A/N: Thanks to those who spent their time and coins in this story. All your support and comments are deeply appreciated po. Thank youuuuuuu for being so incredible, mga madam. Lovelots. Kabanata 33 Pagbabanta Mula sa unibersidad kung saan akala ko’y pumapasok si Jennesa hanggang sa makauwi ako sa apartment ay hindi na humumpay ang paghihimutok ng dibdib ko sa sobrang gigil at galit sa nalaman. May klase ako nitong hapon ngunit sinadya kong hindi pumasok para i-surprise visit si Jennesa sa paaralan nito. Ngunit wala akong Jennesa na natagpuan sa unibersidad. At doon natuklasan kong hindi pala enrolled ang kapatid ko sa school year na ito. Halos lahat ng subject nito noong nakaraang taon ay bagsak din. At may isa pa akong nadiskubre na hustong nakapanglumo sa akin. Iyon ay nang malama