Kabanata 39 Nakatago Nagising ako ng deshoras ng hating-gabi na mag-isa na lamang ako sa kama. Sinubukan kong bumalik sa pagtulog dahil inisip ko na baka nasa library lang si Attorney ngunit lumipas ang ilang minuto ay nawala na ang antok ko. Hinahanap-hanap ng katawan ko ang presensya ni Attorney. Tahimik akong bumangon at nagsuot ng tsinelas pambahay. Wala sa sarili akong napangiti nang maamoy ko ang pabango ni Attorney sa akin gawa nang inangkin niya ang katawan ko kaninang bago ako natulog kaya nakadikit pa rin sa katawan ko ang amoy ng asawa ko. Sa isang silid ako dinala ng aking mga paa. At tama nga ako dahil sa dulong silid ay nadatnan ko si Attorney na naglilinis. May dalawang malalaking kahon malapit sa bintana at doon niya nilalagay ang bawat naiwang alaala ng dati niyang pa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books