka. Ilang sandali pa siya sa ganoong pag-iisip nang biglang tumunog ang notification bell ng kanyang cell phone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Wala sa mood na dinampot niya iyon. She stared at who the sender was. It was Johanna, kaibigan niya ito and at the same time ay co-teacher sa Mother Therese Laboratory School. “Johanna talaga,” sambit niyang napailing habang nakatutok sa chain message na s-in-end nito via f*******: messenger. Akmang ibabalik na niya ang cell phone nang may sumagi sa isipan niya. “Tama!” bulalas niyang pabiglang tumayo. “Si Johanna ang makapagbibigay ng payo sa akin kung ano ang nararapat kong gawin.” Saka niya inisa-isang iniligpit ang mga nagkalat na gamit sa mesa. Pupuntahan niya ang kaibigan sa bahay nito. Tutal, araw iyon ng Sabado kaya’t tiyak na nandoon lamang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD