CHAPTER TWO
LENARD POV
SINAG ng araw na mula sa bintana ang siyang gumising sa akin. Kukurap akong bumangon biglang may inis na nararamdaman kung sino na naman kaya ang siyang pumasok sa silid ko nang walang paalam sabay na binuksan ang bintana ng silid kong iniiwasan ko. Nakakapikon talaga! Halos tatlong oras lang yata ang siyang tulog ko dahil umaga na naman pala akong umuwi mula sa isang sikat na lounge na halos kilala sa buong Tomas Morato.
Nabaling ang tingin ko sa orasan ko sa dingding, pasado alas dyes na ng umaga. Linggo ngayon walang masyadong trabaho; walang shooting, walang taping, walang rehearsal, walang kahit na ano ngayon. Kaya nga gusto ko pang matulog ng matagal. Kaso heto! May kung sino na namang Poncio pilato ang siyang nagbukas ng bintana ko, na naging dahilan kung bakit ako nagising.
"Manang!!!!!! Manang Aidaa!!" sigaw ko sa baba nang bumangon ako. Alam kong naririnig ako ng isa sa mga katiwala ng bahay namin. Kilala na ako ng mga ito. Hindi naman talaga ako masamang amo, sadyang minsan trip ko lang sa kanila magsungit lalo pa't masama ang gising ko.
"Sir! Sir, may kailangan ho kayo?" Naghihikahos na si Manang Stella. Hindi naman ito ang tinawag ko pero ito ang siyang dumating.
"Nasaan si Manang Aida?" ngitngit kong tanong sa kaniya. Mas lalo yatang naging masama ang gising ko dahil si Manang Aida ang siyang tawag ko pero heto si Manang Tulay ang siyang pumunta sa akin.
"Umuwi po kahapon ng Iloilo si Manang Aida, Sir," sabi nito sa akin. Napataas ang kilay ko. Paano umuwi si Manang Aida na walang paalam sa akin? Alam ba ni Mommy 'to? Napasinghap ako at muling bumalik sa silid ko walang paalam na sinirado ang pinto. Sa ganitong mood ko mahihirapan na akong makatulog. Si Manang Aida lang ang tanging maaasahan ko sa bahay na ito mula sa pagkain ko hanggang sa personal kong gamit. Pero nakuha pa talaga nitong umuwi na wala man lang pasabi sa akin.
Naagaw ang tingin ko sa cellphone kong nasa ibabaw ng higaan ko. Walang ibang tumatawag ng maaga sa akin maliban kay Bea ang loveteam ko.
"Mabuti gising ka na!" bungad nito sa akin nang sagutin ko ang tawag nito. Tulad ko mukhang hindi rin yata maganda ang gising ng isang 'to. Umayos ako ng pagkakaupo bago ko sinagot ito.
"Masama ang gising ko!” pagbibigay-alam ko sa kaniya. Narinig ko ang siyang pagsinghap nito. Kilala ko si Bea pag ganito na ang siyang timpla nito alam kong may naging mali na naman sa kinilos ko.
"May nakakita sa'yo kagabi nasa Tomas Morato ka raw," sabi nito.
Sinasabi ko na nga bang may tsismosa na naman ang siyang nakakita sa akin kagabi.
"At hindi lang basta kasama dahil magkahawak-kamay pa kayo ng Tricia na 'yon," dugtong pa. Paano ko nga ba ipapaliwanag sa kaniya na mali ang balitang nakarating sa kaniya? Tricia is one of my friend at walang kahit na ano ang siyang namagitan sa aming dalawa. Hindi kagabi at kahit kailan hindi darating 'yon.
"Baka nakakalimutan mong nasa atin ang mata ng lahat, Lenard! Baka pwedi ka naman mag-ingat sa susunod!" paalala pa nito. Hindi na ako nagsalita pa, hindi lang loveteam ang isang 'to gusto na rin yata pasukin ang pagiging manager ko. Dinaig pa si Mommy.
"Tatandaan ko ho, Maam," biro ko sa kaniya. Bumuntong-hininga ito ulit. Lihim nalang akong natatawa sa reaksyon ni Bea. Mabait din naman siya minsan talaga sumpungin lang hindi ko nga alam kung bakit sa tagal ng panahon na loveteam kami hindi ko pa rin magawang makatotohanan ang lahat. Dahil na rin siguro trabaho ang siyang prioridad nito, na walang balak haluan ng romansa ang mayroon sa aming dalawa.
Tuluyan na akong napabangon at tuluyan na ring nasira ang araw ko una dahil sa kung sinong nagbukas ng bintana ng silid ko at ang pangalawa at ang pangalawa ang panenermon ni Bea. Nagpasya na akong lumabas , maglulunoy na lang siguro ako sa pool para naman maibsan itong inis kong nararamdaman sa mga tao sa paligid ko .
Nadatnan ko sa labas ang ilang mga katiwalang abala sa kani-kanilanb ginagawa; may nagpupunas ng mga mwebles, may nag-ma-mop, nagwawalis at may ilang namang nagwawalis sa labas sa harap ng pool kong saan ko planong mag-lunoy.
“Bakit umalis si Manang Aida?” tanong ko. Lumingon sa gawi ko ang nandito sa malawak naming sala, nagbigay galang sa akin.
“Maghahanap daw po siya ng kapalit ni Marites, Sir,” sagot ng isa. Napakunot-nuo ako sino naman ang Marites na sinasabi nito. Hindi lang din ako tumugon sa kaniya. Pinili ko nalang tumuloy sa kusina namin ng naramdaman ko ang pangangalam ng sikmura ko.
Marami pa akong kailangang gawin ngayong araw na ito, kabilang na ang makipagkita kay Tricia.
Napangiti ako.