Kabanata 28 Ambulance “Attorney, parang awa mo na, gumising ka na oh. Hindi pa ako ready na maging biyuda. Beinte tres palang ako, utang-na-loob. Baka isipin ng mga tao na may nakakabit na sumpa sa akin at malas ako sa asawa. Wala nang papatol sa akin, Attorney. Hindi ako papayag na tumandang mag-isa. Ayoko! Kaya please, gising ka na. I'm sorry. I'm sorry.” Walang humpay sa paglandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Nasa ambulansya na kami para isugod si Attorney sa pinakamalapit na ospital. Naturingan pa man ding magaling na abogado pero may kabobohan palang taglay ang taong ‘to. Tumalon ba naman sa gitna ng laot gayong hindi pala marunong lumangoy. Para na akong baliw sa labis na pag-aalala. Kapag hindi nakaligtas mula sa kamatayan si Attorney ay baka hindi matahimik ang kaluluwa n