Patawid sana kami ng kambal sa kalsada upang sa kabila kami maghihintay ng jeep pauwi sa bahay may bumusina na sasakyang toyota. Nakilala ko may-ari ang sasakyan na ito. Ito yata ang paboritong sasakyan ni Blaze. Galing kami sa silid-aralan ng kambal. Hatid sundo ko na ang kambal dahil busy na si Allen sa on-the-job training niya na required ng paaralan para sa mga graduating students. Tuwing hapon na lang kasi ako tatao sa tindahan matapos masundo ang kambal galing swela. "Papa!" sigaw ng kambal ng bumaba si Blaze sa sasakyan nito. Nag- unahan pa ang mga ito sa pagtakbo patungo kay Blaze. Sinalubong naman sila ni Blaze isang maghigpit na yakap. "I miss you, kids." wika ni Blaze sa kambal. Napairap naman ako nang marinig yon. Miss daw niya pero nagpakasaya siya sa piling ng kababata