1-Secret Job

2282 Words
Kabanata 1 Secret Job Sa wakas ay nagawa ko nang makapag-enroll sa Genesius Business College— isa sa mga prestihiyosong kolehiyo sa bansa. Ito ang pangarap kong school dahil alam kong dito ako belong— sa paaralan ng mga sosyal at anak ng mayayaman. Dalawang taon din akong nag-ipon para sa pang-matrikula ko. Kung anu-anong raket ang pinapasok ko, kumita lamang ako ng salapi. Tinatakpan ko ang salitang pagod at pagsuko sa bokabularyo ko kasi likas akong ambisyosa. Nang magkaisip ako, sadya kong hinimok ang sarili ko na taasan ang pangarap ko dahil halos lahat ng tao sa paligid ko ang baba ng tingin sa akin. Ilan sa kanila ay hindi nga naiiba sa akin dahil ang nangunguna sa mga nang-aalipusta sa akin ay sarili kong mga kapatid. Ang sarili kong ama! “Mag-aaral? Sino ang nagbigay sa'yo ng permiso na mag-aral ka, ha?” Singhal sa akin ng sarili kong ama nang umuwi ako sa lugar namin nang mamatay ang tatang ko. Hindi sinasadya na nabuksan ko ang paksa tungkol sa plano kong pag-aaral. “Pero, Pa, may ipon naman na po ako. Pangako ko naman sa inyo na hindi ako manghihingi sa inyo ni Mama.” “Hindi p’wede! Hindi ka mag-aaral, Jhen. Hindi ka hihinto sa trabaho mo para lang mag-aral, naiintindihan mo? Third year college na si Jennesa at lumalaki na ang mga gastusin niya sa paaralan. Kailangan mo siyang suportahan hanggang sa makapag-review siya dahil iyon ang napag-usapan natin!” Kung singhalan ako ng sarili kong ama ay para bang wala siyang respeto sa burol ni Tatang— ama ng Mama ko. “Magsusuporta pa rin naman ho ako kay Nessa dahil hindi ko naman iiwan ang mga sideline job ko, Pa. Pero hindi ko maipapangako na gano'n pa rin ang pera na maibibigay ko kapag nag-aral na ako kasi kailangan ko ring tustusan ang pag-aaral ko, Pa.” Gusto kong ipaintindi kay Papa na may sarili rin akong pangarap sa buhay. Ako ang panganay pero ako itong napag-iwanan ng panahon dahil lang sa pagiging isang ulirang anak at kapatid. Sixteen palang ako ay naging full-time na akong katulong. Mabuti na lang at mabait ang mga naging amo ko dati kaya naipagsabay ko ang pag-aaral sa trabaho ko. Sa pamamagitan ng Alternative Learning System kahit papaano ay medyo nakahabol ako at dumiretso ako ng dalawang taon sa senior high school. Pagka-graduate ko ay huminto rin ako at hindi tumuloy sa kolehiyo. Umalis din kasi ako sa mga dati kong amo dahil nag-migrate sila sa Canada at napunta ako sa isang club at naging serbidora. Sa halos dalawang taon ko sa club ay marami akong natutunan na iba't ibang raket para kumita ng pera na maisusuporta ko sa mga kapatid kong patuloy na nag-aaral. Hanggang sa naisipan ko na mag-umpisa nang mag-ipon para sa sarili kong pag-aaral. Gusto ko rin kasi na maihakbang ang sarili kong pangarap kahit na walang umaalalay sa akin kundi sarili ko. Ngayon ay may ipon na ako’t sapat na lakas ng loob na mag-kolehiyo pero hinaharang pa rin ako ng pamilya ko imbes na suportahan na lang sana nila ako kahit sa moral na paraan lang. “Hindi puwede! Hindi ka pa mag-aaral hangga't hindi nakakapagtapos ang mga kapatid mo. Sasayangin mo lang ang pera at panahon mo r’yan dahil hindi ka naman kasing-talino ng mga kapatid mo. Hindi ka mag-aaral! Tapos na ang walang k’wentang usapan na ito!” Tinalikuran ako ni Papa at hindi na nakapagsalita pa. Sumali siya sa mga kapitbahay namin na nag-iinuman sa labas. Ako naman ay lumapit sa kabaong ni Tatang. Kung hindi lang sa larawan na nakapatong sa kabaong ni Tatang ay hindi ko maaalala ang mukha niya noon. Sa halos pitong taon ko kasing pagtatrabaho ay dalawang beses lang akong nakauwi rito sa lugar namin. Tiniis ko ang maraming taon na mapalayo sa pamilya ko dahil kasi kahit narito ako ay araw-araw nilang ipinaparamdam sa akin na hindi ako kabilang sa pamilya nila. Kaya nasanay na ako sa malayo. Ang tanging silbi ko lang sa pamilyang ito ay ang mag-akyat ng pera. Kapag araw ng sahod, doon lang ako nakakatanggap ng text message mula sa mga kapatid ko. Ni wala ngang kumusta at diretso hingi lang. Ni minsan ay wala sa kanila ang nagpasalamat sa akin. Tao pa rin ako at siyempre nakakaramdam ako ng sama ng loob sa uri ng trato nila sa akin. Pero iisipin ko pa lang na ihihinto ko ang sustento sa mga kapatid ko, ako rin ang hindi pinapatahimik ng konsensya ko. Nag-alay lang ako ng dasal kay Tatang at lumabas muna sandali para sumagap ng sariwang hangin. Lalarga na ako mamayang hapon. Hindi naman ako kakailanganin dito kaya hindi rin ako magtatagal. Nadurog ang puso ko nang pagbalik ko sa bahay ay nadiskubre kong lahat ng cash na dala ko ay wala na sa bag ko! “Jade, sino ang nakialam sa pera ko?” Mangiyak-ngiyak na tanong ko sa bunso kong kapatid na buhat nang dumating ako ay panay dutdot lang sa bago niyang cellphone. Hindi man lang makatulong sa pag-aasikaso sa mga nakikiramay sa ibaba. “Si Papa. Hiramin daw muna n’ya dahil may balance pa sa punerarya.” Walang ganang sagot ni Jade sa akin. “Balanse? E na-settle ko na kahapon ang balanse sa punerarya. Pinadala ko kay Jennyrose!” Nagkibit lang ng balikat si Jade at umismid. Wala nang saysay kung kokomprontahin ko pa si Papa. Lasing na kasi ito. Bumalik ako sa itaas para kunin ang backpack ko. Dumating na si Mama kasama ang isang magandang bisita na kung kumilos ay napaka-sosyal. Hindi na ako nagtangka na kumustahin si Mama dahil panigurado ay hindi naman niya ako papansinin. Wala akong mahingan ng kahit pangpamasahe lang pabalik ng Maynila kaya nang makita ko ang perang limos sa garapon ay kinuha ko iyon. Nangako naman ako sa sarili ko na pagdating ko sa Maynila ay ibabalik ko rin ang pera. Sa pagmamadali ko ay nahugot ko lahat ng pera sa garapon. Hindi ko na iyon nabilang dahil naabutan ako ni Mama na galing sa kusina. Tumakbo na lang ako ng matulin palayo dahil oras na maabutan ako ni Mama ay mahihirapan akong makahanap ng pamasahe ko. Pagkadating na pagkadating ko rin ng Maynila ay binawasan ko ang pera sa savings ko pati na ang sobra sa natangay ko mula sa abuloy ni Tatang at ipinadala pabalik sa Canvertudez. Nagdagdag pa ako ng dalawang libo dahil nakokonsensya ako sa ginawa ko. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko habang iginagala ko ang aking tingin sa buong campus. Proud na proud ako sa sarili ko. Isa na ito sa maituturing kong pinakamalaking accomplishments sa buhay na nakapasok ako sa kolehiyo na ito. Sa wakas ay makakahalubilo ko na ang mga mayayaman na tao. Ayon sa pananaliksik ko ay karamihan sa mga estudyante rito sa Genesius Business College ay mga anak ng mga kilalang negosyante sa bansa. Malaki ang chance ko na magkaroon ng boyfriend na anak mayaman sa school na 'to. “So, what's your family business, girl?” Sa akin huling napunta ang interogasyon. Ikalawang linggo ko sa klase ay nakilala ko si Arielle, Jayda at Clover. Isinama nila ako sa grupo nila dahil lang nakita nila ako kung paano ko sagut-sagutin si Margaux na siyang pinakabruhang tao na nakilala ko. Unfortunately ay kaklase ko iyong nuknukan sa kaartehan na Margaux Tuazon na ‘yon. Tinulak ba naman ako kahapon no'ng nasa school cafeteria ako. So, pinatid ko ang bruha kaya ayon napahiya. Akala niya siguro na magpapaapi ako sa kung kani-kanino lang. “Is your family into mining business or something, Jhen?” Muling tanong sa akin. Kay Jayda naman galing itong ikalawang tanong. Lahat sila ay halatang interesado na malaman ang family background ko. “Or we guessed na abroad based ang business ninyo?” Si Clover. “Tell us briefly about your family na dali. Do you have a single brother ba or cousins perhaps? ‘Yong puwede mong ireto sa amin. You know, we can merge our businesses in the future. That's exciting, isn't it? I'd love to suggest it to my Dad para hindi na niya ako ipagkasundo sa mga singkit na anak ng mga kaibigan niya. I'm sure ang gaganda at popogi ng angkan n’yo, Jhen. Look at you, you're so gorgeous.” “I... Uhm, I'm the only child. And my cousins, they're all in abroad. But don't worry, girls. Ipapakilala ko kayo sa mga binata kong pinsan kapag nagbakasyon sila rito.” Pagsisinungaling ko at kinilig naman ang tatlo. Ngayon lang ako nagkaroon ng mga kaibigan at tila hanga pa sila sa akin. Kailangan kong gumawa ng istorya dahil kapag sinabi ko ang totoo na anak mahirap ako ay tiyak na hindi na nila ako ulit kakausapin. “So, your parents—” “I am a foster child.” Kalmado kong singit sa muli sanang pagtatanong ni Arielle. Napasinghap si Jayda at Clover. Halos sabay na gumalaw ang ulo ng dalawa nang tumitig sila patungo kay Arielle at pabalik sa akin. Hindi ko na-gets kaagad ang pagtitig nila sa amin ni Arielle. “My foster parents, they're in Canada now. Doon nakabased ang business nila.” Habang sinasabi ko iyon ay ang mga amo ko dati ang nasa isip ko. Habang nagpoproseso ako ng admission ko rito sa college ay isinabay ko na rin ang pag-iisip ng mga hahabiin kong kuwento dahil alam kong may mga makikilala ako na magtatanong tungkol sa buhay ko. Nakita ko ang pagngisi sa akin ni Arielle. Naglahad ito ng kamay na ipinagtaka ko. “I am once a foster child, too, girl. And fortunately I got a kind and wealthy adoptive parents. “Oh?” “Now I officially announced you to be part of our group, Jhen.” Sinugod ako ng yakap ng tatlo at sa sumunod na mga linggo ay parang naging natural na lang ang pagkakaibigan naming apat sa college. Smooth din ang unang dalawang buwan ng semester ko. Kahit papaano ay hindi ako gaanong nganga sa kursong pinili ko. Si Papa lang talaga ang nagsasabi na bobo ako. “Guess what, girls?” Nabasa ko kaagad sa mukha ni Jayda na may dala itong exciting na balita. Papunta kami ngayon sa library at humabol lang sa amin si Jayda. Nagpunta kasi ito sa boyfriend niyang isang third year college Entrepreneurship student. “What is your balita all about ba, Jayda?” tanong ni Clover. “This end of the semester kasi, my boyfriend and his friends invited us to join their one week Subic yacht cruise. And of course, I agreed kaagad.” Tuwang-tuwa ang tatlo. Ako naman ay walang kaimik-imik. Hindi ko lang pinapahalata sa mga kasama ko na nananamlay ako dahil sa matinding pagod at puyat. Alas tres na kasi ng madaling araw kanina nang natapos ang online raket ko. Pagkatapos no'n ay nag-review pa ako dahil nag-exam kami kanina sa Managerial Economics. Nagtaka ako nang akbayan ako ni Jayda. May nakakalokong ngisi sa mukha niya. “Hear this out, Jhen. Harris Palma personally talked to me and he asked a lot of things about you. Shít ka, Jhen! Type ka ni Harris Palma. Idol na talaga kita.” Harris Palma is a matinee idol. Sikat na theatre actor at ang nag-iisang ultimate crush ko. Kilalang-kilala ko na si Harris Palma bago ko pa man nalaman na schoolmate ko siya. Sa kagustuhan kong sumama sa yacht cruise ay tumanggap ako ng customer sa online raket ko hanggang madaling araw at halos wala na akong tulog. Kailangan ko siyempre ng pera para hindi ako magmukhang saling-pusa sa cruise. Pagdating ko sa apartment na nirerentahan mula sa club na pinagtatrabahuan ko ay kaagad akong tumungo sa computer desk ko. I set it on immediately kahit na hindi pa ako nakakapagbihis para makarami ako ng customers. Napangisi ako sa tuwa nang may caller kaagad ako. I checked my email and grin wider nang makita kong doble ang p*****t na pumasok sa bank account ko. “This is Dominatrex J from Dominatrex dirty house speaking. Do you want to commit a sin for your next confessional, Sir?” I use the most seductive tone of my voice dahil iyon ang isa sa puhunan sa uri ng trabahong ito. “I am not a sinner.” Iyon ang ibinungad sa akin ng caller ko. Napahawak ako sa headphones ko dahil napukaw ang interes ko nang mahimigan ko ang lungkot na nakakubli sa baritonong boses ng lalaking nasa kabilang linya. “I know exactly what all the callers need and as per my job, I know a great way to burn off your stress, Sir. Your first time, Sir?” “Yes and you can call me Attorney O in case you want to moan my name while you're imagining my above average sized cóck drilling your pússy.” Napa-wow ako. As a first timer, mukhang mabagsik ang isang ito. And he's an Attorney! Kaya pala doble ang bayad. Galante si Mr. Attorney O. At nalalarawan ko sa utak ko na guwapo itong bagong client ko ngayon. Boses pa lang, nakakapanginig na ng tuhod. “As I gathered a brief information regarding this site, nalaman ko na ikaw ang pinaka-in demand. Now I'm curious what you've got to offer to a man like me who hasn't gotten into s****l i*********e for quite a while now. Would you satisfy me, Dominatrex J?” “You’ll be beyond satisfied, Mr. Attorney O. Hmmm...” At tungkol sa sideline job ko, isa rin akong online hooker and I offer voice call séx at karamihan sa kinikita ko ay nanggaling sa pambihirang trabahong ito. I'm Jhen and this is my secret filthy job.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD